Matapos marinig ang mga salita ni Ning Xin, nakahinga ng maluwag si Yin Yan. Inalalaya niya si Ning Xin na nanghihina, at tumayo silang masunurin kasama ang iba.
"Sino ang dalagang iyon?" Tinanong ni Ning Xin, nakatingin kay Jun Wu Xie, na nakatayo sa tabi ni Long Qi.
Ang walang kapintasang mukha ni Jun Wu Xie kasama ang kanuang walang kapares na ganda ay nagpakirot sa mata ni Ning Xin ng mapansin niya si Jun Wu Xie.
Matagal na siyang mapagmataas sa kaynang ganda, ngunit ngayon, ramdam niya ang pagkababa niya kay Jun Wu Xie.
Sa ganda ng bikas at itsura, hindi niya mapigilang maramdaman na mas mataas si Jun Wu Xie sa kanya!
Gayunman, inalog ni Yin Yan ang kanyang ulo. Hindi pa niya nakikita si Jun Wu Xie dati.
"Ang ginoong ito ang Pangalawang Punong Tagapagturo ng Akademya, si Ning Rui." Pinakilala ni Fan Qi si Ning Rui habang hinihila ang kanyang disipulo papinta kay Jun Wu Xie at Long Qi, kung saan sinabi niya kay Ning Rui: "At ito naman ang ating marangal na mga bisita. Ang ginoong ito ay si Long Qi, isang heneral kasama ang hukbo ng Rui Lin, at ang dalaga naman dito ay ang Binibini ng Palasyo ng Lin, si Jun Wu Xie."
Nagulat si Ning Rui, at agad na tinago ang kanyang pagkagulat sa kanyang mga mata habang binabati ang mga bisita.
Sa malayo, ang pormal na pagpapakilala ni Fan Qi ay nagdulot ng pagmulat ng mga mata ng isang tao sa gulat.
Nang matanggap ni Fan Jin ang pagpapatawag, kagigising lang niya mula sa kanyang pagkalasing at magulo pa ang kanyang isipan nang siya'y hinatak papunta dito. Bago pa niya maisip ang mga pangyayari, narinig niya ang mga salitang "ang Binibini ng Palasyo ng Lin, si Jun Wu Xie." Nagulat siya rito at agad na tinaas ang kanyang ulo para tignan ang dalaga sa tabi ni Long Qi.
Isang sulyap lang, at hindi na maalis ni Fan Jin ang kanyang mga mata sa kanyang nakita.
Ang mga sinag ng araw ay nagniningning sa magandang dalaga, ang mainit na gintuang liwanag ay bumabalot sa kanya. Ang kanyang mahabang buhok ay madilim, habang ilang hibla ng may kulay na sedang liston ay nahabi sa mahuhusay na borlas, na dumadaan sa kanyang likod. Ang kanyang kutis ay maputi, nagniningning ng mayroong kaunting kulay ng rosas. Sa kanyang lamiit na mukha, nararamdaman na niya ang lamig, na nagpapakita ng pagpapalayo sa mga tao.
Ang isang hindi sinasadyang sulyap na iyon, ay tumatak sa isipan ni Fan Jin. Sa hinaharap, kahit na sa matagal na paglipas ng panahon, hindi niya nagawang burahin ang alaalang nakita niya ngayon.
Iyon si Jun Xie…
Nagulantang ang puso ni Fan Jin. Iba ang mga tampok ng kanyang mukha, ngunit ang lamig mula sa kanyang mga mata ay tugma sa mga mata ni Jun Xie.
Alam niyang babae si Jun Wu Xie, ngunit hindi niya inakalang ang totoo niyang anyo ay napakaganda.
Naintindihan na niya kung bakit hindi pinansin ng mga sundalo ang ganda ni Ning Xin. Dahil sa harap ni Jun Wu Xie, ang piranggot na ganda ni Ning Xin ay parang nalantang bulaklak na nahulog sa lupa.
Nakatayo si Fan Jin, hindi makabawi sa kanyang gulat.
"Masasabi nang nandito ang lahat ng may kinalaman. Napagusapan na natin ang pangyayari at ginawa na ang mga dapat gawin. Nakasisiya na ba ito para kay Binibining Jun?" Maingat na sinabi ni Fan Qi, nag-aalalang nakatingin kay Jun Wu Xie. Ang babaeng ito ay mas bata pa sa kanyang dalawang anak, ngunit nanigas ang katawan ni Fan Qi sa presensya niya.
"Matatanong ko ba, kung ano ang mga ginawa ng marangal na akademya?" Tinanong ni Jun Wu Xie.
"*ahem*... Kasama ang nanguna, si Lu Wei Jie, ang mga may salang mga disipulo ay pinaalis na mula sa Akademya at hindi na pwedeng bumalik. At sinabi ko na sa ibang mga akademya ang patungkol sa kanilang mga sirang pagkatao. Naniniwala ako na maayos na leksyon ang mga iyon." Sinabi ni Fan Qi.
Isa sa mga kilay ni Jun Wu Xie ay umangat, at ang mga kanto ng kanyang bibig ay nagpakita ng kaunting pagtawa.
"At iyon ang nararapat sa tingin ng Punong Tagapagturo?"
Napalunok si Fan Qi, at nagatubili bago tumango.
Naglabas si Jun Wu Xie ng malamig na tawa: "Ilang disipulo mula sa iyong marangal na akademya ang nagtangkang pumatay sa aming mga tauhan mula sa Hukbo ng Rui Lin at Cloud Treading Peak. Ang iyong marangal na akademya ay nangako sa amin na ibabalik ninyo ang inyong mga disipulo at aayusin, at nangako na masisiyahan kami. Ngunit ngayong binawi ng akademya ang salita nito, nais mo bang hulaan kung ako'y nasisiyahan?"
Laging malamig ang tono ni Jun Wu Xie kapag siya'y nagsasalita. At ngayon, mas malamig pa ang kanyang boses at nanginig ang lahat ng nandoon.