Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 61 - Ang Salu-salo (Pangatlong Bahagi)

Chapter 61 - Ang Salu-salo (Pangatlong Bahagi)

Ang binatang nakaupo sa tabi ng Emperador ay gwapo at kahawig si Mo Xuan Fei, gayunman ay mukha siyang mas maluwag. Nung kausap siya ng Emperador, nakakunot ang kanyang noo. Nababalutan siya ng isang pilak na sedang brokeid, ngunit medyo kaswal ang kanyang kasuotan para sa okasyon kumpara sa kanyang mga bisita, sumisilip ang kanyang panloob na puting balabal. Tamad siyang nakaupo na may hawak na kopa.

Bagaman hindi pa nagsisimula ang pista, marami na siyang nainom. Makikita sa kanyang mata ang pagkalasing ngunit mayroon pang bakas ng kamalayan.

Sa unang tingin, naramdaman ni Jun Wu Xie na may mali sa Panganay na Prinsipe pero wala siyang sinabi at nanatiling tahimik sa kanyang upuan.

Sa kabila naman ng Emperador nakaupo ang pangalawang prinsipe, katabi naman ni Mo Xuan Fei ang kanyang magandang kasama, si Bai Yun Xian. Nakangiti ang malagintong magkasintahan at magaan ang pakiramdam habang ang kanilang mga tawa'y nakadadagdag sa ligaya sa kapaligiran.

Pag tinignan mula sa bulwagan, makikita ang pagkakaiba ng Panganay at Pangalawang prinsipe.

Isang magandang senyas mula sa mga manunugtog ang nag-anyaya sa Emperador para magtawag ng isang toast. Inayos ni Mo Xuan Fei ang kanyang upo at nagbigay ng pagbati at talumpati sa kanyang kapatid at nagpakita ng pasalamat sa mga dumalo at sa mga regalo.

Ang bida ng gabi, Prinsipe Mo Qian Yuan, ay tahimik lang na umupo sa kanyang pwesto, umiinom ng alak.

"Qian Yuan, kaarawan mo ngayon, kung kailan ka isinilang. Nang ikaw at ang iyong ina ay nasa peligro, maswerte kayo't linigtas kayo ni Jun Gu! Ngayon, nnandito sila Lin Wang, Jun Qing, at Jun Wu Xie, bakit hindi ka magtawag ng toast para sa kanila?" Nakangiting tinanong ng Emperador sa tahimik na Mo Qian Yuan.

Lalong sumimangot si Mo Qian Yuan nang saglit na magisip bago kunin ang kanyang kopa at tumay, sinubukang tumayo ng deretso. Nagmukha siyang lasing sa kanyang tayong pagewang-gewang.

Maraming ministrong palihim na nangamba. Hindi maganda ang kinabukasang nakikita ng mga tao para sa susunod na haring ito at maraming nanghuhusga sa kanya.

Tinaas ni Mo Qian ang kanyang kopa: "Salamat, mga taga-Palasyo ng Lin, para sa inyong grasya." Hindi na siya naghintay ng sagot at inubos ang laman ng kanyang kopa sa isang lagok.

Biglaan ang kanyang mga kilos kaya nawalan siya ng balanse at natumba papunta sa mesa.

Inalalayan ni Jun Xian sa pagtayo ang prinsipe at inatake ng amoy ng alak ang kanyang ilong. Hindi niya napigilang magbuntong-hininga.

"Patawad." Nag-ayos si Mo Qian Yuan, sumimangot, walang malay na tinapik ang kanyang ulo, at nagsabi pa ng ilang mga salita bago bumalik sa kanyang upuan.

Tumingin si Jun Wu Xie sa kanya at may sinag na kumislap sa kanyang malalalim na mata.

"Meow!" May mahihinang ingaw na nanggaling sa kanyang mga manggas.

Bago pumasok sa bulwagan, nagtago ang maliit na itim na pusa sa kanyang maluluwag na manggas, sa kabutihang-palad, maliit siya't hindi napansin.

[Panginoon, may napakaruming bagay sa lalaking iyon!]

Malakas ang pang-amoy ng maliit na itim na pusa at nang maamoy niya ang simoy ng matapang na alak mula sa prinsipe, may naamoy pa siyang masama kasama ito.

"Mmm." Umupo si Jun Wu Xie at hindi gumalaw. Malakas rin ang kayang pang-amoy dahil magkaugnay ang kaluluwa nila at ng maliit na itim na pusa. Sa kanyang naunang mundo, ito ay dahil sa matitinding eksperimento ng taong iyon at pinalakas niya ang kanyang pang-amoy ng ilang beses. Bagaman hindi ito maikukumpara sa pang-amoy ng maliit na itim na pusa, mas sensitibo parin ito kumpara sa nasa ordinaryong tao.

Related Books

Popular novel hashtag