Kahit na ang dalawang sundalo mula sa Hukbo ng Rui Lin ay walang awa, alam nila ang kanilang ginagawa. Bagaman ang mga hataw nila ng kanilang sagwan ay pumupunit ng laman at dumudurog sa kanyang buto, hindi nila siya hinayaang mawalan ng hininga. Ang buong parusa ng isang-daang sagwan at tatlumpung latigo ay kailangang maranasan, at hindi nila hahayaang matakasan ni Ning Xin ang kahit isang hataw!
Kahit na mapangahas si Ning Rui, nagulat parin siya sa kanyang nakikita. Tinitigan niya si Ning Xin, na ang babang-bahagi ay madugo nalang, hindi makapaniwala na ito ang anak niya, nakadapa sa sahig.
Gusto niyang lumapit, ngunit natatakot siya at walang magawa kundi manood sa paghihirap ni Ning Xin.
Isang-daang sagwan, at gawa ng matitipunong sundalo. Kahit ang karamihang lalaki ay hindi malalampasan ang mga ito, ngunit nagawa ni Ning Xin na lampasan ang lahat ng ito. Matapos ang pambubugbog gamit ang sagwan, Parang mamamatay si Ning Xin sa sakit na nararamdaman niya, ngunit nanatili parin ang kaunting pagkagising niya.
At ang pagkagising na iyon, ang nagdulot sa kanya ng paghihirap na mas malala kaysa kamatayan.
Ang sakit na bumalot sa kanya, ay makukumpara sa dahan-dahang dinudurog ang kanyang gulugod.
Tinaas si Ning Xin ng dalawang sundalu. Ang kanyang babang-bahagi ay madugo na, at kahit na maikli nalang ang kanyang mga hininga, gising parin siya. Ang mahaba niyang buhok ay nagkabuhol-buhol na, at ilan ay nakadikit sa dugo niya.
Tapos na ang isang-daang sagwan, at susunod na ang tatlumpung hataw ng latigo…
At si Long Qi mismo ang gagawa nito.
Nanghihinang tinaas ni Ning Xin ang kanyang ulo, at tinignan si Jun Wu Xie na nakatayo sa tabi.
Hindi niya inakalang malalampasan niya ang isang-daang sagwan. Inakala niyang mamamatay siya sa gitna ng mga parusang ito, ngunit, buhay parin siya.
Kumpara sa isang-daang sagwan, ang tatlumpung hataw ay mas mahinhin, at nakaramdam si Ning Xin ng maliit na kislap ng pag-asa sa gitna ng panghihina niya ng loob.
Pinagutos lamang ni Jun Wu Xie na ang parusa niya'y nakaayon sa batas militar ng Hukbo. Ibig sabihin ba noo'y kung malampasan niya ang lahat ng ito, mabubuhay siya?
Nakita siya ng maliit na liwanag sa loob ng katapusan at hindi niya mapigilang magnasa sa pagkabuhay. At ang pagnanasang iyon ang nagdulot ng pagkagising niya, na pumilit sa kanyang maramdaman ang lahat ng paghihirap na paparating.
Ngayong malinaw ang kanyang isip, nakita ni Ning Xin ang isang bagay na nakatago. Nang makita niyang nakasilip ang uli ng maliit na itim na pusa sa loob ng mga manggas ni Jun Wu Xie, sumabog ang isip ni Ning Xin sa isang katotohanan!
Ang maliit na itim na pusa, ay kasing-laki lang ng palad ng isang tao. Nakatago sa loob ng malawak na manggas ni Jun Wu Xie, nakatago ito sa lahat mula sa kinatatayuan ni Jun Wu Xie, ngunit makikita ito sa kinaroroonan niya.
Sa nakita niya, nanigas si Ning Xin. Ang sakit na nadudulot sa kanyang katawan ay namanhid ng pagtatanto niya, at naramdaman niya ang isang malamig na kilabot.
Sa tagal ng panahon sa loob ng Akademya, iisa lang ang kilala niya, na kahit saan magpunta, ay dala ang kanyang ring spirit na isang maliit na itim na pusa, sa kanyang tabi.
Jun Xie….. Jun Wu Xie…..
Nanlaki ang mga mata ni Ning Xin. Sa pagkakataong iyon, napagtanto niyang ang mga nauna niyang gawain ay walang hahantungan.
Maliban sa mga itsura nila, naisip niya na isang karakter lang ang pinagkaiba ni Jun Xie at Jun Wu Xie, ang anyo nila ay magkaparehas, lalo na ang malamig na mga matang iyon, iisang tao lang sila!
Si Jun Xie nga, ay si Jun Wu Xie!
Ang batang iyon na kinamuhian ng lahat sa Akademya ay ang Binibini ng Hukbo ng Rui Lin!!
Kaya pala…
Kaya pala noong nasa Battle Spirits Forest sila, biglaang sumugod si Jun Xie para iligtas si Long Qi at ang kanyang mga tauhan!
Gustong tumawa ni Ning Xin, ngunit ang sakit na nararamdaman niya ay dumudurog parin sa kanya at hindi siya binigyan ng lakas para buksan ang kanyang bibig. Nagawa nalang niyang titigan si Jun Wu Xie, at ang mga mata niya'y napuno ng poot at kawalan ng pag-asa.
Napagtanto niya, na sa ang unang hakbang palang niya noon, nagkamali na siya.
Hindi lang disipulo si Jun Wu Xie na tinanggap ni Gu Li Sheng, siya rin ang Binibini ng Palasyo ng Lin!