Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 634 - Pagbalik sa Chan Lin (4)

Chapter 634 - Pagbalik sa Chan Lin (4)

Nang makita ang kalupitan ni Jun Wu Xie, muntik nang mapaluhod si Qiao Chu.

Pagdating kay Jun Wu Xie, kahit nagliligtas man siya, o tumutulong, malupit ang kanyang mga pamamaraan. Kung ang tatanggap ng kanyang tulong ay praktikal, hindi nila maiintindihan agad ang mga hangarin niya, at maiinis lang sa kanya.

"Bini….. Binibining Jun….. Ano….. Ano ang….. ibig-sabihin niyo…..?" Nanginginig ang mga kamay ni Mu Qian Fan.

"Jun ang apelyido ko." Sinabi ni Jun Wu Xie ng nakatitig kay Mu Qian Fan.

Sumabog ang isip ni Mu Qian Fan sa pagkakataong iyon!

Alam ng lahat na sumusunod ang Hukbo ng Rui Lin sa mga Jun ng Palasyo ng Lin!

[Jun ang apelyido ni Jun Xie, at sinasabihan siyang magpunta sa Palasyo ng Lin…..]

[Hindi ba't…..]

"Binibining Jun, totoo ba?" Nanginginig si Mu Qian Fan sa tuwa.

Tumango si Jun Wu Xie.

"Tumatanggap lang ang Hukbo ng Rui Lin ng mga matatapat."

Ang katapatan ni Mu Qian Fan ang patunay na may kalidad siya para sumali sa Hukbo ng Rui Lin. At ang katotohanang nakabalik siya mula sa Heaven's End Cliff ay patunay na hindi siya normal na tao. Bukod pa rito, ayaw makita ni Jun Wu Xie ang isang lalaking naghirap para magligtas ng maraming tao sa ganitong kalagayan.

Kung maging pasyente niya si Mu Qian Fan, hindi siya papayag sa ganitong kalagayan.

Napaluhod si Mu Qian Fan, at yumuko sa harap ni Jun Wu Xie, inuntog ang kanyang ulo ng tatlong beses sa sahig.

"Ako, si Mu Qian Fan, sa aking buhay, ay nasa utos ng Binibini. Maswerte ako't natanggap ko ang tiwala ng Binibini at ibibigay ko ang lahat!

Hindi lang siya linigtas ni Jun Wu Xie, ngunit binigyan siya ng kinabukasan.

Naghihirap ang mga naglalakbay, para lang sa kaunting pera para mabuhay kahit na laging linalagay ang kanilang sarili sa peligro. Ang mga kapatid ni Mu Qian Fan sa hukbo ay namatay na at kung babalik siya sa dati niyang trabaho, magisa nalang siya, at ang kanyang peligro, ay dulot na niya!

Hindi pa naiisipan ni Mu Qian Fan na makakasali siya sa Hukbo ng Rui Lin!

Kahit na maging sundalo o utusan lang siya, malaking biyaya na ito sa kanya!

"Tayo." Sinabi ni Jun Wu Xie.

"Para makasali sa Hukbo ng Rui Lin, hindi sapat ang lagay ng iyong katawan ngayon. Sumunod ka sa akin. Ang mga mata ni Jun Wu Xie ay sinuri si Mu Qian Fan. Ang mga sugat niya ay napigilan lamang ng mga gamot na binigay sa kanya dati, ngunit hindi pa sapat iyon para gamutin siya ng tuluyan.

Mabilis na gumaling si Mu Qian Fan. Anuman ang iutos ni Jun Wu Xie, sinunod niya lahat ito.

Matapos sundan si Jun Wu Xie pabalik sa kanilang tutulyan, inabot ni Jun Wu Xie kay Mu Qian Fan ang mga elixir na ginawa niya para sa kanya. Ginawa ang mga ito para labanan ang mga lason sa katawan ni Mu Qian Fan. Dalawang linggo ang aabutin para maalis ng lubusan ang lason mula sa katawan niya.

Matapos magpasalamat kay Jun Wu Xie, ininom ni Mu Qian Fan ang elixir.

Sila Qiao Chu ay umupo, at nanood kay Mu Qian Fan na umiiyak sa tuwa sa harap ni Jun Wu Xie at natuwa sila.

"Sasabihin ko….. Saan nakuha ni Wu Xie ang ugali na magtipon ng iba't ibang tao sa Palasyo ng Lin?" Tinanong ni Qiao Chu kay Hua Yao.

Pati rin si Yin Yan. Marapat siyang mamatay, ngunit pinabalik niya siya kay Long Qi sa palasyo. Ngayon, si Mu Qian Fan naman ang dadalhin sa Palasyo ng Lin. Kasama kayla Mu Chen at mga disipulo ng Cloud Treading Peak na dinala sa Palasyo, naisip lang ni Qiao Chu na pinapalakas ni Jun Wu Xie ang Palasyo ng Lin.

Basta't magagamit, hindi na niya iisipin pa ang kanilang kinalakihian, hindi siya magaatubiling dalhin sila sa Palasyo ng Lin!