Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 622 - Pansariling Lingkod (4)

Chapter 622 - Pansariling Lingkod (4)

Nanliit si Fan Zhuo, na may maganda ring itsura, sa walang kupas na mukha ni Jun Wu Yao. Wala pa siyang nakikitang ganito kagwapo.

"..." [Hindi sila parehas ng magulang, hindi sila magkamukha.]

Umungol si Jun Wu Xie sa isip niya, ngunit walang sinabi.

Hindi nagtagal, bumalik si Fan Jin, nakangiti. Umupo siya at dumaldal kasama si Fan Zhuo at Jun Wu Xie.

May ilang beses na napapatingin si Jun Wu Xie sa labas ng usapan. Napansin ito ni Fan Zhuo at tinanong si Fan Jin: "Kuya, nasaan ang kapatid na linabas mo kanina?"

"Nasa kusina." Sagot ni Fan Jin.

"..." Nanigas ang mukha ni Fan Zhuo.

Dumaldal parin si Fan Jin: "Tanghali na ba? Sabi niya, oras na para gumawa ng tanghalian para kay Wu Xie, kaya hindi ko siya pinigilan."

[Magandang halimbawa ng talento ng Pamilya ng Jun. Kararating lang niya at masipag na siya. Maganda siyang halimbawa kaysa sa matigas ang ulong si Ah Jing.]

Kumikimbot ang bibig ni Fan Zhuo at nagmadaling tignan si Jun Wu Xie.

Ngunit medyo nakasimangot si Jun Wu Xie, ang noo niya'y medyo nakakunot, at siya'y medyo nakayuko. Walang may alam kung ano ang nangyayari sa isip niya.

Sa kusina, tinignan ni Jun Wu Yao ang mga sariwang gulay at karne. Ang ngiti niya ay hindi nawala, at sa pagdampot niya ng repolyo, may itim na aninong biglang lumitaw, at sumigaw!

"Ginoo! Huwag! Huwaaaaaag!!" Isang lalaking nakaitim, kamukha si Ye Sha ay biglaang nakitang nakaluhod sa harap ni Jun Wu Yao, gulat, at nakatingin ng may takot sa repolyo sa kamay ni Jun Wu Yao, na tila malaki ang kasalanan ng repolyo.

"Ha?" Tinignan ni Jun Wu Yao ang lalaki.

"Hindi namin pwedeng hayaan na gumawa ang Ginoo ng gawain ng alila!" Nalungkot ang lalaki at tumingala kay Jun Wu Yao, may hiyang nararamdaman, na ang Ginoo niya'y humawak ng hilaw at hindi nakahandang repolyo.

"Bakit hindi?" Sinabi ni Jun Wu Yao ng nakataas ang isang kilay.

"Pagisipan niyo, ginoo!" Nagmakaawa ang lalaki, yumuyuko sa sahig, na parang mahuhulog ang langit.

"Ye Mei, kailangan mo talagang matuto mula kay Ye Sha." Sinabi ni Jun Wu Yao habang nakatingin kay Ye Sha, na biglang lumitaw sa pintuan.

'Zoom.'

Nakaluhod si Ye Sha sa harap ni Jun Wu Yao.

"Pagisipan niyo, ginoo."

Nanliit ang mga mata ni Jun Wu Yao, na mahina parin ito.

"Kayo gumawa." Binato niya ang mga hawak niya at biglaang nawala si Jun Wu Yao.

Nang makasigurong wala na si Jun Wu Yao, nakahinga na si Ye Mei at Ye Sha, na parang may malubhang kabigatang nawala sa kanila.

Kung hinayaan nilang dumihan ng kanilang Ginoo ang mga kamay niya ng ganito, kailangan nilang patayin ang sarili nila para sa kanilang kasalanan!

Ang Emperador ng Kadiliman na sinisindak ang lahat sa ilalim ng Langit, ay hindi pwedeng magabala sa ganito. Hindi nila hahayaan!

Habang nagpupuri sila sa kanilang ginoo, ang mga kamay nila'y nagsimula nang gumawa.

Dalawang matatangkad na lalaki, na may malamig na ekspresyon, ay nagtatrabaho sa maliit na kusina, hindi alam na hindi sila bagay tignan doon.

Tumayo si Ye Sha sa harap ng sangkalan, at tinitigan ang pangit na kutsilyo, bago tumingin sa sumasayaw na karpa sa sangkalan.

Sa susunod na sandali, naglabas siya ng makintab na kutsilyo mula sa bewang niya, at may kislap! Ang buong karpa ay nalinis, nahiwa, at inalisan ng bituka! Hawak ni Ye Sha ang mga buto ng isda, at agad itong tinapon sa tabi.

Ang kambal na kutsilyo ni Ye Mei ay lumilipad sa ere, at ang malulutong at sariwang mga gulay ay naging maliliit na piraso.

Pero…..

Sa buong proseso, ang mga mukha ng dalawa ay malamig at matigas, nakakatakot. Para silang hindi nagluluto. Para silang papatay.