Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 787 - Simula ng Labanan (2)

Chapter 787 - Simula ng Labanan (2)

Ngunit mayroon din pagkakataon na minamalas. Kung mayroon man sa kanila ang haharap sa mga disipulo mula sa Dragon Slayers, War Banner o Zephyr Academy, halos karamihan ng mga kabataang iyon ay pipiliin na magpatalo na lamang sa kanilang labanan at hindi na makikipaglaban.

Ganoon ang ipinapakitang kahanga-hangang lakas at mataas na reputasyon ng tatlong nangungunang mataas na paaralan!

Ngunit ang sitwasyon na iyon na nagtagal ng ilang taon ay biglang nagbago ngayong taon…

Ang kilalang sobrang lakas ng Dragon Slayers at War Banner ay nanatili ngunit ang Zephyr Academy ay tila bai sang balita na lamang ng kahapon.

Karamihan sa tingin ng mga disipulo ay nakatuon sa isa na nakasuot ng uniporme ng Zephyr Academy. Ang munting bata na nakatayo sa sulok. Ang Zephyr Academy ay hindi lamang nagbawas ng kanilang mga kalahok sa Spirit Battle Tournament ng halos kalahati sa dating bilang, tila napilitan din sila na isali ang isang munting bata bilang kanilang kalahok! At ikinatuwa iyon ng lahat ng kalahok!

Anuman ang sabihin ng iba, wala ni isa man sa kanila ang naniniwala na matatalo sila sa laban ng isang paslit. Tingin nila ay nasa labing-apat o labing-limang taong gulang lamang ito at maaaring ang ring spirit nito ay matagal ng hindi gising. Sa edad na iyon, ang pinaka mataas na pwede niyang magawa ay ang antas ng red spirit. Idagdag pa ang mura niyang edad, ang bata ay payat at mukhang mahina at mukhang hindi nito kaya ang makipaglaban. Ang lahat ng bagay na iyon ay nagpapahiwatig lamang na mayroon silang isang kalaban na hindi malakas at magkakaroon sila ng pag-asa upang magningning!

Kahit na bumagsak na ang Zephyr Academy ngunit ang pangalan at reputasyon nito ay kilala pa rin sa buong kalupaan. Kung mabibigyan sila ng pagkakataon na kalabanin doon ang mahinang bata na mula sa Zephyr Academy ay magagawa nila magyabang na natalo nila ang isang mula sa mataas na paaralan.

Ang magawang manalo laban sa isang disipulo ng Zephyr Academy, ay magbibigay sa pangalan nila ng karangalan kahit kailanman ito nangyari!

Ang bunutan ay hindi pa nagsisimula ngunit marami na sa mga disipulo ang lihim na nagdadasal na sana ay makalaban nila si Jun Wu Xie sa unang labanan dahil naisip nila na hindi na kakayanin ng isang munting bata na makalahopk sa ikalawang laban. Kaya kahit sinuman ang maitapat sa batang iyon sa unang laban, ang taong iyon ay malaki ang kalamangan at bihira lamang ang ganoong pagkakataon bawat taon.

Tahimik na nakatayo sa isang sulok, walang kamalay-malay si Jun Wu Xie na ang tingin sa kaniya ay isang tupa na dinala doon upang katayin. Nanatili siyang tahimik sa isang sulok at walang nakakaalam kung ano ang tumatakbo sa kaniyang utak. Lahat ng masamang tingin na iyon ay puno ng masamang hangarin para sa kaniya, ngunit ang lahat ng iyon ay balewala lamang sa kaniya. Ngunit bigla ay nakaramdam siya na may isang kakaibang tingin na mula sa kung saan, ang tingin na iyon na hindi naghatid sa kaniya ng pakiramdam ng pagkabalisa.

Itinaas ni Jun Wu Xie ang kaniyang ulo at tumingin sa direksyon kung saan nagmumula ang tingin na iyon. Mula sa isang kumpol ng mga tao, nakita niya ang napakagandang mukha ng isang batang babae na mayroon magandang pares ng mata.

Ang bata ay tahimik na nagmamasid kay Jun Wu Xie at ng itaas ni Jun Wu Xie ang kaniyang ulo ay nagtama ang kanilang paningin. Saglit lamang iyon ngunit ang maputing balat nito ay tila nag-apoy at mabilis na namula. Bakas sa mga mata nito ang biglang pagkasindak at mabilis na yumuko, pinipilit itago ang kaniyang sarili, naglakad ito ng ilang hakbang papunta sa isang gilid.

Nabahirang ng pagtataka ang mata ni Jun Wu Xie. Naalala niya na nakita na niya ang babae noon sa Crown Prince's Residence, at nakasuot ito ng uniporme ng War Banner Academy. Kung tama ang kaniyang pagkakatanda, noong araw na iyon doon sa Crown Prince's Residence, narinig niya na tinawag ni Lei Chen ang pangalan ng babae.

[Ling Yue? Tila iyon ang dalawang salita. Tingin ko ay tama.]

Biglang umikot ang isip ni Jun Wu Xie. Kagabi ay tinipon silang lahat ni Fei Yan at puwersahang siniksik sa kanila ang mga impormasyon tungkol sa mga disipulo ng War Banner Academy at Dragon Slayers Acdemy na lalahok sa Spirit Battle Tournament. At isa sa mga iyon ay ang batang babae na nakatingin sa kaniya at biglang namula ng mahuli niya.

Si Qu Ling Yue, ang disipulo na nakakuha ng unang ranggo sa Spirit Battle Tournament na ginanap ng War Banner Academy!