Parang mas bumagal pa ang oras. Kaya hindi nila matantsa kung gaano na kalayo ang kanilang nalalakbay.
Binalot sila ng malamig at makapal na hamog. Nababasa na rin ang kanilang mga katawan hanggang sa nabalot na sila ng manipis na yelo.
Ang matinding lamig ay naging dahilan din para ma balot ang basang lubid ng yelo. Rumurupok ang lubid kapag nabalot na ng yelo. Kung gayon, hindi non kakayanin ang kanilang bigat!
Para mawala ang namuong yelo doon, walang nagawa sina Jun Wu Xie kundi ang gamitan ng spirit powers ang kanilang mga lubid. Kahit na kaunting spirit power lang ang kailangan, mahaba ang mga lubid na iyon at kailangan nitong manaliti sa ganoong lagay. Dahil kapag tuluyang binalot ng yelo ang mga lubid, agad iyong mapuputol sa kalagitnaan pagkatapos ay mahuhulog sila sa kung saan.
"Ang lugar na ito ay hindi dapat na pinupuntahan ng mga tao. Paanong nakahanap ang mga taga Dark Regime ng ganitong lugar?" Umalingawngaw ang boses ni Qiao Chu. Ang madalas na masigla at malakas nitong boses ay naging mahina at matamlay.
Hindi na nga nito nagawang magtanong kay Jun Wu Xie kung gaano na sila katagal na bumababa. Nararamdaman niya na ang pamamanhid at pagod ng kaniyang mga kamay. At masakit na rin ang kaniyang mga kasu-kasuan.
"Para sa isang katulad ng Dark Emperor na nagawang pag-isahin ang Middle Realm, basta-basta na lang bang mamimili ng libingan ang mga tao para dito? Kung hindi dahil sa panganib at pagsubok na hatid nitong lugar, matagal nang nahanap ng Twelve Palaces ang puntod ng Dark Emperor at naubos na ang laman noon. Ginawang mapanganib ng Dark Regime ang lugar na ito bilang katapatan na rin nila sa Dark Emperor. Nang ito ay mamatay, binuhos nila ang kanilang lakas para ilibing kasama nito ang mga treasures at magical artifacts. Mapapatunayan mo sa kanila kung gaano sila katapat sa Dark Emperor." Mahabang salaysay ni Hua Yao sa gitna ng kadiliman. Hindi mabagal at hindi rin mabilis ang kaniyang pagsasalita dahil tinitipid niya ang kaniyang lakas.
"Bilang isang makapangyarihan, paano siya namatay?" Tanong ni Fei Yan na naguguluhan.
Para mapag-isa nito ang Middle Realm. Tinitingala ito ng mga kabataan dahil sa napag-isa nito ang Twelve Palaces, Nine Temples at Four Regions. Ibig sabihin lang noon ay likas itong makapangyarihan para magawa ang bagay na ito!
Kaya paanong namatay ang Dark Emperor kung gayong napakalakas nito?
Kapag mas malakas ang spirit power ng isang tao, mas mahaba ang kaniyang buhay. Ang isang indigo spirit user ay mamumuhay na ng isang daang taon. Hindi nagawang makaharap nina Qiao Chu ang Dark Emperor at hindi nila alam na makapangyarihan ito. Pero alam nilang napasuko ng Dark Emperor ang labindalawang namumuno sa Twelve Palaces.
Para sa kanila, makapangyarihan din ang labindalawang pinuno ng Twelve Palaces at ang katotohanang sumunod sila sa Dark Emperor, ibig sabihan lang noon ay pambihira ang lakas nito at nahigitan nito ang kapangyarihan ng labindalawang pinuno.
Hindi matanggap ng karamihan ang pagkamatay ng Dark Emperor
"Walang nakakaalam." Dahil siguro sa pangamba ng grupo kaya nag-iba ang kanilang mga boses. Ngunit pinilit nilang pasiglahin pa rin ang kanilang pananalita para na rin pakalmahin ang kanilang mga sarili.
Bigla namang nagsalita si Jun Wu Xie.
"Kung ayaw niyong mahulog, ang dapat niyong gawin ay ang kumapit ng mahigpit sa mga lubid niyo at hindi yung pag-interesan niyo ang patay na."
Kakatapos lang sabihin iyon sabihin ni Jun Wu Xie nang maramdaman nina Qiao Chu ang pag-ihip ng malakas at malamig na hangin!