Mabilis na inalis ni Lei Chen ang galit na makikita sa kaniyang mga mata at marahang sumagot, "Ano iyon?"
"Kamahalan! Si Fan Jin ng Zephyr Academy ay narito para magbigay ng mensahe na ang mga disipulo ng Zephyr Academy ay bibisita sa iyo mamayang gabi." Ang boses ng guwardiya ang kaniyang narinig sa likod ng nakasaradong pinto.
Lumaki ang mga mata ni Lei Chen at mabilis na sumagot, "Sabihin mo sa kaniya na malugod ko silang tatanggapin kahit na anong oras."
[Mayroon pa rin siyang pagkakataon!]
"Hindi ka pa rin sumusuko?" Biglang may malamig na boses ang nagsalita mula sa likod ng kaniyang upuan.
Nanigas si Lei Chen at sumagot kahit hindi nililingon ang kausap, "Bakit ka naparito? Para kumbinsihin ako na sumuko? Ano ang kailangan kong isuko? Hindi ako manika ng kahit na sino, at higit s lahat, hinid ako pamalit lamang ng kung sino! Pinaglalaban ko ang aking sarili at ano ang mali doon?"
Ang tao sa likod ng ay marahang nagbuntong hininga.
Inalis ni Lei Chen ang kaniyang karaaniwang imahe at mabait na mukha, ang kaniyang kamay ay mahigpit na nakakuyom. Hindi siya umurong, hindi niya gustong umurong. Kilala niya kung kanino boses ang nasa likod niyang nagsalita at alam niya kung ano ang pakay ng taong iyon. Ngunit ano ang kahulogan nito?
"Sa maraming taon na nakalipas, kumpara sa akin, mas ikaw ang nakakaalam kung ano ang ginawa ng mga taong iyon. Alam mo kung ano ang sitwasyon ko ngayon, at tinatanong mo pa rin sa akin kung papaya ako?" tanong ni Lei Chen habang ang kaniyang mga nagtatagis ang kaniyang bagang.
Ngunit nagpatuloy ang lalaki, "Alam ko ang sakit na iyong nararamdaman sa iyong puso, ngunit ayoko na mawala mo ang iyong sarili dahil dito. Kung titingnan ka ngayon, malaki ang iyong pinagbago kumpara sa dating ikaw." Ang boses ng lalaki ay may bahid ng lungkot at pagsisisi.
Mapait na tumawa si Lei Chen, "Kaya ngayon naparito ka para kamuhian ako, tama ba? Dahil ang iyong disipulo ay naging walang hiya, sakim at makasarili, kung kaya naman… ikinahihiya mo na ako ngayon. Tama ba? Guro… Hindi! Sa tingin ko dapat kitang tawaging dakilang tagapayo, tama ba?!"
"Iniisip ko natawagin kang guro, ngunit sa tingin ko marumi ito sa iyong pandinig! At dahil ayaw mo akong makita na nasadlak sa kahiya-hiya at ubod ng samang kalagayan, hindi mo na sana inabala pa ang iyon sarili na pumunta dito sa aking pamamahay! Mas maganda kung maglakad-lakad na lamang ang dakilang tagapagpayo sa sarili niyang palasyo dahil ang bahay ng tagapagmanang prinsipe ay hindi matatanggap ang iyong kagalang-galang." Ang sarkastikong boses ni Lei Chen na puno ng pagkasulam ang maririnig sa silid. Walang giliw ang mababakas sa gwapong mukha ni Lei Chen.
"Lei Chen, bakit mo ba pinipilit na gawin ito sa iyong sarili?" Ang lalaki sa likod ay puno ng pighati, hindi man lang naapektohan sa sarkastikong mga salita at pamamahiya ni Lei Chen.
Hindi na inabala pa ni Lei Chen ang sarili sa paulit-ulit na turan ng pagpapaubaya at pagpapatawad ng lalaki. Mabilis siyang tumayo at naglakad papunta sa pintuan nng silid.
"Ang mga disipulo ng Zephyr Academy ay papunta rito ngayong gabi, sigurado ako na may alam na ang dakilang tagapagpayo sa mga disipulong iyon. Labing anim at labing pitong taong gulang na nagtataglay ng blu spirit! Mga makapangyarihan! Nakikipagkaibigan na sila ngayon sa akin at sa tulong nila, baka hindi ako matalo! Sila ay mga importante kong panauhin at kung wala ng ibang sadya ang dakilang tagapagpayo sa akin, hinihiling ko na marapatin ninyong umalis na. Hindi ko gugustohin na makita kayo ng aking mga panauhin." Pagkatapos magsalita, lumabas na ng silid si Lei Chen.
Ang lalaki na nanatili sa likod ay nagpakawala ng malaim na buntong hininga at kang kaniyang pigura ay mabilis na nawala sa loob ng silid, tahimik ang kaniyang paglisan katulad ng kung paano siya dumating.
Nang gabing iyon, naghanda ng salu-salo si Lei Chen para sa pagdating ni Jun Wu Xie at ng mga kasama nito. Ito ang unang beses na si Jun Wu Xie at kasamahan nito ang sumadya sa kaniya at lubos ikinasaya ni Lei Chen ito.