Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 766 - Ang Tunay na Mayaman (1)

Chapter 766 - Ang Tunay na Mayaman (1)

May pagtataka na tumingin si Jun Wu Xie kay Jun Wu Yao.

Nakangiting tumingin si Jun Wu Yao sa kaniya tila wala ng ibang makakakuha ng atensyon niya

sa langit o lupa man.

"Hindi mo kailangang gawin to." kahit hindi naiintindihan ni Jun Wu Xie ang konspeto ng pera

ay alam niya na ang presyo na binanggit ni Jun Wu Yao ay sadyang mataas, mas mataas pa sa

presyo ng Blood Lotus.

Sa huling presyo na apat na milyon at isang daang libong taels na biglang umakyat sa halagang

sampung milyon, masasabing hindi na iyon labanan ng pataasan sa pagtawad kundi pagdurog

sa kompetisyon.

Matapos ang ilang sandaling katahimikan sa bulwagan ay narinig ang isang malakas na

hiyawan! Ang lahat ng taong nasa loob ay nilingon ang baliw ngunit napakagwapong lalaki na

tumawad!

Ang magsusubasta ay nanatiling tulala. Ni minsan ay hindi niya pinangarap na ang tangkay ng

Blood Lotus ay aabot sa ganoong halaga.

Sampung milyon…

Kahit minsan sa kasaysayan ng Flame Spirit Auction House ay wala pang naitala na tumawad

ng ganoon kalaki. At ang presyo na iyon ay para lamang sa isang Blood Lotus...

Bukod sa baliw ay wala ng mahahanap na iba pang salita upang mailarawan ang tawad ng

lalaking iyon.

Tumingin si Jun Wu Yao sa hindi makapaniwalang mukha ni Jun Wu Xie at nabakas sa kaniyang

nakangiting mata ang galak. Ang sulok ng kaniyang labi ay umangat at aliw na nagsalita: "Dahil

gusto iyon ni Little Xie ay hindi na kailangan pa magtawaran ng matagal." Sa halip na

makipagkumpetisya ng paunti-unti bakit hindi na lamang isagad ang presyo sa halaga na hindi

kayang bihlin ng iba? Walang panahon si Jun Wu Yao na aksayahin ang kaniyang hininga sa

mga taong nandoon sa subasta ang mahalaga sa kaniya ay ang gusto ni Jun Wu Xie kaya

kkukuhanin niya iyon upang ibigay sa kaniya.

Napakurap si Jun Wu Xie. "Masyadong mataas."

Sinusubukan pa lang niya kalkulahin ang kabuuan ng sampung milyong taels, kung gaano

karaming elixir ang kailangan niya upang ipagpalit doon. Kahit na hindi siya gaanong magaling

pagdating sa pera, kahit paano ay nagawa niyang kalkulahin ito ayon sa mg elixir.

"Hindi iyon mataas." nakngiti pa rin si Jun Wu Yao.

Kailanman ay walang hiningi si Jun Wu Xie sa kaniya. Dahil sa malamig at malayong

personalidad ng dalagitang iyon ay hindi niya mahulaan kung anong uri ng mga bagay ang

nakapagpapainteres dito. Ang lutuan ng elixir at ang Blood Lotus ang dalawang bagay na

nakita ni Jun Wu Yao na kailangan ng dalaga.

Kung ibang babae lamang ang narito ang ginto, pilak, mga hiyas, rolyo ng seda at tela ang

makakakuha sa puso niyon. Ngunit sa personalidad ni Jun Wu Xie, kahit na punuin niya ang

silid nito ng mga karaniwang materyal na bagay ay hahanapin pa rin nito ang mga bagay na

kailangan niya at hindi man lang ito magpapasalamat.

Kinagat ni Jun Wu Xie ang kaniyang ibabang labi sandali at naglabas ng mga bote na nasa loob

ng kaniyang damit at nilagay lahat iyon sa braso ni Jun Wu Yao.

Kahit sa kaniyang nakatatandang kapatid ay hindi niya hahayaan na tumanggap siya ng mga

regalo na walang kapalit.

Nagtatakang itinaas ni Jun Wu Yao ang kaniyang kilay at tumingin kay Jun Wu Xie.

Amg elixir na iyon ay nilinang sa kakahuyan noong nakaraang buwan. Naubos niya lahat ng

halamang-gamot na mayroon siya ngunit isa lamang ang nagawa nito. Ang proseso upang

maglinang ng elixir ay sobrang kumplikado kahit siya ay isang elixir lamang ang nagawa. Ngunit

ang isang elixir na iyon ay may kakayahan na labanan ang Heavens at baguhin ang tadhana ng

isang tao. Hangga't may natitirang isang hininga ay magagawa nito na buhayin muli ang tao.

Iyon ang nilinang ni Jun Wu Xie ang kaniyang pag-asa. Kahit na wala pa siyang sapat na pera,

hindi niya kailanman naisip na ipapagpapalit niya ang elixir na iyon.

Ngunit sa pagkakataon na ito, ang tao ay si Jun Wu Yao at wala siyang pagkabalisa na ibigay

ang mahalagang kayamanan sa kaniya.

Ang unang naisip ni Jun Wu Yao ay tanggihan ang mga iyon ngunit nagbago ang kaniyang isip

at malaki ang ngiti na tinanggap iyon.

"Itatago ko itong mabuti dahil ito ay regalo mula sa'yo."

Sa ibang pananaw ang elixir na iyon ay ang kauna-unahang bagay at nag-iisang "regalo" na

natanggap niya mula kay Jun Wu Xie. Hindi mahalaga kung ang bagay na iyon ay mabuti o

masama, ito ay itatago niyang mabuti.

At ang bagay na iyon ay ginawa mismo ng mga kamay nito at inihandog sa kaniya ng personal.