Tumango si Fan Jin, at tumingin sa takot at maputlang mukha ni Lu Wei Jie. Hindi na nagdalawang isip si Lu Wei Jie at binuhay niya ang sa kanyang baywang at pinakawalan ito agad. Lumiwanag sa taas ang apoy na ito bago sumabog at nagbigay ito ng matinding ingay na siyang ikinagalaw ng mga puno sa Battle Spirits Forest
Sa parehong pagkakataon ay nawala rin ang bagabag nila nung sumabog ang apoy, lahat ng disipulo ng Zephyr Academy ay nakahinga na ng maluwag. Nagtipon ang grupo ng mga disipulo at kinilala ang pinakamalakas na grupo sa Spirit Hunt ay ngayon pinapakawalan na ang liwanag at naging mas maliwanag ang langit.
Inisip nila na wala ng mangunguna, wala ng pinakamagaling!
Wala ng mas importante pa kundi ang mga buhay nila!
"Maiwan ang ilan sainyo dito. Kung may magtangkang tumakas ay patayin niyo agad." Hindi maghihintay si Long Qi doon ng walang ginagawa. Yung kawal na napuruhan ang braso ang naatasan at dalawa pang kawal na bantayan si Lu Wei Jie at ang natitirang kawal ay bantayan su Jun Wu Xie at ang iba pa ay magtungo na sa Spirit Moon Lake para kunin ang Aqua Spirit Grass na kailangan nila.
Sa lugar ng Spirit Moon Lake, halos bawat sulok ay tahimik at payapa. Sa loob ng masukal na kagubatan naman ay may mataas na panganib na sinasabi, ang eksenang ito na tahimik at payapaay maaring maging impyerno at dumadanak ng dugo.
Tiningnan nila Fan Jin ang palibot sa kabilang dako para maagapan ang atake ng Spirit Beasts habang si Jun Wu Xie nama'y nangunguna kasama ang tatlong disipulo mula sa Cloud Treading Peak para hanalin at kunin ang Aqua Spirit Grass.
Tama ang ala-ala ni Mu Chen na sinabi sa kanya. Sa gild ng Spirit Moon Lake,ang lupa ay nababalot ng mga berdeng Aqua Spirit Grads. Ang maliit at konting mga dahon nito ay mga malinaw na patak ng tubig na nasa dulo ng dahon. Habang kinukuha nila ang mga dahon, dapat dahan-dahan lang dahil pwede masira ang patak na tubig na parang kristal.
Sa bagay na ito, ay hindi naglakas ng loob kumuha ng iba dahil baka masira lang ito sapagkat maselan.
Iniikot-ikot lang ni Qiao Chu ang kanyang paningin sa paligid maya't-maya. Pero nainip ito at di nakatiis nilapitan si Jun Wu Xie para magtanong ng pabulong: "Little Xie, sabihin mo sa akin dali, bakit mo hinayaang hindi mamatay ang mga taong iyon?"
Kahit sino ay maiisip kapag sila na ang nada sitwasyon. Pagkatapos ng walang silbing plano para sa kanila laban sa Rui Lin Army, ay dapat patay na rin sila. Ngunit nakakagulat ang pagbigay tyansa sa buhay nila ni Jun Wu Xie.
Tumingala si Jun Wu Xie kay Qiao Chu, ayaw niyang magsayang ng oras para ipaliwanag ito pero nung inalala niya ang sabi sa kanya ni Hua Yao kanina, lumambot ang kanyang puso ng konti at mahinahong sabi: "Habang buhay sila, hindi magkakaroon ng madaling buhay si Ning Xin."
Karapat-dapat mamatay si Lu Wei Jie at ang mga kasama nito pero nasa dalawang tao ang mata nito, kay Ning Xin at Yin Yan, kung saan nagsimula ang maitim na planong ito.
Isang anak lang si Ning Xin ng Vice headmaster. Ang katotohanang tumakas siya pabalik sa Zephyr Academy ay patunay na naghahanap siya ng magpoprotekta sa kanya. Sa lahat ng pagkakataon, masaya siyang tinatamasa ang reputasyon sa Zephyr Academy at lagi siyang may sinusunod na imahe.
At Jun Wu Xie naman ay wala masyadong hilig pero gusto niyamg durugin at umungolnsa sakit ang mga kaaway niya sa harap niya mismo.
Itong guhit ng kasamaan niya noong una ay para lang uod at hindi alam kung saan nagsimula.
Kumurap si Qiao Chu. Sakto at tumbok itong ipinaliwanag ni Jun Wu Xie ngunit wala masyadong binigay na impormasyon kay Qiao Chu, pero sa pagkakaintindi niya kung paano gawin ni Jun Wu Xie ang mga bagay-bagay, nagkakaroon siya ng ideya sa mga intensyon nito!
"Sinadya mong pagsalitain si Lu Wei Jie at kanyang mga kasama para umatake at sirain ang nagniningning na reputasyon ni Ning Xin na iningatan niyang itayo ng maraming taon?"
Bilang anak ng Vice Headmaster, na gumawa ng matinding kasalanan sa pagplanong magnakaw ng pagpatay, at taksilin ang sarili niyang mga disipulo para sa.pansariling plano. Kapag lumabas ang balitang ito, hindi na magbubuhat ng daliri si Jun Wu Xie para pahirapan ito at tuluyan ng masisira na ang reputasyon ni Ning Xin sa buong Zephyr Academy.
"Binibigyan ko lang siya ng sarili niyang gamot." Ngumisi di Jun Wu Xie. Kung ano man ang nagawa sa kaniya ni Ning Xin ay sisiguraduhin niyang ibabalik niya lahat mg ito.
May oras pa siya, at dahan-dahan niyang nanamnamij ang tamis ng higanti sa mga susunod na araw.
Mainam kung huwag munang mamatay si Ning Xin agad!