Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 786 - Simula ng Labanan (1)

Chapter 786 - Simula ng Labanan (1)

Pagkatapos ng ilang araw ng pag-aayos, ang Spirit Battle Tournament kung saan sampung libong pares ng mga mata ang nakatuon doon sa wakas ay bukas na. sa unang araw ng Spirit Battle Tournament, ang mga disipulo mula sa bawat paaralan ay pinaghiwalay sa sampung iba't ibang lokasyon upang isagawa ang laban sa liga sa sampung magkakahiwalay na distrito. Isang disipulo ang kakatwan sa bawat paaralan upang lumahok sa bawat distrito at ang mananalo sa bawat ditrito ang makikipaglaban sa Spirit Battle Tournament bilang ang nangungunang sampung manlalaban!

Ang sampung kabataan ay maglalaban-laban upang makakuha ng puwesto sa nangungunang sampu sa nangungunang sampu ng Grand Spirit Battle Tournament.

Para sa karamihan ng mga kabataan na naroon, ang mga sandaling iyon ang nagtulak sa kanilang mga puso sa panibagong kasukdulan na init kung saan hinaplos nila ang kanilang mga kamao sa pag-asang maipakita nila sa lahat ang kaya nilang gawin.

Bawat paaralan ay mas sampung disipulo pinaghiwalay sa sampung iba't ibang rehiyon bukod-tangi lamang ang Zephyr Academy. Nagtala lamang sila ng anim na lalahok para sa Spirit Battle Tournament ngayon taon kaya naman anim na distrito lamang ang kanilang masasalihan.

Ang mga ganitong sitwasyon ay bibihira lamang mangyari sa kasaysayan ng Spirit Battle Tournament.

Wala ni isa man sa mga paaralan ang nais isuko ang kahit isang pwesto sa sampu na ibinigay sa kanila at dahil doon, ang Zephyr Academy ay nakuha na ang atensyon ng lahat bago pa lamang mag-umpisa ang palaro.

Nag-umpisa ng maaga at maliwanag ang unang araw, isinuot ni Jun Wu Xie ang uniporme ng Zephyr Academy, sa may bandang dibdib ay makikita ang jade na sagisag ng kaniyang numero para sa labanan, siya ay nagtungo na sa battlefield na nangangasiwa sa isa sa labanan ng distrito. Siya ay humiwalay kay Hua Yao at sa iba pa sa Immortal's Loft sapagkat napakaraming kalahok ang kasali sa Spirit Battle Tournament at wala sa district battlegrounds ang makakayang tumanggap ng napakaraming labanan. Kaya naman, ang sampung district tournament ay pinaghiwa-hiwalay at isinagawa sa sampung iba't ibang battlefields sa buong Yan Country.

Nasa unang distrito si Jun Wu Xie. Nang makarating siya sa unang distrito, ang lugar ay puno na ng mga disipulo mula sa ibang paaralan. At lahat ng mga disipulo mula sa kanilang mga paaralan ay hinati, sa oras na pumasok ka na sa battle district kung saan ka, ang tingin ng bawat isa na naroon ay magkakalaban. Bagama't ang buong lugar ay puno ng ingay, mararamdaman na wala ang karaniwang magkakasama. Lahat ng mga kabataan ay nakasuot ng iba't ibang uniporme at maingat na sinisipat ang bawat isa.

Sa lugar na ito, walang kampihan, tanging kalaban lang!

At ang makalabas ng tagumpay sa lugar na iyon, ay nangangahulugan na nag-iisa lamang iyon sa lahat ng naroon!

At para sa iba iyon ay isang hakbang lamang para sa tagumpay.

Ang paligsahan ay hindi pa nagsisimula ngunit sumisiklab na sa loob ng battleground dahil karamihan sa mga kalahok ay sabik na kalabanin ang bawat isa.

Si Jun Wu Xie ay maliit lamang kaya naman ng maglakad siya sa umpukan ng tao ay madali siyang nalamon ng mga disipulo na karamihan ay mas mataas sa kaniya. Tahimik siyang nagtungo sa isang sulok at nagmasid sa sitwasyon sa battleground.

Mahigit sa isang libong disipulo ang hinati sa sampung iba't ibang battlegrounds at bawat lokasyon ay may humigit kumulang isang daang kalahok. Ang mga kalahok na higit kumulang sa isang daan ay maglalaban sa susunod na dalawampung araw hanggang sa mangibabaw ang isang magtatagumpay.

Ang labanan sa bawat distrito ay magsasagawa ng proseso na elimination. Bawat labanan ay magaganap sa pagitan ng dalawang kalahok at ang magtatagumpay ay lalahok sa susunod na laban habang ang natalo ay mawawalan na ng pagkakaton na makipaglaban pa sa paligsahan.

Ang mga kalahok ay magbubunutan upang malaman kung sino ang kanilang makakalaban at para sa iba, ang bunutan ay hindi ganoon kahalaga ngunit sa iba, ang bunutan ang makakapagsabi sa kanila kung gaano kalayo ang mararating nila Spirit Battle Tournament ngayong taon.

Sa mga nagdaan na taon, halos karamihan sa mga disipulo mula sa iba't ibang paaralan ay lihim na nagdadasal na sa kanilang pagbunot ng makakalaban sana ay hindi nila mabunot ang kahit sinuman mula sa tatlong nangungunang paraalan upang kanilang makalaban dahil kung hindi ay maaalis agad sila sa unang labanan pa lamang.

May mga pagkakataon din naman na ang mga kalahok ay sinuwerte. Ang kanilang kakayahan at kapangyarihan ay karaniwan lamang ngunit dahil sa ang nabunot nilang kalaban ay kapareho lamang ng taglay nilang kapangyarihan kaya nagawa ng mga iyon na makaakyat sa mga susunod na laban at natalo lamang sa pinakahuling laban. Kahit hindi nagawa ng mga iyon na makapasok sa top ten, nagawa naman ng mga iyon na makapasok sa ranggo ng top twenty. Ang makakuha ng pwesto sa top twenty mula sa isang libong kalahok ay nagbigay pa rin ng karangalan at katanyagan sa kanila.