Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 651 - Walang Gumugulo sa Aking Pasyente (3)

Chapter 651 - Walang Gumugulo sa Aking Pasyente (3)

Walang ingat na nagtatatakbo ang mga kawal, tila parang nabaliw na. Hindi nagmamadali si Jun Wu Xie na habulin sila. Nagpababa muna siya kay Lord Meh Meh, bago niya kinaway ang kanyang mga kamay na walang pakundangan para ipabahabol kay Lord Meh Meh ang mga natakbong lalaki.

"Gusto ko silang buhay." Pinaalala ni Jun Wu Xie kay Lord Meh Meh

Sumagot si Lord Meh Meh sa pamamagitan ng isang malakas na ungal bago tumakbo ng napakabilis.

Tumayo si Jun Wu Xie sa tabi ng itim na halimaw. Ang kanyang mga mata'y nanlisik sa walang malay na Mu Qian Fan na nasa likod ng itim na halimaw. Hinawakan niya ito at pinakiramdaman ang kanyang pulso. Matapos niyang masiguro na buhay pa ito, agad niyang binuksan ang kanyang Cosmos Sack at inilabas ang iilang bote ng elixirs. Inangat ni Jun Wu Xie ang lupaypay na ulo ni Mu Qian Fan bago ipinasok ang isang elixir sa bibig nito.

Tahimik na ginamot ni Jun Wu Xie ang mga sugat ni Mu Qian Fan. Ang ingay kanina'y nawala at lumaganap na ang katahimikan. Humiga na ang itim na halimaw sa damuhan. Kahit isa itong katawang ispiritwal, matapos nito magkaroon ng pisikal na katawan, ito'y magkakaroon ng init ng katawan. Sa mga gabing kasing lamig nito, kapag inilapag nila si Mu Qian Fan sa lapag matapos mawalan ng maraming dugo, maari itong mamatay sa hypothermia ng di oras.

Malaki ang pinagkaiba ng katahimikan dito sa gulo na nangyayari sa kabilang banda ng kagubatan. Tumakbo man ang mga kawal na yun para sa buhay nila, hindi parin nila matatakasan ang bilis ni Lord Meh Meh. 

Sa ilang sandali lamang ay naabutan na ni Lord Meh Meh ang mga tumatakbo. Dahil sa sobrang takot nila, sila'y sumigaw para sa kanilang mga ring spirits na atakihin si Lord Meh Meh. Gayunpaman, sa ilang galaw lamang ng buntot ni Lord Meh Meh, na tila parang walang pakielem, nagsitalsikan na ang mga maliliit at mahihina nilang ring spirits.

Ang mga Beast Spirits ay nagsiliparan, pero hindi ito hinayaan ni Lord Meh Meh na makaalis basta basta. Sa isang iglap, nakabalot na ang malalaking mga buntot nito sa mga beast spirits, at sila'y inangat ng napakataas bago inihampas ng napakalakas sa lupa. 

Nakakaawang mga hiyaw ang maririnig sa kalawakan ng kagubatan. Hindi man nagdudugo ang katawang ispirito, nakakaramdam parin ito ng sakit.

Di katagalan, ang mga beast spirit ay pinahihirapan na ni Lord Meh Meh hanggang sa nasa kalimitan na ng kamatayan ang mga ito at hindi na makaungol sa sakit ang mga ito.

Nang makita ng mga kawal ang walang kalaban laban nilang mga ispirito, sila'y tumakbo na sa iba't ibang direksyon.

Hindi nagmadali si Lord Meh Meh. Ipinulupot niya ang isa niyang buntot sa lahat ng mga bugbog na mga beast spirit tapos ito'y tumayo sa kanyang pinakamataas na tindig. Mula sa kanyang mataas na pananaw, hinanap niya ang mga natakbong katawan.

Ang katahimikan ng gabi'y nabubulabog ng paminsan minsang sigaw at pananangis. Ang kanilang mga boses ay punong puno ng takot at desperasyon, pero walang nakakarinig sakanila para sila'y matulungan.

Matapos gamutin ni Jun Wu Xie ang mga sugat ni Mu Qian Fan, hindi na nakatagal pa ang itim na halimaw sa kanyang anyo at bumalik ito sa pagiging isang maliit na itim na pusa. Sa pagod nito'y hindi na siya nakagalaw. 

Itinaas ni Jun Wu Xie ang kanyang kamay at ginamit ang Spirit Healing Technique para gamutin ang mga sugat na natamo ng maliit na itim na pusa. 

Naramdaman nila ang pagyanig ng lupa at napatingala si Jun Wu Xie. Nakabalik na si Lord Meh Meh at sa kanyang mga buntot nakabalot ang mga nakatakas at ang kanilang mga ring spirits, na sa sobrang panghihina'y halos mawalan na ng kulay.

Sa isang tingin ni Jun Wu Xie, agad na ipinakita ni Lord Meh Meh ang kanyang walong buntot at tska ito bumitaw sa pagkakapulupot sa mga nahuli. Sampung namumutlang lalaki ang sabay sabay na bumagsak sa harap niya.

"Wag… wag mo kami patayin…" Ang pinuno ng grupo ang nanginginig sa takot na nakaupo sa lupa. Napatingin siya kay Jun Wu Xie, mga matay'y puno ng takot at mukha'y namumutla. Ang ibang mga kawal nito'y nakaluhod sa tabi ng kanilang pinuno, nanginginig at di makagalaw sa kanilang mga pwesto.

"Bakit niyo siya gustong patayin?" Tanong ni Jun Wu Xie na nakatitig sa pinuno.

Related Books

Popular novel hashtag