Pagkatapos ng ilang sandali ay naubos na ni Jun Wu Xie ang kaniyang pagkain. Ibinaba niya ang
kaniyang kubyertos at nakaupo ng tahimik nang isang pamilyar na anyo ang kinakaladkad ni
Gongcheng Lei papasok ng pintuan.
Nang makita ni Jun Wu Xie ang taong iyon ay kumabog saglit ang kaniyang puso. Ngunit ang
reaksyon na iyon ay hindi niya hinayaan na makita sa kaniyang mga mata at nanatili siyang
blanko.
Si Fan Jin ay puwersahang kinaladkad ni Gongcheng Lei papunta doon!
Ang dating matipuno at matikas na binata ngayon ay kahabag-habag, ang mukha ay maputla at
impis, ang katawan ay buto't balat. Ang damit na may bahid ng dugo ay nababalutan na ng
dumi at hindi namatukoy ang tunay na kulay nito. Ang mukha na dati ay puno ng kagalakan
ngayon ay walang makikitang emosyon. Ang pares ng mga mata na dati ay puno ng buhay
ngayon ay malamlam, blanking nakatingin sa kawalan.
Ang tuyot na labi ni Fan Jin ay medyo nakabukas, ang labis na pagkawala ng tubig ang naging
dahilan upang ang labi nito ay matuyo at magsugat. Manipis na linya ng dugo ang umagos
mula sa sulok ng kaniyang labi pababa sa kaniyang panga hanggang sa baba, ang marumi
nitong damit ay nakasuot sa kaniyang payat na katawan. Wala ng sapat na laman ang kaniyang
katawan upang mapunan ang damit na suot nito kaya kung titignan ay maluwag ito sa kaniya.
Ang kasalukuyang Fan Jin ay mas payat pa kay Fan Zhou ng ito ay may malubhang sakit pa
noon! Napakagulo ng buhok nito parang tuyot na damo at madungis ang mukha.
Ang parehong kamay at paa nito ay nakagapos at hawak ni Gongcheng Lei ang kadena sa mga
kamay nito, puwersahang kinakaladkad sa likod nito ang mahina at hindi tumutugon na si Fan
Jin papunta kay Jun Wu Xie!
Sa bawat hakbang niya, ang makapal na kadena sa mga paa nito ay humahampas sa sahig at
ang matalim at malutong na kalabog niyon ay umalingawngaw sa kanilang mga tenga.
Sinong makakapagsabi na ang taong ito na mukhang pulubi ay ang Eldest Young Master ng
pamilyang Fan na dati ay kilala sa buong Zephyr Academy?
Kundi lang dahil sa tanyag na mukha ni Fan Jin ay hindi ito makikilala ni Jun Wu Xie.
Alam niya na hindi magiging maganda ang kalagayan ni Fan Jin dahil sa mga pinagdaanan nito
ngunit hindi niya inaasahan na magiging ganito kasama iyon!
At binabantayan pa siya sa lagay na iyon ni Wen Xin Han. Kung hindi dumating si Wen Xin Han
malamang ay namatay na si Fan Jin, isang bangkay!
Dahil sa pagkamatay ni Ning Xin, si Ning Rui ay nagkaroon ng matinding poot kay Fan Jin at sa
Jun Family. Wala siyang dahilan upang kalabanin ang Lin Palace sa ngayon at patay na rin si
Fan Qi. Kaya lahat ng poot at galit niya ay itinuon niya kay Fan Jin.
Buhay pa si Fan Jin, walang duda doon.
Ngunit... ang mabuhay ng ganito ay mas mahirap kaysa ang mamatay.
Sa ngayon, mas mabuti na rin na wala sa sarili si Fan Jin. Dahil kung hindi ay hindi siya
magtatagal hanggang sa ngayon.
Iwinaksi muna ni Jun Wu Xie ang kasalukyang itsura ni Fan Jin sa kaniyang isip, ang mata niya
ay kalmado pa rin katulad ng dati, ang kaniyang utak ay sinusuri ang iba't ibang kundisyon ng
katawan nito.
Kakulangan sa tubig, pamamaga, lagnat...
Ang katotohanan na nabubuhay pa si Fan Jin hanggang sa ngayon ay isang milagro.
"Fan Jin, narito ka na pala. Halika, maupo ka." ang mukha ni Ning Rui ay nagkunwaring maamo
habang nakangiti, umarte na isang malapit , maamo at magiliw na matanda.
Ngunit si Fan Jin ay wala ng kamalayan. Hindi na niya naiintindihan ang sinasabi ni Ning Rui.
Kabaliktaran sa "malumanay" na boses at kilos ni Nig Rui, ang mukha ni Gongcheng Lei ay
madilim ang mukha habang patuloy ito sa ginagawang pagkaladkad kay Fin Jin palapit sa
lamesa. Ang malupit at nakakasakit na kilos nito ay naging dahilan upang madapa si Fan Jin sa
sarili nitong mga paa at at matumba sa lupa!
Ang sapilitan na masaksihan ang ang dating matikas na binatang bumagsak na parang isang
kaawa-awang bata at hindi man lang umiyak ni minsan ay dumurog sa puso ni Jun Wu Xie.
Wala dapat sa ganitong kalagayan si Fan Jin.
Hindi dapat niya nararanasan ang lahat ng ito!
"Paanong ikaw ay natumba? Tulungan niyo siyang tumayo." Saad ni Ning Rui na malisosyong
tumawa.
Hinawakan ni Gongcheng Lei si Fan Jin sa kaniyang balikat at isinalampak sa upuan. Nababalot
si Fan Jin ng alikabok at dumi na mula sa lupa at ang kaniyang mukha ay blanko habang ang
mata ay nakatingin sa kawalan.