Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 604 - Pampitong Sampal (11)

Chapter 604 - Pampitong Sampal (11)

Ginanap na niya ang pagiging pagod na ama, ngunit hindi natinag si Jun Wu Xie.

Nagbigay ng utos si Long Qi at agad na bumaba ang dalawang sundalo mula sa kanilang mga kabayo at mabilis na pumasok sa pasukan ng Akademya. Nakitang may hawak na kahoy na sagwan na may habang anim na talampakan ang haba at dalawang pulgada ang kapal habang sila'y pumasok.

Sa pagkakita sa dalawang sundalo, naramdaman ni Ning Rui na parang nanilim ang kanyang mundo at may masamang kutob na bumalot sa kanyang puso.

"Ayon sa aming batas militar, ang parusa ay tatlumpung hataw ng latigo, at isang-daang sagwan." Sinabi ni Long Qi ng walang emosyon.

Tatlumpung hataw… Isang-daang sagwan?!

Nang marinig ng mga disipulo ng Akademya ang mga bilang na iyon, tinignan inla ang dalawang malalaking sundalo ng Hukbo, at kinilabutan silang lahat.

Sa liit ng katawan ni Ning Xin, mukhang hindi niya malalampasan ang paghihirap. Kahit isa lang sa mga parusa ay pwede nang bumawi sa kanyang buhay.

"Hindi… hindi…" Nanginginig si Ning Xin na parang dahon habang tinitignan ang dalawang paparating na sundalo. Ang malalaking sagwan ay nagdulot ng kilabot sa kanyang katawan. Inakala niyang kung mamamatay siya sa kanyang mga kasalanan, gawa ito ng isang hataw ng espada. Hindi niya inakalang, pahihirapan siya ni Jun Wu Xie.

Nakakapit si Long Qi sa mga balikat ni Ning Xin, at pinigilan nito ang paglaban ni Ning Xin. Kahit na gamitin pa ang lahat ng natitira niyang lakas, hindi siya makalayo sa mga papalapit sa kanya.

Ang nakaipit sa kanyang mga balikat ay pumigil sa kanya para lumaban at napilitan siyang dumapa sa sahig. Ang kanyang mga mata ay nanlaki at napuno ng takot. Napuno ang lugar ng mga disipulo ng Akademya at lahat sila'y nakatingin sa kaawa-awa niyang kalagayan.

Ang lahat ng disipulong inakala niya'y hindi marapat sa kanyang pagpansin…

"Simulan niyo." Sinigaw ni Long Qi. Tinaas ng dalawang malakas at matipunong sundalong nakatayo sa magkabilang tabi ni Ning Xin ang kanilang mga sagwan at hinataw ang mga ito ng walang awa!

'BAM!'

Bumagsak ang mga sagwan sa laman, at maririnig ng lahat ang tama.

Natakot ang lahat ng kabataang nakapaligid at nanginig silang lahat

"ARGHHHHH!!"

Ang unang hataw ng sagwan ay nagdulot na ng labis na sakit kay Ning Xin. Namutla ang kanyang mukha at ang kanyang mga luha ay bumaba sa kanyang mga pisngi.

Ang mga sundalo ng Hukbo ay hindi nagpakita ng awa at hindi nagadya. Ang mga sagwan ay umakyat at bumaba, salitan sa paghataw sa katawan ni Ning Xin, nakakakilabot na eksena. Sa loob ng ilan lang na hataw, dumudugo na ang mga pisngi ng puwit ni Ning Xin. Ang dugo ay nagmantsa sa kanyang damit, at dala ng malubhang sakit sa kanyang katawan, nanginisay na siya. Nakalangutngot ang kanyang mga ngipin at kinakalmot niya ang hangin sa pagtatangkang tumakas.

Binaba ni Long Qi ang kanyang sarili at hinawakan ng mabuti ang mga balikat ni Ning Xin, hindi siya binigya ng pagkakataong makatakas.

Ang makakapal at mabibigat na sagwan ay umakyat at bumaba, mayroon nang dugo. Nawisikan na ang dalawang sundalo ng dugo. Sa puting marmol na sahig ng Akademyang Zephyr, may paliliit na pulang tuldok, at di nagtagal, may nakakakilabot na iskarlatang bulaklak ang namulaklak sa marmol.

Wala nang lakas si Ning Xin para mag-ingay at ang paglangutngot niya sa kanyang panga ay nagdulot ng pagdaloy ng dugo sa gitna ng kanyang mga ngipin, sa kanto ng kanyang nabiyak na bibig, at pagpatak nito sa sahig. Namumula na ang kanyang mga mata, at sa ilalim ng kaguluhang iyon, nakikita parin niya ang mga mukhang nakatingin sa kanya.

[Wag niyo akong tignan….. wag niyo akong tignan…..]

[Bakit niyo pa ako pinahihirapan?]

[Bakit kailangang ganito pa?]

[Bakit hindi nalang mabilis na pagkamatay?]

Ang labis na sakit na nararamdaman niya sa babang-bahagi ng kanyang katawan ay nagdulot sa pagligo niya sa malamig na pawis, hindi na niya maisip ang itsura niya ngayon.

Sa mga oras na iyon, iniisip pa niya ang kanyang itsura. At ngayon, ang lahat ng iyon, sa harap ng lahat ng disipulo ng akademya, ay nasira.

Ang sakit at pagpapahiyang pinagdaanan niya ay nagdulot ng pagnanais ni Ning Xin na mamatay na sa panahong iyon.