Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 608 - Pampitong Sampal (15)

Chapter 608 - Pampitong Sampal (15)

Matagal nang alam ni Fan Qi na sa simula palang, gusto ni Jun Wu Xie na mamatay si Ning Xin. Ngunit hindi binigyan ni Jun Wu Xie si Ning Xin ng mabilis at madaling kamatayan. Dahan-dahan niyang dinurog ang yabang nito. Hinayaan ni Jun Wu Xie na magkaroon ng pagasa si Ning Xin at sa pagkakataong malapit na niyang makamit ang pagasang iyon, tinapos ni Jun Wu Xie ang kanynag buhay.

Hindi maintindihan ni Fan Qi kung paano ito kayang gawin ng isang dalaga.

Ngunit isang bagay ay alam niya, wala nang kahit sinong disipulo ng Akademya ang lalaban sa Hukbo.

Hindi dahil mataas ang kanilang reputasyon bilang pinakamabangis na mga sundalo, ngunit dahil alam na nilang lahat, na mayroong walang awang Binibini ang Pamilya ng Jun!

Nakapalibot sa malalaking pasukan ng Akademya, walang maririnig na kahit anong ingay mula sa mga disipulo. Lahat sila'y nalupaypay sa eksenang nakita nila at nanigas sila sa takot.

Galitin na ang langit, at galitin na ang lupa… Huwag lang ang Hukbo ng Rui Lin!

Iyon ang pinagkasunduan ng mga disipulo ng Akademya noong araw na iyon.

At ang lahat ng nangyari ngayon ay natatak sa isipan ng lahat ng disipulo. Kahit ano pang pagkakakilanlan ang makamit nila sa hinaharap, mumultuhin parin sila ng hindi mapaliwanag na takot kapag nababanggit ang Hukbo ng Rui Lin at ang Palasyo ng Lin.

Sa gitna ng nakamamatay na katahimikan, ilang masiglang anyo ang pumasok sa Akademya.

"Anong nangyari dito?" Naamoy ni Qiao Chu ang dugo sa malayo, at nang dumating sila sa pasukan ng Akademya, sinalubong sila ng isang grupo ng mga sundalong nakasakay sa matataas na kabayo, na nakaharang sa pasukan.

Ang mga sundalo ng Hukbo ay sabay-sabay na umikot para tignan si Qiao Chu at ang kanyag grupo, ang kanilang mga titig, nakkakilabot. Magtatanong na sana silang padaanin sila ng mga sundalo nang ang isa sa mga sundalo ay bumaba mula sa kanyang kabayo.

"Mga senyor, matagal na tayong hindi nagkikita." Nakangiti ang sundalo sa kanyang pagbati.

Nagtaka si Qiao Chu, habang tinitignan ang sundalo, pilit na inaalala kung saan niya nakita ito!

"Hukbo ng Rui Lin! Ah ha! Nagkita tayo sa Battle Spirits Forest!" Sinabi ni Qiao Chu na tumatawa.

Ang gurong inatasang dalhin dito si Qiao Chu at ang kanyang mga kasama dito ay tumingin sa kanila, nanlaki ang mga mata sa gulat, nang makitang parang kilala ni Qiao Chu ang sundalong galing sa mabangis na hukbo ng Rui Lin, at muntik nang lumabas ang kanyang mga mata nang tumawa si Qiao Chu kasama ang sundalo.

Ngumiti ang sundalo at naaliw ngunit nang makita ang guro, nawala ang kanyang ngiti. Sa ilalim ng nakakatakot na tingin ng sundalo, agad na nagtago ang guro at hindi na nagsalita.

Nang tinignan lang ng sundalo ang iba pa niyang kasama at nakita si Hua Yao, Rong Ruo, at Fei Yan, bumalik ang ngiti ng sundalo.

"Nasa loob si Heneral Long at ang Binibini, dalian niyo nang pumasok."

Tumango si Qiao Chu at ang mga sundalong nakaharang sa pasukan ng Akademya ay tumabi para magbigay-daan sa kanila. Matapos silang pumasok, hinarangan ulit ng mga sundalo ang daanan.

Ang gurong naiwan sa labas, ay walang nagawa kundi manatili sa isang sulok, at hindi na nagtangkang lumapit.

Mabilis na pumasok si Qiao Chu at ang iba sa Akademya, ngunit nakita agad nila na may nagtipon-tipon na malaking grupo ng disipulo sa gilid ng pasukan. Ang mas nakapagtataka pa para sa kanila, ay ang lahat ng disipulo ay tahimik, at nakatayo lang sa kanilang mga pwesto, namumutla.

"Anong nangyari sa kanila? Para silang nakakita ng multo!" Binulong ni Qiao Chu sa iba.

Nabalitaan nila mula sa isang guro, na pumunta agad sila sa main division, at sa pagdating nila doon, alam agad nila na may mali.

Ang lahat ng disipulo, kahit nang makita si Qiao Chu at ang iba, ay wala paring sinabi. Sinulyapan lang nila sila ng isang beses, at tinignan ulit ang tinitignan nila bago sila dumating. May ilan pang hindi nasikmura ang dugo, at lumabas para magsuka sa pader.

Related Books

Popular novel hashtag