Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 733 - Ang Ika-walong Sampal 14

Chapter 733 - Ang Ika-walong Sampal 14

Nag-apoy ang pulang kulay ng dugo sa mga mata ng mga disipulo at ang msangsang na amoy ng dugo ay pumuno sa

kanilang mga ilong. Ang tatlong katawan ng mga guro ay natumba, ang kanilang mga mata habang si Gu Ying ay walang

ekspresiyon na nakatayo lamang sa tabi, isang malademonyong ngiti ang mababakas sa mga labi nito.

Tumayo si Gu Ying malapit sa nagkalat na dugo. Tumayo siya doon nang may ngiti sa mga labi. Walang mababakas na

pagkaawa sa kaniyang mga mata kung hindi ay mas nakaramdam pa ito ng kasiyahan at pananabik!

"Kung may isa man sa inyong pumalag na sumama, ganiyan ang kahihinatnan niyo." Saad ni Gu Ying, kiniling ang

kaniyang ulo at nguimiti ng nakakaloko habang tinitingnan ang lahat ng disipulo sa kaniyang harapan.

Si Gu Ying ay may kaakit-akit na ngiti. Ngunit dahil sa mga patak ng dugo na nasa kaniyang mukha, naging nakakakilabot

ang kaniyang ngiti!

Si Ning Rui ay malakas na tumawa habang tinitingnan ang mga naulat na mga disipulo at bumaling siya sa magkapatid na

Fan.

"Ano naman ngayon kung alam niyo ang buog katotohanan? Gusto niyo bang iganti ang pagkamatay ng inyong ama? Ha

Ha… nakakaawa kayo. At dahil kayong dlaawa na lamang, ito ay imposible. Hindi lang imposible, dahil iiwan niyo ang

inyong mga buhay dito!" Pakiramdam ni Ning Rui ang lahat ng mga inaalala at takot niya kanina ay hindi naman dapat.

[Dahil nandito si Gu Ying, hindi na mahalaga kung alam nila ang katotohanan o hindi!]

[Mamamatay lang din naman sila dito!]

[At ang mga taong patay na ay hindi na makakapagsalita upang ibunyag sekretong ito kahit kanino!]

Dahil sa lagim at kapangyarihan na ipinakita ni Gu Ying, ang mga disipulo na nagbalak na lumaban ay natakot na. Hindi

nila inakala na kahit ang mga guro ay magagawang patayin ni Gu Ying! At higit nilang ikinagulat ang taglay ni Gu Ying na

malakas na kapangyarihan. Ang tatlong guro na iyon ay may angking green level sprit at sila ay itinanghal bilang

magagaling na tagapaglaban. Ngunit ang katotohanang sila ay mabilis na nagupo ni Gu Ying sa iisang galaw ay hindi

magagawa ng isang ordinaryong tao lamang!

Si Gu Ying ay halos katulad lang din ng ibang mga disipulo pero paano niya tinaglay ang ganoong klaseng kapangyarihan

at paano niya na naatim na pumaslang ng walang awa?

Ang mga mata ni Gu Ying ay napuno ng pagkabigo habang sinuyod niya ng tingin ang mga disipulo.

[Dahil lang sa isang galaw ko at lahat kayo ay nanginginig na sa takot?]

[Nakakabagot naman ito.]

Ang atensiyon ni Gu Ying ay nabaling sa kay Fan zhuo at Fan Jin. Ang dalawang ito ay dapat na mamatay, pero bago iyon,

kailangan niya munang tanungin sila ng iilang tanong.

"Fan Jin, kung masasabi mo sa akin ang lokasyon ni Jun Xie ngayon, gagawin kong mabilis at hindi masakit ang

pagpaslang sa iyo." Biglang turan ni Gu Ying, ang kaniyang paa ay nababad sa dugo na nagkalat sa sahig at dahan dahang

nilapitan si Fan Jin at Fan Zhuo. SI Fan Jin ay kinuha ni Wen Xin Han at iyon ay parte ng mga plano ni Jun Xie. At ngayong

nasa Zephyr Academy na si Fan Jin, maaring kasama siya si Jun Xie bago pumunta dito kaya dapat niyang malaman kung

saan ito nagtatago ngayon.

"Masyadong aroganteng galaw ang iyong ginawa." Malamig na tumawa si Fan Jin.

Naningkit ang mga mata ni Gu Ying. "Mas gugustuhin mo ba ang pahirapan at pasakitan kita? O hinihiling mo na mas

mabilis kayong magkasama ng iyong ama? Kung ayaw mong sabihin ang gusto kong malaman, babaliin ko ang iyong mga

buto sa harap ng mga mata, dahan dahan kong dudurugin ang mga buto ng iyong kapatid. Kung iyan ang iyong gusto,

maari kang manatiling tahimik."

Ang tono ng pananalita ni Gu Ying ay higit na naging mabagsik.

Pero para kay Ning Rui, ang marinig ang mabagsik at marahas si Gu Ying ay isang musika sa kaniyang pandinig!

Taimtim na hinihiling ni Ning Rui na dahan dahang pasakitan at kitlan ng buhay ang magkapatid na Fan bago nila

makasama ang ama sa kabilang buhay.

At kapag patay na ang magkapatid na Fan, ang mga disipulo ng Zephyr Academy ay tutulak na papunta ng Heaven's Enc

Cliff, at walang kahit isang tao ang makakalam sa naganap ngayon.