Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 661 - Patungo sa Ilalim ng Cliff (2)

Chapter 661 - Patungo sa Ilalim ng Cliff (2)

"Nandito kami sa baba, Young Miss." Saad ni Ye Mei at Ye Sha.

"Anong sitwasyon diyan?" Tanong ni Jun Wu Xie. Sa tulong ng kaniyang spirit power, nagawang paabutin ni Jun Wu Xie ang kaniyang boses sa ibaba nang hindi sumisigaw.

"Hindi gaanong makita dahil sa makapal na hamog. Iminumungkahi kong huwag kayong magpahinga ng matagal. Iba ang pakiramdam ko sa hamog dito. Nang-uubos ito ng spirit power ng katawan. Kung mananatili tayo dito, mas marami ang mauubos na spirit power." Umabot sa pandinig ni Jun Wu Xie ang boses ni Ye Sha sa kabila ng kapal ng hamog.

Sampung metro lang ang layo nito kay Jun Wu Xie. Ang hamog na bumabalot sa kanila ngayon ay kakaiba sa kanilang nadaanan. Nararamdaman niyang ang hamog ay nang-uubos ng spirit power.

Kinabahan naman ang grupo dahil sa sinabing iyon ni Ye Sha. Kahit na inihanda na nila ang sarili nila sa kanilang pagpunta dito, at alam nilang ang Heaven's End Cliff ay puno ng panganib, hindi nila inaasahan ang mismong hamog doon ay delikado.

"Bigla akong napahanga kay Mu Qian Fan at sa kaniyang mga kasamahan. Paano nila nagawa iyon?" Saad ni Qiao Chu. Sa lugar na ganoon kadelikado, milagro na lang para sa mga taga-Lower Realm na katulad ni Mu Qian Fan ang makaligtas sa lugar na iyon.

Nagawa pa ni Mu Qian Fan na makabalik. Talaga nga namang kamangha-mangha!

"Bilang mga manlalakbay, mas sanay sina Mu Qian Fan na pumasok sa ganitong lugar. Tingin ko ay mayroon silang kakaibang paraan." Dagdag ni Hua Yao.

"Ang hamog saating paligid ay mukhang hindi pa nagbibigay ng epekto saating spirit powers, pero kapag bumaba na tayo, tingin ko mangyayari nga ang sinabi ni Ye Sha kanina." Ginising ni Rong Ruo ang kaniyang Hell Butterfly para tignan ang hangin sa kanilang paligid.

"Bawiin niyo na ang inyong physical at spirit power dito, dahil wala na tayong oras magpahinga pagkatapos nito." Kumagat si Jun Wu Xie sa kaniyang kinakain. Ang kanilang baon na tuyong karne ay malamig at pinatuyong halos kasintigas na ng bato.

Nanahimik ang lahat at sinunod ang sinabi ni Jun Wu Xie.

Pagkatapos ng maiksing pamamahinga, nagpatuloy na sila.

Nagpatuloy na silang bumaba at nararamdaman na nila ang sinabi ni Ye Sha kanina.

Ang spirit energy na ibinalot ng grupo sa kanilang katawan ay unti-unting numinipis. Dahilan para maglabas pa ng spirit energy ang grupo bilang dagdag na proteksyon.

Naging napakalamig ng paligid. Kahit na ang kapal na ng kanilang kasuotan, nararamdaman pa rin Jun Wu Xie ang ginaw sa kaniyang mukha. Nanunuot sa kanilang mga buto ang ginaw.

Sa ganoong sitwasyon, kung wala silang spirit power na nagpoprotekta sa kanila, madali lang silang magkakaroon ng frostbite.

Nagpatuloy si Jun Wu Xie sa pagbilang ng segundo sa kaniyang isip. Lumalabo ng lumalabo ang paligid sa puntong halos hindi na makita ni Jun Wu Xie ang anino nina Qiao Chu at Rong Ruo. Ilang sandali pa ang lumipas nabalot na sila ng kadiliman at hindi niya na makita ang sarili niyang kamay.

Sila ay nanahimik, tanging ang tunog na lang ng kanilang gwantes sa lubid ang kanilang naririnig.

Sa nakakabulag na kadiliman, nabuhay ang takot sa kanilang mga puso. Ang bilang ng buhay na kinuha ng Heaven's End Cliff ay muling pumasok sa kanilang mga isipan at nagpaalala sa kanila ng panganib na dulot ng lugar na iyon!

'Sha sha..."

Bukod sa tunog na iyon, wala nang iba pang maririnig.

Naging basa at madulas ang cliff. Kung hindi sila mag-iingat sa kanilang tinatapakan. Baka sila ay madulas at mapilayan.

Bawat hakbang nila ay kailangan ng matinding pag-iingat.