Tinignan ni Fan Zhuo ang nakakatakam na mga nakahain sa harappan niya, walang masabi. Tinignan nya si Jun Wu Xie, na may malamig na tingin, ngunit may kinang sa mga mata.
[Kapatid ba talaga ni Jun Wu Xie iyon?]
[Hindi lang siya lingkod?]
Habang tinitignan nila ang mga nakahain, na maikukumpara sa gawa ng pinakamahusay na tagapagluto, hindi mapigilan ni Fan Zhuo na magduda.
Kahit sa pagtingin lang, naglalaway na siya!
Bagaman walang masyadong pinapakita si Jun Wu Xie, ang mga mata niya'y tumingin kay Jun Wu Yao, na nasa isang tabi ng mesa. Ang mga mata niya'y puno ng pagdududa, na parang tinatanong kung siya nga ba talaga ang nagluto!
Hindi niya matanggap na si Jun Wu Yao ang nagluto.
"Ang sarap tignan!" Naglalaway na si Fan Jin, nagiingay ang tiyan.
"Pwede… ko… bang subukan?" Tinanong ni Fan Jin si Jun Wu Yao.
Ngumiti at tumango si Jun Wu Yao.
Kumuha agad si Fan Jun ng iba't ibang ulam at linagay ito sa mangkok niya.
Ang unang subo niya, ay muntik nang magpaiyak sa kanya.
"Swowrang.. arap… wubukan… nyo…" Puno ng pagkain ang bibig ni Fan Jin, habang sinasabihan si Fan Zhuo at Jun Wu Xie na subukan ang mga ito.
Ngumiti si Fan Zhuo at tumango kay Jun Wu Yao bago pulutin ang kanyang mga chopsticks.
Nagatubuli si Jun Wu Xie bago kumilos.
Habang tinitikman ang pagkain, napatingin siya kay Jun Wu Yao.
"Magaling."
Nagliwanag si Jun Wu Yao sa tuwa.
Matapos purihin ni Fan Jin si Jun Wu Yao sa kanyang "luto," nakatago sa labas si Ye Sha at Ye Mei habang nakikinig, malapit nang umiyak.
"Masarap daw sabi ng Binibini." Sabi ni Ye Sha.
"Kung gusto ng Binibini, magugustuhan rin ng Ginoo. Ang puri ng Binibini, ay puri na rin ng ating Ginoo! Nakakatuwa." Masarap sa pakiramdam nila Ye Mei ang mga pangyayari sa loob.
Ang dalawang lalaking naglalakbay, at nakapatay na ng marami, ay nagtatago sa baba ng bintana, at natutuwa sa kanilang pagluto.
Basta't magustuhan ng Binibini, ang pagluto ay wala lang.
Kahit na humingi siya ng pagbuburda, handa silang gawin ito!
Ang pasiyahin ang kanulang Panginoon, ay isang mahirap na gawain na parang aabutin ang langit. Ngunit ang Binibini pala nila ay madaling pasayahin. Naisip ni Ye Sha at Ye Mei, na imposible mang makuha ang pabor ng kanilang Ginoo, mas madali ang pagkuha nito mula sa Binibini.
Nabighani sa "luto" ni Jun Wu Yao, nagpasalamat si Fan Jin sa kanya bago umalis. Nakinig si Jun Wu Yao hanggang sa makaalis si Fan Jin.
Tumayo si Fan Zhuo, nahihiya para s kanyang kapatid.
"Patawad. Mabagal ang aking kapatid. Kung may nagawa siyang nakadulot ng sama ng loob, patawad."
Ang langit lang ang may alam, na ang kainang ito ang pinakamasakit na kainang pinuntahan niya.
Nagtaas ng kilay si Jun Wu Yao.
"Alam niya." Paliwanag ni Jun Wu Xie.
Alam ni Jun Wu Yao ang ibig sabihin ni Jun Wu Xie.
"Wala. Basta masaya si Wu Xie, mabuti ang lahat." Sinabi ni Jun Wu Yao habang patingin kay Jun Wu Xie. Sa katotohanan, nakalimutan na niya ang mga sinabi ni Fan Jin kanina.
Bukod pa kay Jun Wu Xie, walang marapat sa atensyon niya.
Tinignan ni Jun Wu Xie si Jun Wu Yao, na parang may sasabihin, ngunit hindi niya alam kung paano ito ilalabas kaya't sumuko nalang.
Nagtayo ng panamantalang aserang kawayan si Jun Wu Yao at sinabihan ni Fan Jin si Fan Qi, na hayaan siyang manatili sa Akademya bilang Lingkod ni Jun Wu Xie.
Ayon sa mga patakaran ng Akademya, hindi sila pwedeng magpasok ng sarili nilang lingkod sa akademya.