Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 552 - Misteryosong Itim na Bato (9)

Chapter 552 - Misteryosong Itim na Bato (9)

Gulat na tumitig si Mu Qian Fan at nang makabawi ay tumango ito.

"Lahat kami ay residente ng Chan Lin Town at talagang mananatili ako dito. Kung hahanapin niyo ako sa susunod, maaari niyo akong puntahan sa pinakadulong bahay sa South Street, ngunit..." Tiningnan ni Mu Qian Fan ang mga benda sa kaniyang katawan at mapait na tumawa: "Kung may gusto pa kayong malaman galing sakin, kailangan niyong bilisan dahil baka hindi na kayanin pa ng katawan ko."

"Malala ang pinsalang natamo mo?" Nang marinig ni Hua Yao ang sinabing iyon ni Mu Qian Fan at matukoy ang ibig sabihin noon, hindi niya napigilang magtanong.

Tumango si Mu Qian Fan. "Milagro na lang kung mabubuhay pa ako." Namatay na ang dalawa nitong kasama pabalik. Kaya naman laking gulat niya nang siya ay na nanatiling buhay pa rin hanggang ngayon.

"Patingin." Saad ni Jun Wu Xie.

Nag-alangan si Mu Qian Fan. Tumingin ito kay Jun Wu Xie at sinabing: "Talagang nakakatakot ang itsura niya, gusto mo ba talagang makita?"

Natatakot siyang makita ng bata ang kaniyang sugat at mangilabot ito.

Tumango si Jun Wu Xie.

Napabuntong-hininga si Mu Qian Fan at dahan-dahang inalis ang benda sa kaniyang kaliwang kamay.

May mga naiwang laman sa benda kaya naman. Nang tuluyang matanggal ang benda ay talaga ngang nakakapangilabot ang itsura noon.

Napasinghap ang lahat ng nasa silid dahil sa kanilang nakita.

Ang buong kamay ni Mu Qian Fan ay animo'y nabuhusan ng kumukulong mantika. May mga nana na rin ang sugat at para itong naagnas na karne. Sa daliri nito ay malapit nang makita ang buto.

Kumalat ang amoy ng dugo sa silid.

Namutla naman si Qiao Chu at ang buong grupo.

Naasiwa naman si Mu Qian Fan at akma na sanang tatakpan ang kaniyang sugat nang pigilan iyon ng isang maliit na kamay.

Nagsalubong ang kilay ni Jun Wu Xie habang nakatingin sa sugat ni Mu Qian Fan. Agng kondisyon ng sugat ni Mu Qian Fan ay katulad sa epekto nng lasong kaniyang ginawa. Ngunit mas mabilis ang pag-agnas nito kumpara ng sakaniya.

Hindi pinansin ni Jun Wu Xie ang nakakapangilabot na itsura ng sugat, sa halip ay masusi nitong sinuri ang kamay na iyon.

Ikinagulat naman ni Mu Qian Fan ang ginawang iyon ni Jun Wu Xie. Bakit ang isang batang katulad nito ay hindi man lang nagpapakita ng takot? Hindi ito umatras sa takot, bagkus ay mas lumapit pa ito para mainspeksyon ang kaniyang kondisyon. Kahit ang langit ay alam kung gaano niya pinandidirihan ang sariling sugat.

Ngunit walang pakialam ang bata sa kaniyang harapan at kalmado lang ito.

Si Mu Qian Fan na magsasalita pa sana ay sinenyasan ni Qiao Chu na manatili lang tahimik. Nginitian pa siya nito pagkatapos.

Hindi alam ni Mu Qian Fan kung ano ang kailangan sa kaniya ni Jun Wu Xie. Ngunit bilang isang taong malapit nang mamatay, hindi niya na masyadong inisip iyon. Kung hindi natatakot si Jun Wu Xie sa kaniyang mga sugat, ipapakita niya na lang ito dito.

Makalipas ang ilang sandali, bumalik sa kinauupuan si Jun Wu Xie. Malamig ang kaniyang mga tingin at nagsabing: "Gusto kong kumuha ng piraso ng iyong laman."

Hindi lang si Mu Qian Fan ang nagulat sa sinabing iyon ni Jun Wu Xie. Kundi maging si Qiao Chu at Fei Yan ay gulat na gulat din.

Kumuha ng laman?

Anong laman?

Gusto talaga nitong kumuha ng laman galing sa kamay ni Mu Qian Fan!?

Nanlaki ang mga mata ni Mu Qian Fan.

"Gusto...mong kumuha ng laman ko?" Kahit na tinanggap na ni Mu Qian Fan ang kaniyang kamatayan, labis pa rin siyang natakot sa sinabing iyon ni Jun Wu Xie.

Related Books

Popular novel hashtag