Ang rekasyon ni Jun Wu Xie ay hindi halos mapapansin at ang kaniyang emosyon ay bumahid
lamang sa kaniyang mata. Ngunit ang munting pagbabago na iyon sa kaniya ay hindi nakaligtas
sa paningin ni Jun Wu Yao na nasa kaniyang tabi.
Bahagyang tumaas ang kilay ni Jun Wu Yao nang makita ang malinaw at malamig na mata nito
ay nabahiran ng pag-aalala.
Hindi kailanman niya nakita sa malinaw na mata ng kaniyang sinta ang emosyon na iyon na
makikita lamang sa mga "normal na tao".
"Ano iyon?" marahang tanong ni Jun Wu Yao, tumalikod ito ng kaunti papunta sa kaniya at
yumuko upang malumanay na magsalita.
Ang mainit na hininga nito ay naramdaman ni Jun Wu XIe sa kaniyang tainga at siya ay
nakaramdam ng kiliti sa kaniyang leeg dahil sa pagdaan ng mainit na hangin. Itinaas niya ang
kaniyang ulo at diretsong tumingin sa mga mata ni Jun Wu Yao na may pagtatanong sa mga
mata nito.
Dahil sa paglalapit nilang iyon ay nagawa ni Jun Wu Xie na makita ng malinaw ang kaniyang
repleksyon sa maitim na mata ni Jun Wu Yao.
"Wala." umiling si Jun Wu Xie ngunit sa totoo ay pinag-iisipan niya kung ano ang dapat niyang
gawin upang makuha ang Blood Lotus. Kung wala siyang sapat na pera... Iniisip niya na maaari
siyang makipagpalitan ng elixir para doon.
Tiwala si Jun Wu Xie sa kalidad ng mga elixir na mayroon siya at lahat ay naplano na niya.
Kapag naabot na ang huling presyo ng Blood Lotus at kung sakaling iyon ay sobra kumpara sa
pera na hawak niya ay tatandaan niya kung sino ang nanalo na makakakuha ng Blood Lotus at
iyon ay kaniyang kakausapin ng pribado upang makipag negosasyon.
Ang mga tao dito ay kaunti lamang ang nalalaman tungkol sa paggamit ng Blood Lotuses, kung
hindi lamang talaga kailangan ni Yan Bu Gui ang Blood Lotus para sa elixir ay maaari sana
siyang makapagbigay ng ibang uri ng mg elixir na mayroon siya at ang mga epekto ng mga iyon
ay di hamak na mas maganda kumpara sa kayang ibigay ng Blood Lotus.
Sa nakikita ni Jun Wu Yao, mayroong hindi tama ngunit salungat iyon sa sinasabi ni Jun Wu Xie.
Ang kaniyang tingin ay lumipat sa Blood Lotus na nasa entablado.
"Gusto mo ba iyon Little Xie?"
Nakatuon ang pansin ni Jun Wu Xie sa pagkalkula kung paano niya magagawa na
makipagkalakalan sa mananalong negosyante ng marinig niya ang tanong ni Jun Wu Yao at
wala sa sarili na tumango siya.
Ngumiti si Jun Wu Yao at dumireto ang upo niya.
Nang sa wakas ay umabot ng apat na milyon at walaong daang libong taels ay isang mahabang
katahimikan ang namayani sa paligid at ang pagtawad ay huminto. Apat na milyon at walang
daang libong taels, hindi biro ang halagang iyon. Ang halaga ng pera na iyon ay sobra-sobra
kahit sa isang karaniwan na mayamang negosyante at kapansin-pansin na ang iba pang
mayayaman na negosyante sa Yan Country ay tumigil sa pagbigay ng presyo.
Habang ang lahat sa bulwagan na iyon ay nag-iisip kung maipagbibili na ang Blood Lotus sa
halagang apat na milyon at walang daang libong taels, isang malalim at nakakbighaning boses
ang biglang narinig sa malaking bulwagan.
"Sampung milyon."
Ang boses na iyon ay masarap pakinggan. Hindi iyon malakas ngunit malinaw na narinig ng
bawat tao na nasa loob.
[Sampung milyong taels?]
[Anong uri ng tao ang walang pag-aalinlangang magbibigay ng ganung halaga! ! ?]
Kahit sa mga piling grupo ng tao na nasa bulwagan na iyon na positibong umaapaw sa
kayamanan ay namutla ng marinig ang napakalaking halaga.
[Isa iyong kabaliwan!]
[Ang huling presyo ng Blood Lotus ay lagpas apat na milyong taels lamang ngunit ang lalaking
ito ay itinaas pa iyon sa hindi kapani-paniwalang sampung milyon! ?]
[Doble at mas mataas pa!]
Bawat pare ng mata na nandoon ay hinanap kung saan nagmula ang boses na iyon, kahit si Jun
Wu Xie na kayuko at malalim ang iniisip ay biglang napataas ang ulo ng marinig ang sampung
milyong taels.
Naisip niya na kailangan niyang ipamigay ang karamihan sa elixir para lamang doon.
Subalit, mabilis na napansin ni Jun Wu Xie na mayroong mali. Sa kaniyang gulat ay naalala niya
ng marinig niya ang dalawang simpleng salita na iyon, ang tunog ay tila malapit lamang sa
kaniyang tainga, at ang boses na iyon ay sobrang pamilyar sa kaniya!
Mabilis siyang lumingon at nakita niya si Jun Wu Yao na nakataas ng bahagya ang kamay, ang
ulo niya ay bahgyang nakatingin sa kaniya at siya ay nakangiti.
Sa flame Spirit Auction House, ang mga tatawad ay kailangan itaas ang kanilang kanang kamay
tuwing sila ay magbibigay ng presiyo upang makita ng lahat na siya ang nagbibigay ng
presiyo...