Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 650 - Walang Gumugulo sa Aking Pasyente (2)

Chapter 650 - Walang Gumugulo sa Aking Pasyente (2)

Namimilipit na sa sakit ang itim na halimaw, ngunit nang marinig niya ang nakabibinging atungal, nanlisik ang kanyang mga mata. Ang ulo nito'y nakaabang sa direksyon kung saan nanggaling ang atungal.

Hindi pa natatapos ang gulat ng sampung lalaking nakatayo lang sa gilid nang may makita silang gihaganteng itim na silweta sa ilalim ng ilaw ng buwan, patakbo patungo sakanila. Nakita nilang nadudurog ang mga punong nadadaanan nito na parang palito sa ilalim ng mga paa ng gihaganteng silwetang pasugod sakanila.

Nayanig ang lupang kinatatayuan nila.

Ang mga buntot ng malupit na mga beast spirit ay nakakulot ng maigi sa likuran nila, ang mga tenga'y nakapipi sa kanilang mga ulo habang sila'y tumakbo papakayo.

Sa ilalim ng ilaw ng buwan, ang totoong itsura ng itim na silweta'y nailantad na sa harap nila.

Sila'y nanliit sa higanteng spirit beast na nasa harap nila ngayon. Ang inakala nilang mga "malalaking" spirit beast ay nagmukhang mga dwende kung ikumpara sa kung ano ang nasa harapan nila ngayon. 

"A..ano to?!" Napatitig ang lider, ang kanyang dila'y nakabaluktot habang siya'y hindi makapaniwalang napatitig lang sa gihaganteng nasa harap nya. Ang purong puting balahibo nito'y kuminang sa ilalim ng liwanag ng buwan, ang kanyang dakilang siyam na puting buntot pumapagayway sa likod nito, pero ito rin ay ang pinakanakakatakot na pananaw sa mga kalaban. Ang isang hindi kapanipaniwalang halimaw ang umakyat mula sa kailaliman!

Hindi pa sila nakakakita ng isang spirit beast na napakalaki!

"Isang Guardian Grade Spirit Beasr! Isang totoong asul na Guardian Grade Spirit Beast!" May sumigaw sa isa sa mga lalaki. Walang nagakala na sa kalayuan at walang katao-taong kagubatan, makakaenkwentro nila ang isang Guardian Grade Spirit Beast na naririnig lang nila sa mga alamat!

Ang grupo ng mga lalaking mababangis at agresibo'y biglang nanlambot ang mga tuhod sa harap ng Guardian Grade Spirit Beast. Hindi sila nakagalaw sa kanilang kinatatayuan, nagdadasan na hindi sila mapapansin ng higanteng Guardian Grade Spirit Beast sa liit nila.

"May.. may tao sa ibabaw ng halimaw!" Sigaw ng isang lalaking matalas ang mata at tumuro sa ulo ng higanteng spirit beast.

Sa ibabaw ng higanteng spirit beast, isang maliit na katawan ang nakatayo't nakatitig sakanila, ang kanyang tingin ay nagpadala ng panginginig sa kanilang mga buto.

Ang mas kinagulat nila ay nang madiskubre nilang ang katawang nakatayo sa ibabaw ng Guardian Grade Spirit Beast ay isang bata!

[Paano to naging posible?!]

[Hindi napapaamo ang mga spirit beast, at isa pa, isa itong Guardian Grade Spirit Beast na halos may katalinuhan ng isang tao!]

Nakatitig si Jun Wu Xie sa mga nanginginig na lalaki sa baba habang nakatayo sa likod ni Lord Meh Meh, ang kanyang pag-aalipusta'y hindi nakatago. Nang makita niya ang hirap na paghinga ng itim na halimaw at ang katawan ni Mu Qian Fan na walang malay dahil sa pagkawala ng dugo sa likod ng halimaw, mas lalo siyang nagalit. 

"Kayo ba ang nanakit sa pasyente ko?" Ang mga mata ni Jun Wu Xie ay handa nang pumatay sa galit.

"A..ano…." hindi makapaniwala ang lider sa kanyang nakikita, ang kanyang mga ngipi'y nanginginig sa takot.

[Sino 'tong batang ito?!]

[Napaamo niya ng ganap ang isang Guardian Grade Spirit Beast!?]

"S..s..sino ka.. Hindi kami ang kalaban…." Wala na sa wisyo ang pagiisip ng lider, at hindi niya naintindihan ang mga sinabi ni Jun Wu Xie.

"Oh?" Nagtaas kilay si Jun Wu Xie at ang kanyang labi'y ngumit na parang handang pumatay.

"Nakakapanghinayang naman, trip ko lang na patayin kayong lahat."

Ang kanyang malalamig na salita'y tumagos sa mga puso ng mga lalaki. Ang kanilang mga isip ay nagsisigawan na at dali dali nitong naramdaman ang kanilang mga binti. Agad silang tumakbo papabalik kung saan sila nanggaling.

Naramdaman nila ang nakamamatay na galit mula kay Jun Wu Xie. Hindi sila nakakuha ng oprtunidad para malaman kung bakit gusto silang patayin ng batang iyon, pero hindi na mahalaga iyon.

Kung hindi sila tumakbo, mamamatay sila!