"Oh? Kung sa tingin mo ay may kakayanan kang gawin ito bakit hindi mo gawin." Sagot ni Fan Jin, walang makikitang
takot at mas lalong tumawa pa ito.
Naningkit ang mga mata ni Gu Ying sa mga tinuran ni Fan Jin.
"Kung sa gayon, gagawin ko." Bago pa marinig ng iba ang boses ni Gu Ying, ang kaniyang katawan ay naging kulay lilac na
ilaw.
[Ito ay ang lilac na spirit!]
Nagulat ang lahat ng disipulo nang mapansin nila ang kulay lilac na ilaw na makikita sa katawan ni Gu Ying. Hindi nila
maintindihan kung bakit ang halos kapareho nila ng edad na si Gu Ying ay may taglay na lilac na spirit!
Sa kabila ng takat na mababatid sa mga disipulo, si Ning Rui ay nanlaki ang mata habang sabik na nanonood sa mga
susunod na magaganap.
Alam niya na si Gu Ying at ang mga kasamahan nito ay lubos na makapangyarihan ngunit hindi niya pa nasasaksihan ito
na makipaglaban. Ito ang unang pagkakataon na ipinakita ni Gu Ying ang kapangyarihan ng kaniyang kulay lilac na spirit
kung kaya naman nananabik siya sa mga susunod na mangyayari!
[Tapos na!]
[Nagtagumpay siya!]
Mas lalong hindi napakali si Ning Rui at nanginginig s apananabik.
Hindi siya makapaghintay na makitang mapugutan ng ulo si Fan Jin at Fan Zhuo!
Habang papalapit si Gu Ying sa kay Fan Zhuo at Fan Jin, isang itim na anino ang lumapit sa magkapatid at sobrang bilis
nito!
Naramdaman ni Gu Ying ang isang makapangayarihang enerhiya na tumutulak sa kaniya pabalik. Mabilis niyang inangat
ang ulo upang tingnan ang isang matangkad na lalaki na bigla na lamang nakatayo sa likod ng magkapatid na Fan!
Malamig na tiningnan ni Ye Sha si Gu Ying, ang kaniyang katawan ay pinapaikutan ng itim na spiriwal na enerhiya.
Nagulat si Gu Ying sa taong bigla na lamang lumabas.
Ang kasiyahan ni Ning Rui ay natigil. Hindi niya naisip na mayroong tao na makakayang kalabanin si Gu Ying!
"Gusto niyong patahimikin ang inyong mga kalaban? Una, dapat niyong alamin kung may kakayanan kang gawin ito."
Isang malamig na boses ang biglang nagsalita habang may isang maliit na pigura ang bumaba sa karwahe.
Nilingon ni Gu Ying ang pinangalingan ng boses at nagbaga ang kaniyang mga mata sa nakita!
"Jun Xie!" nagtatagis ang mga bagang ni Gu Ying, ang kaniyang mga mata ay nakatutok sa pigura ni Jun Xie.
[Sa wakas nagpakita na rin siya!]
Dahan dahang naglalakad si Jun Xie patungo sa loob ng Zephyr Academy, ang kaniyang mga mata ay tiningnan si Gu Ying,
at pagkatapos ay bumaling kay Ning Rui, walang mababakas na emosyon sa kaniyang mga mata.
"Ikaw ang dahilan kung bakit kinuha ni Wen Xin Han si Fan Jin, tama ba?!" tanong ni Gu Ying, ang kaniyang mata ay hindi
inaalis sa kay Jun Xie. Gustong-gusto niyang malaman na ang nakaisa sa kaniya ay si Jun Xie nga.
"Oo." Makatotohanang sagot ni Jun Xie, kinukumpirma sa kaniyang hinala.
"Ikaw din ang nagsabi kay Gu Li Sheng na lisanin ng lahat ang Spirit Healer Faculty, tama ba?!"
"Oo."
"At ang mga nangyari ngayong araw ay ikaw din ang may pakana?"
"Tama ka."
Mabilis na nasagot ang mga tanong ni Gu Ying ni Jun Xie. Kung titingna, silang dala ay parang normal lamang na nag-
uusap, ngunit kalaunan ay napagtanto ng lahat na tumataas ang tensiyon sa dalawa na sasabog ano mang oras!
Ang mga disipulo ay tiningnan si Jun Xie. Sa pagpapalit ng dalawa ng salita, may napagtanto ang mga disipulo.
Ang maliit na si Jun Xie na hindi nila maintindihan noon ay binago ang buong sitwasyon ng wala manlang kahit sino ang
nakapansin. Kung hindi sinagip ni Jun Xie si Fan Jin, ang katotohanan sa likod ng pagkamatay ni Fan Qi ay mananatiling
lihim at lahat sila ay madaling mamanipula na pumunta sa Heaven's End Cliff ni Ning Rui at mamamatay doon ng walang
kabuluhan at wala man lang kahit isang tao ang makakaalam…
"Mabuti! Matapang ka! Huwag kang mag-alala, hindi kita papatayin." Biglang tumawa si Gu Ying. Malamig ang kaniyang
mga mata na nakatitig sa kay Jun Xie. Ang mga nalalaman ni Jun Xie sa Spirit Healing ay importatnte at kapaki-
pakinabang kaya hindi dapat ito mamatay. Ngunit marami siyang alam kung paano pasakitang ang isang tao na mas higit
pa sa kamatayan!