Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 805 - Ang Tagapagmanang Prinsipe ng Yan Country (2)

Chapter 805 - Ang Tagapagmanang Prinsipe ng Yan Country (2)

Nang dumating si Jun Wu Xie at ang kaniyang kasamahan sa pintuan ng bahay ng tagapagmanang prinsipe, si Lei Chen ay naghihintay na doon. Ang paghintay nito sa may pintuan ay isang pagpapakita ng pagpapakumbaba at kagandahang asal.

Nang makaupo na ang pangkat para sa salu-salo, ngumiti si Lei Chen bago nagsalita, "Para sa bibihirang karangalan na pagbisita niyo dito, magtagay tayo para sa karangalan." Pagkatapos magsalita, itinaas niya ang kaniyang kupita at mabilis na ininom ang laman nito.

Pagkatapos, umupo siya at puno ng pagpapaumanhin na nilingon si Jun Wu Xie.

"Iniisip ko na ang rason kung bakit naparito si little brother Jun ay dahil sa kumakalat na balita sa kapitolyo, tama ba?" Hindi tanga si Lei Chen at alam niya na si Jun Xie at ang kasamahan nito ay hindi pupunta sa kaniya ng walang rason.

[Sa ikatlong parte ng Spirit Battle Tournament na natapos kanina, ang mga kalaban ni Jun Xie ay umatras sa laban at ang lahat ng iyan ay sinasabing siya ang may pakana. Para sa isang malamig at independenteng si Jun Xie, hindi ito matutuwa sa mga naganap.]

"Tama ka." Walang emosyon na sagot ni Jun Wu Xie.

Mapait na ngumiti si lei Chen at tumugon, "Inaamin ko, nagkaroon ako ng pagkakamali sa bagay na ito. Ang balak ko ay bigyan lamang si kaunting pabor si liitle brother Jun ngunit mukhang mas nabigyan si little brother Jun ng abala."

Totoong kinausap ni Lei Chen ng palihim ang mga disipulong kalaban sana ni Jun Wu Xie. Matagal ng naririnig ni Lei Chen ang tungkol sa Spirit Healing faculty ng Zephyr Academy at marami na rin siyang nalaman tungkol sa mga disipulo nito. Sa mga nakalap niyang impormasyon, ang mga disipulo ng Spirit Helaing faculty ay hindi nakatuon sa pagpapalago ng kanilang spirit power. Mas binibigyan nila ng panahon ang pagsasanay sa kanilang pamamaraan ng Spirit Healing. At kahit sa mataas na reputasyon ng Spirit Healing faculty ng Zephyr Academy, sa murang edad ni Jun Wu Xie ay naging disipulo ng Spirit Healing faculty. Dagdag pa dito, nilapitan niya ang mga dating disipulo ng Zephyr Academy at nagtanong tungkol kay Jun Wu Xie.

Sa pagbibigay ng impormasyon sa kaniya ng mga disipulo, nalaman niya na simula ng matanggap si Jun Wu XIe sa Zephyr Academy, hindi nila ito nakita na pinalago ang kaniyang spirit power kung hindi mas nakita itong nagsasanay ng pamamaraan ng Spirit Healing, kung kaya naman, inakala ni Lei Chen na ang spirit power ni Jun Wu Xie ay karaniwan lamang.

Sa umpisa, hindi niya intension na lapitan ang mga disipulong iyon dahil ang kalaban ni Jun Wu Xie sa unang yugto ay isang disipulo mula sa Dragon Slayers Academy. Kamakailan lamang ay ipinahiya niya ang Dragon Slayers Academy at iniisip niya na makipag-usap dito sa bagay na iyon ngunit dahil sa mataas na estado ng Dragon Slayers Academy, mukhang hindi siya nito bibigyan ng pansin.

Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, ang Dragon Slayers Academy ang mismong umatras sa laban sa araw ng kumpetisyon mismo at si Lei Chen ay nasiyahan bagamat nagulat sa nangyari.

Hindi alam ni Lei Chen kung bakit si Lin Qi ng Dragon Slayers Academy ay piniling umatras sa laban kay Jun Wu Xie. Ngunit dahil diyan sa umpisa pa lamang, natural na ipinagpatuloy niya ito sa mga sumunod na laban. Dahil na rin sa sinabi niya kay Jun Xie at sa kasamahan nito na bibigyan niya ito ng kaunting tulong, at ang Dragon Slayers Academy ay nagkataong pinili na umatras kung kaya naman wala siyang makitang rason kung bakit hindi niya pa ipagpatuloy.

Kung kaya nilapitan niya ang pangalawa at pngatlong kalaban ni Jun Wu Xie at gumamit ng pera at iba pang mga pangako sa kapalit ng kanilang pag-atras sa laban.

Dahil na rin sa kaalaman na ang makakalaban nila ay magaling, ang tyansa nila na manalo ay maliit kaya mas pinili nilang tanggapin ang alok ni Lei Chen.

Ang lahat ay umayon sa mga nakaing plano ni Lei Chen. Ngunit sa araw na ito, isa sa mga disipulo ang nakita sa kalsada na sugatan at dahil dito nagsimulang kumalat ang balita at nadamay pa si Lei Chen dito.

"Hindi na iyon kailangan." Saad ni Jun Wu Xie habang nakatingin kay Lei Chen na mababatid sa mukha ang pagpapaumanhin.

Ngunit umiling si Lei Chen, "kasalanan ko kung bakit napasama si little brother Jun. Hindi ko naman pinagdududahan ang kapangyarihan ni little brother Jun ngunit gusto kong may maitulong kung kaya sana ay huwag mong masamain little brother Jun."

Dahan-dahang nagsalin ng alak si Jun Wu Xie sa kupita at ibinigay kay Lei Chen.