Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 553 - Misteryosong Itim na Bato (10)

Chapter 553 - Misteryosong Itim na Bato (10)

Subalit parang hindi napansin ni Jun Wu Xie ang bigat ng kaniyang hinihingi at kalmado lang na tumango.

"Sapat na ang kaunti."

Nanigas si Mu Qian Fan sa kaniyang kinauupuan. Hindi niya naiintindihan kung paanong ganito kalakas ang loob ng batang nasa kaniyang harapan. Ni hindi niya ginalaw ang kaniyang sugat at heto ito ngayon, nanghihingi ng kaunting laman niya...

Hindi ba ito nandidiri?

"Babayaran kita." Dagdag pa ni Jun Wu Xie.

Ikinumpas ni Mu Qian Fan ang kaniyang kamay at sumagot, "Hindi na kailangan. Hindi na rin naman ako magtatagal. Kung...talagang gusto mo..." Nagtiim-bagang si Mu Qian Fan saka naglabas ng kutsilyo. Damang-dama na niya ang sakit na dulot ng kaniyang mga sugat at halos hindi na siya makatulong at makakain ng mabuti dahil doon. Kaya naman ang kumuha ng kapiraso ng kaniyang laman ay hindi na ganon kasakit. Dahil sa binili ni Jun Wu Xie ang itim na batong iyon, labis iyong nakatulong sa kaniya. Kaya hindi na siya manghihingi ng dagdag pang bayad mula rito.

Akmang kukuha na siya ng piraso ng kaniyang laman nang siya ay pigilan ni Jun Wu Xie.

"Ako na ang gagawa." Saad ni Jun Wu Xie.

Hindi makapagsalita si Mu Qian Fan, inabot na lang niya ang kutsilyo kay Jun Wu Xie.

Maingat na hinawakan ni Jun Wu Xie ang kutsilyo. Alam niya kung paano humawak nito dahil sa ilang scalpel na ang nahawakan niya noon.

Nakatitig lang si Mu Qian Fan sa baliktad na paghawak ni Jun Wu Xie ng kutsilyo at nanatiling tahimik.

Ininspeksyon ni Jun Wu Xie ang sugat at nang akala ni Mu Qian Fan na hindi iyon kayang gawin ni Jun Wu Xie, agad itong pumutol ng manipis na balat sa gilid ng kaniyang kamay.

Mabilis ang galaw nito at halos hindi niya maramdaman noong gawin ni Jun Wu Xie.

Hindi kumurap si Jun Wu Xie nang kaniya iyong gawin. Hawak nito ang kutsilyo pailalim saka pumutol ng laman ni Mu Qian Fan. May inilabas itong bote at doon inilagay ang kapiraso ng laman galing sa kamay ni Mu Qian Fan.

"..." Hindi mahanap ni Mu Qian Fan ang tamang salita para ilarawan ang batang nasa kaniyang harapan.

Kumuha ng kapiraso ng laman niya ang batang ito at inilagay sa bote?

Gagawin ba nito iyong souvenir?!

Matapos itago ang boteng naglalaman ng laman ni Mu Qian Fan, may inilabas naman itong isang bote at inabot sa kaniya.

"Tatlong beses sa isang araw. Inumin mo kasunod ng maligamgam na tubig." Pagiinstruksiyon ni Jun Wu Xie.

Hindi maintindihan ni Mu Qian Fan ang nangyayari sa oras na iyon. Blanko lang itong nakatitig kay Jun Wu Xie saka bumaling sa boteng nasa kaniyang kamay.

Dahil sa sanay na si Qiao Chu sa paraan ng pagsasalita ni Jun Wu Xie, tumikhim si Qiao Chu at siya na ang nagpaliwanag kay Mu Qian Fan: "Ang gamot na iyan ay matutulungan ang iyong mga sugat. Gawin mo na lang ang kaniyang sinabi."

Nakabawi naman sa pagkagulat si Mu Qian Fan at agad na umiling: "Hindi na kailangan. Masasayang lang ang gamot na iyan sa kondisyon ko. Ang pagbili niyo sa itim na bato ay sapat nang tulong at labis ko iyong pinagpapasalamat."

Sinubukan niyang tanggihan iyon at ibalik kay Jun Wu Xie ang gamot.

Subalit tinignan lang ni Jun Wu Xie ang bote at pinatunog ang maliit na kampana sa silid. Agad namang pumasok ang tauhan sa labas.

"Maligamgam na tubig." Saad ni Jun Wu Xie.

Nakuha naman agad ng naninilbihan ang hinihingi ni Jun Wu Xie kaya naman mabilis itong lumabas at bumalik dala ang maligamgam na tubig.

"Bobong Qiao."

"Heto!"

"Ibuka niyo ang kaniyang bibig."

"..."

Namutla sa gulat ang mukha ni Mu Qian Fan. Saglit na nagdalawang-isip si Qiao Chu bago lumapit kay Mu Qian Fan at binuka ang bibig nito. Tumayo naman si Fei Yan sa isang banda at agad na kumuha ng elixir sa bote at inilagay iyon sa bibig ni Mu Qian Fan. Agad namang sinundan iyon ng maligamgam na tubig ni Rong Ruo!

Related Books

Popular novel hashtag