Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 607 - Pampitong Sampal (14)

Chapter 607 - Pampitong Sampal (14)

*Ang kabanatang ito ay mayroong madudugong detalye. Humingi muna ng payo sa pagbasa nito ang matatakutin at may mga malilinaw na imahinasyon. Binalaan na kayo.*

Sa panahong ang halaga ng isang babae ay binabase sa kanyang ganda, anong babae, lalo na ang mga nagdadalaga, ang hindi pahahalagahan ang kanyang itsura? Ngunit, ang walang awang latigo ni Long Qi ay mukhang may hangarin na sirain ang mapagkunwaring mukhang iyon!

Umiiyak ng dugo si Ning Xin, nagmamakaawa, dahil ang mga matang mapanghusga na nakatutok sa kanya ay nagsasabi sa kanya kung gaano kapangit ang kanyang itsura ngayon.

[Huwag kayong tumingin...]

[Huwag na kayong tumingin!!!]

Sumisigaw si Ning Xin sa loob ng kanyang isipan, ang kanyang itsura at ang kanyang pagmamalaki, ay naging alikabok sa mga sandaling iyon. Ang mga bagay na malapit sa kanyang puso, ay linalayo sa kanya.

At sa pagkakataong ito kung saan siya'y pinakamababa, at sa lahat ng pagpapahiyang ginawa sa kanya na pinakita sa lahat ng disipulo ng Akademya, wala siyang matataguan. Ang pagkukunwari niya ay pinakita sa lahat, ang kanyang ganda ay sinira, at masasabing wala nang parte ng laman ng kanyang katawan ay buo pa. Ang itsura ni Ning Xin ng mga oras na iyon, ay mas pangit pa sa mga manlilimos na nababalutan ng kulugo sa mga kalye!

Tatlumpung hataw… Nasa pangalawampu-t siyam na si Long Qi. Bagaman masasabing mahina si Ning Xin, wala sa mga hiwalay na sugat na binigay sa kanya ay nakamamatay. Nakakuyom ang mga kamao ni Ning Rui, at ang galit niya sa kanyang puso ay nagbigay sa kanya ng pagnanais na durugin at punitin si Jun Wu Xie sa kanilang kinatatayuan.

[Isa nalang…..]

[Mabuti ito, magiging maayos rin ang mga bagay!]

Basta mapanatili ni Ning Xin ang kanyang buhay, marami siyang paraan para mabawi niya ang lahat. Kahit na hindi na sila makakapanatili sa Akademya, marami pang ibang lugar na pwede niyang puntahan!

Basta malampasan niya ang huling hataw na ito, mababaligtad pa niya ang mga bagay!

Nakakuyom ang mga kamao ni Ning Rui at namumutla na ang kanyang mga kamay. Tinitigan niya ang mahabang latigo sa kamay ni Long Qi, at hinahanda ang kanyang sarili. Matapos ang huling latigo, tatakbo siya at babawiin si Ning Xin.

Habang binabati ni Long Qi ang huli niyang hataw ng latigo, biglaan siyang umatras. At matapos ang saglit na pagaatubili, tinaas ulit ang kanyang kamay!

Ang huling hataw na iyon, ay hindi nagpunta sa mukha o dibdib ni Ning Xin, ngunit sa kanyang hita!

Karamihan sa laman sa babang bahagi ng kanyang katawan ay nadurog na ng isang-daang sagwan, at nang tamaan ng latigo ang magkadugtong pang bahagi ng kanyang laman, bumuka ang katawan ni Ning Xin!

Nahati ang katawan ni Ning Xin sa dalawa, mula sa hita na tinamaan ng hataw ni Long Qi na pinagtuunan niya ng lahat ng kanyang lakas. Ang lahat ng laman-loob at mga bituka ay lumabas sa biyak at kumalat sa sahig!

Iyon ang pagkakataon ng huling paghinga ni Ning Xin.

Hanggang sa huling pagkakataon, ang kanyang mga mata'y napuno ng poot at kawalan ng pagasa.

Sumabog ang isip ni Ning Rui!

Napaupo siya, hindi makapaniwala sa kanyang nakita!

Isang hataw nalang ang hinihintay niya, ngunit ang huling hataw na iyon ang bumawi sa buhay ni Ning Xin. Ngayong nahati ang katawan ni Ning Xin, kahit na bumaba ang mga diyos, hindi na siya mababalik!

Nang malunod siya sa kahinaan ng loob, nagkaroon siya ng kaunting pagasa. At bago ang huling pagkakataon, inagaw ang pagasang iyon at hinulog siya sa kawalan.

Naramdaman ni Ning Rui na nawala ang lahat ng kanyang lakas, at sa tulong lang ng mga disipulo siya nakatayo. Tinignan niya ang bangkay ni Ning Xin, hindi matanggap na patay na ang kanyang anak.

"Ang parusa ay naganap at ang pangyayari ay nalutasan na." Matapos makita ang dahan-dahang paglapit ni Ning Xin sa kanyang kamatayan, at matapos lasapin ang mukha ni Ning Rui na nawalan ng pagasa, sinabi ni Jun Wu Xie ito ng may maawaing tono.

Maputla ang mukha ni Fan Qi. Bagaman nakita niya ang mapangahas na pagkatao ni Ning Xin, ang pagkita sa pagpapahirap kay Ning Xin hanggang siya'y mamatay ay nakakatakot parin para sa kanya.

Sa gitna ng pagganap sa hatol kay Ning Xin, hindi pumikit si Jun Wu Xie. Natakot si Fan Qi sa malamig na kawalang-kilos ng Binibini ng Pamilya ng Jun.

"Oo… Oo…" Nakasandal sa alalay ni Fan Jin, sumagot si Fan Qi, ang kanyang boses, halos pabulong na.