Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 504 - Sunod-sunod Na Sampal-Ikaapat Na Porma (4)

Chapter 504 - Sunod-sunod Na Sampal-Ikaapat Na Porma (4)

Para maligtas din ang kanyang sarili at eksaktong ganti na rin para kay Ning Xin, galit na ibinunyag ni Lu Wei Jie ang mga nalalaman niya.

"Bakit niya naman gagawin yun?" Nakasimabot pa rin ang mukha ni Long Qi. Hindi niya mawari ang mga kasunduan nila na umabot sa ganito. At baki ang hindi kanais-nais na babaeng ito ay ipinain sila sa kamatayan?

Nagkaroon ng pagkakataon si Lu Wei Jie para ibunyag ito at sumagot agad: "Katulad ni Ning Xin na komportable lagi ang buhay at sanay na nakukuha ang lahat ng gusto niya, iniisip niya na buong mundo ay maaakit ng kanyang ganda. Yun lang ang pagkakataon na nawala ang kontrol sa sarili niya at matinding galit ang naramdaman niya. Wala namang may gustong hadlangin siya. Nakita ka niya at ang mga kawal mo na may sapat ma kapangyarihan na patumbahin ang High Grade Spirit Beast ng madalian. At ang gusto niya ay makuha ka agad niya ang loob mo at dumikit sa kanya. Ngunit… paulit-ulit mo siyang hindi pinansin at mga alok nito at pakiramdam niya ay matinding kahihiyan ito para sa kanya. Nang nakapag desisyon na siyang hindi ka niya makuha, nagplano siya… nagplano…"

"Anong plano?"

"Plinano niyang akitin ang Guardian grade Spirit Beast para patayin kayong lahat. Para sa isang hakbang lang, sugpuim ang galit niya at pagkatapos umalis ng Guardian grade Spirit Beast ay nanakawin na sana namin ang mga katawan niyo. Sinabi niya na ang mga misteryosong kawal at mga lalakeng ito na magaling at may mataas na kakayahan ay mayroong dala-dala na importanteng bagay… alam din niya na ang Guardian grade Spirit Beast ay mataas na lebel ng damdamin at hindi kumakain ng tao at hinila niya kami sa kanyang planong ito." Inobserbahan ni Lu Wei Jie ang ekspresyon sa mukha ni Long Qi habang kumakabog ang dibdib niya. Sobrang takot niya magkamali kahit isang kataga lang dahil dito nakasalalay ang mga buhay nila.

Hindi sumagot pa si Long Qi at tiningnan niya ulit si Jun Wu Xie.

Iniangat ni Jun Wu Xie ang kanyang ulo at sinilayang ang maputlang mukha ni Fan Jin.

Bawat kataga ni Lu Wei Jie ay nababalatan ang pagpanggap ni Ning Xin sa lahat. Ang maskarang suot ni Ning Xin, ang mukha nitong wala dito ngayon sa sitwasyong gumimbal sa lahat na winasak anh karamihan at kagulat-gulat na rebelasyon ni Lu Wei Jie. Ang masakit at masamang katotohanan ay nagbigay linaw kay Fan Jin.

Kahit ayaw niyang maniwala dito, ang katotohanang ito ay gaya ng magang hinlalaking daliri sa kamay.

"Narinig mo ba ng maliwanag?" Tanong na malamig ni Jun Wu Xie.

Nanlamig si Fan Jin sa tanong na iyon ay inangat nito ang kanyang ulo. Walang kulay ang mukha nito at nakatayo ito ng hindi gumagalaw bago pa man siya tumango ng dahan-dahan.

Binalik na ni Jun Wu Xie ang kanyang mga paningin. Magang ipilit ito kay Fan Jin para maisip niya na hindi na ito gaya ng dati na kilala nila sa puso bilang masunurin na kapatid noong mga bata pa sila. Para na rin masalba siya sa pakikipagsundo dito dahil natural na malambot ang puso nito na pwedeng mahihirapan siyang gumanti kapag nasa Zephyr Academy na sila.

Ayaw na ni Jun Wu Xie makita ang mga ganitong sitwasyon gaya ng nangyari kay Mo Qian Yuan hanggang kay Fan Jin dahil sa kanilang paninirahan at kaawaan.

Maaring tumpak lagi si Fan Jin ngunit mas matatag siya.

"Heneral Long, dahil disipulo ito ng Zephyr Academy, siguro ay ipaubaya mo na sila sa Zeobyr Academy. Sila na amg bahala dito. Naniniwala akong bibigyan ito ng leksyon ng Zephyr Academy." Nagbago ang tono ni Jun Xie at sinabi ito kay Long Qi ng seryoso.

Nagulat si Long Qi. Nakikita niya sa gilid ng mga mata niya ang mga tingin sa kanya ng mga disipulo ng Zephyr Academy at bigka niyang naisip ang intensyon ni Jun Wu Xie.

Mukhang hindi pa binubunyag ng Young Miss ang kanyang pagkakakilanlan dito.

"Kung yan ang kaso, nakapagdesisyon akong sundin iyan. Ngunit ang bagay na ito ay hindi madaling kalimutan. Inaasahan namin na magbibigay kasagutan ang Zephyr Academy." Sa pagseserbisyo niya kay Jun Wu Xie, alam na agad ni Long Qi ang mga nais nitong ipahiwatig ng Young Miss.

Marahil ay gagamitin ito ng Young Miss kaya pinagbigyan niya ang mga buhay nito sa ngayon, pero hindi ibig sabihin nito ay papalayain niya na ang mga ito. Kapag dumating na ang kaparusahan nila ay hindi na nila ito maiiwasan!.

"Magagawa ito." Huminga na maginhawa si Fan Jin na may garantiya ang kanyang sagot.

"Ngayon, sa lugar na ito, tawagin niyo ang mga guro niyo. Alam kong lahat kayo ay disipulo ng Zephy Academy na kumukuha sa Spirit Hunt at taglay niyo ang apoy nito." Sabi ni Long Qi na may madilim na balak.