Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 633 - Pagbalik sa Chan Lin (3)

Chapter 633 - Pagbalik sa Chan Lin (3)

Ang maliit na apoy ay mabilis na kumalat. Ilang sandali lang ang lumipas, kinain na ng apoy ang bahay.

Tinignan ni Mu Qian Fan ang kanyang bahay at hindi makapaniwala. 

"Ginoong Jun! Anong ginawa niyo?" Tinignan ni Mu Qian Fan ang nagaatubiling Jun Wu Xie, ang kanyang boses ay nanginginig ngunit walang galit.

Linigtas siya ni Jun Wu Xie dati at utang niya ang kanyang buhay sa kanya. Handa siyang mamatay para kay Jun Wu Xie, kaya't wala siyang nagawa nang sunugin nito ang kanyang bahay, pero nagtataka parin kung bakit niya ito ginawa.

Bakit nagalit ang Ginoong Jun sa bahay niya?

Hindi lang si Mu Qian Fan ang nagulat. Pati sila Qiao Chu ay nagulat nang makitang nagliliyab ang bahay.

Bakit sinunog ni Jun Wu Xie ang bahay ng iba?

Wala sa kanina ang nagkalakas ng loob para magsalita at nanood nalang kay Mu Qian Fan, ang mga puso'y mabigat. Wala sa kanila ang nakakaalam sa kung bakit nagalit ng bahjay ni Mu Qian Fan ang Binibini ng Pamilya ng Jun para sunugin ito.

Tinitigan lang ni Jun Wu Xie ang apoy na ubusin ang bahay. Matapos lang masunog ng buo ang bahay, tumalikod si Jun Wu Xie.

Nalulungkot parin si Mu Qian Fan sa pagkawala ng bahay niya nang makita niya ang anino na hinitsa sa kanyang kamay. Inabot niya ito at tinignan na isa itong lalagyan ng pera. Sa bibig ng lalagyan, may pilak na sagisag na nakatali dito, isang disenyo na hugis kirin ang nakalagay dito!

Tinaas ni Mu Qian Fan ang kanyang ulo sa gulat, nakatingin kay Jun Wu Xie.

"Matapos ito, pumunta ka sa Kaharian ng Qi, at magpakita ka sa Palasyo ng Lin." Inutos ni Jun Wu Xie.

"Kaharian ng Qi… Palasyo ng Lin?" Nagulat si Mu Qian Fan. Bagaman buong buhay siyang tumira sa Chan Lin, ang kanyang paglalakbay ang nagdulot ng pagkakakilala niya sa iba't ibang tao mula sa iba't ibang lugar.

Narinig na niya ang Palasyo ng Lin sa Kaharian ng Qi. Bagaman ang Kaharian ng Qi ay maliit na bansa, walang nagbaba ng kanilang tingin sa Palasyo ng Lin, at ang Puno ng Palasyo, si Jun Xian, na nangunguna sa pinakamabangis na hukbo sa lahat, ang Hukbo ng Rui Lin!

Ang pangalan ng Hukbo ay rinig ng lahat at kahit na narinig na ito ni Mu Qian Fan, pinagsisisihan niya laging hindi pa niya sila nakikita.

[Ngunit nais na ngayon ni Binibining Jun na pumunta siya sa Palasyo ng Lin…..]

[Ano ang ibig sabihin noon?]

Sa tabi, naintindihan na ni Qiao Chu kung ano ang nangyayari at napangiti habang tinatapik ang balikat ni Mu Qian Fan: "Ginoo, sinwerte ka ngayon! Gusto mo ba ang Hukbo ng Rui Lin?"

Nagulat parin si Mu Qian Fan sa mga salita ni Qiao Chu, at tumango nalang.

[Ang kilalang manbangis na hukbo, sino ang hindi takot sa kanila?]

"Makinig ka sa aming Wi Xie. Pagkatapos namin dito, dalhin mo ang pera kasama ang sagisag, at pumunta ka sa Bayang Imperyal ng Kaharian ng Qi, at hanapin ang Palasyo ng Lin. Sinisigurado kong hindi ka magsisisi." Sinabi ni Qiao Chu, habang tumatawa, at kinindatan pa si Jun Wu Xie.

Nagtaka siya kung ano ang nangyari sa binibini nila, at ngayon, naintindihan nilang parehas sila ng naramdaman ng makita ang kalagayan ng isang tulad ni Mu Qian Fan, na nakatira sa ganoong bahay. Sinadya niyang sunugin ang bahay niya, para mapilitan itong sumunod sa kanya.

Ngunit…..

Hindi ba pwedeng mas maging mahinhin ang binibini sa mga pamamaraan niya? Mabuti naman ang hangad niya, ngunit ang paggawa niya dito ay parang gawain ng magnanakaw!

Related Books

Popular novel hashtag