"Mukhang hindi niya kayang kumain sa sarili niya. Halika dito Gongcheng Lei, pakainin mo
siya." saad ni Ning Rui, ang mga mata niya ay puno ng masamamng hangarin.
Kinuha ni Gongcheng Lei ang mangkok na may sabaw at gamit ang kutsara ay sumandok siya
ng sabaw na medyo mainit pa at pinilit isubo ng sunod-sunod sa bibig ni Fan Jin.
Gayunman, ay walang ni katiting na reaksyon si Fan Jin. Nakaupo siya doon na blanko ang
tingin habang si Gongcheng Lei ay patuloy pa rin sa ginagawa nitong pagsubo ng kanin at kung
ano-ano pang pagkain sa kaniyang bibig. Ang mga pagkain na ipinilit isubo sa kaniya ay
pumuno sa kaniyang bibig at karamihan doon ay tumapon sa kaniyang baba papunta sa
kaniyang damit na lalong nagpadumi doon.
Ang damit ni Fan Jin ay basang-basa na dahil sa sabaw at tubig ang itsura niya ngayon ay mas
malala pa kaysa sa mga pulubi na nasa kalsada, tila isang manika na kayang manipulahin ng
kahit sino.
Ang magaspang at malupit na kilos ni Gongcheng Lei ay nagpakita lamang ng walang awa.
Malinaw naman na ang bibig ni Fan Jin ay punong-puno ng pagkain ngunit patuloy pa rin siya
sa pagsubo rito ng pagkain gamit ang porselanang kutsara. Ang sugat sa kaniyang labi ay
tuluyang bumuka at naghalo ang pagkain at dugo na umagos sa kaniyang bibig.
Hindi kumukurap na nakatitig si Jun Wu Xie habang pinapahirapan si Fan Jin. Hindi siya nag-
atubili kahit konti, tila ba gusto niyang maaalala ang bawat pangyayari at alalahanin iyon sa
kaniyang puso.
Tatandaan niya ang kahihiyan na ginawa ng mga taong ito ngayon.
Tumawa si Ning Rui at pati si Gu Ying ay tumawa rin. Naaliw sila sa kanilang nasaksihan at
tuwang-tuwa sila na paglaruan si Fan Jin na hindi maipagtanggol ang sarili.
Pinanood lahat iyon ni Jun Wu Xie ng hindi nagsasalita. Napansin niya na hindi dahil sa hindi
makaramdam ng sakit si Fan Jin at ayaw nito pumalag. Nakita niya na ang ibabang panga ni Fan
Jin ay pinuwersang baliin kaya hindi niya kayang isara ang kaniyang bibig...
Isang malamig na tingin ang nabanaag sa mata ni Jun Wu Xie. Mabilis niyang itinago iyon at
nanatiling tahimik katulad ng kaninang ginawa niya at naupo doon habang patuloy na nanood.
Ang dating maipagmamalaking anak ng Heavens, ang dati ay isang palakaibigan at masayahing
binata, pinaglalaruan at pinahihirapan na para bang isang hayop ng mga taong pumatay
mismo sa kaniyang ama. Tahimik na naupo si Jun Wu Xie sa lahat ng iyon ng hindi makikitaan
ng kahit anong reaksyon.
Inobserbahan ni Gu Ying si Jun Wu Xie ngunit bigo siya na makakita ng kahit anong emosyon sa
kalmadong mukha nito. Ang ngiti sa mukha niya ay nawala at ang kaniyang bibig ay naging
isang linya, ang pagkayamot ay bakas na sa kaniyang mga mata.
Si Ning Rui ay puno ng galak ng makita niya na pinapahirapan si Fan Jin na parang isang aso, at
iyon ay nagpakalma sa nag-aapoy na poot na bumabalot sa kaniyang puso.
Biglang naduwal si Fan Jin dahil may bumara sa daanan ng kaniyang hangin. Natumba siya sa
lupa habang ang katawan niya ay isinusuka ang lahat ng pagkain na pinilit isubo sa kaniya.
Nagsimulang manginig ng kaniyang katawan, isang nakakaawang tanawin.
"Anong problema? Ang konti pa lang ng nakakain mo pero busog ka na? Hindi mo ba alam
kung gaano kahirap ihanda ang mga pagkain na ito? Hindi alam ng aming mataas at
makapangyarihan na Young Master Fan ang paghihirap ng mga karaniwang tao. Paano mo
nagawang mag-aksaya?" isang ngisi ang namutawi sa labi ni Ning Rui at makabuluhang
tumingin kay Gongcheng Lei. Madaling lumapit si Gongcheng Lei kay Fan Jin at naupo sa tabi
niya. Bigla niyang hinatak ang buhok ni Fan Jin at nginudngod niya ang mukha nito sa sarili
nitong suka, tulad ng inaasahan niya ay kinain ni Fan Jin ang nakakapandiring suka na kaniyang
iniluwa.
"Tapos ka na ba kumain?" biglang tanong ni Jun Wu Xie kay Gu Ying na kaniyang katabi.
Nagulat si Gu Ying, ang kasiyahan ay muling bumakas sa kaniyang mata.
[Hindi na ba niya kayang panoorin ang lahat ng ito?]
"Ako ay hindi pa busog. Bakit? Ikaw ba ay busog na Senior? Maaari mob a akong bigyan ng
kaunting oras pa?" sagot ni Gu Ying.
Gayunpaman ay tumayo na si Jun Wu Xie.
"Umaalingasaw ang amoy. Kung natutuwa ka sa amoy, sige magpatuloy ka." Sumimangot ang
mukha ni Jun Wu Xie ng sabihin iyon at naglakad na siya palayo na tinatakpan ang kaniyang
ilong.
Walang maisip na sabihin si Gu Ying. Hindi niya naisip na sasabihin iyon ni Jun Wu Xie.
Kahit si Ning Rui ay nagulat. Malinaw niyang naaalala na si Jun Xie at Fan Jin ay malapit sa isa't
isa. Paano siyang hindi naapektuhan nang makita si Fan Jin na pinagmamalupitan!? Hindi lang
iyon, nagpakita rin siya ng pagkadisgusto bago umalis.
[Wala ba siyang sasabihin upang iligtas si Fan Jin?]