Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 469 - Sunod-sunod na Sampal - Ikalawang uri (3)

Chapter 469 - Sunod-sunod na Sampal - Ikalawang uri (3)

Ang sumaklolo ay parang pagligtas sa apoy. Hindi nag-aksaya ng oras si Fan Jin, agad itong kumilos kasama si Jun Xie at ang grupo nito.

Nang madaanan ni Fei Yan ang sugatang disipulo, saglit siyang tumigil at tinignan ang pagal nitong itsura na nakasandal sa puno. Napansin ng bata na nakatitig sa kaniya si Fei Yan at siya ay nanigas.

"Tignan mo nga naman ang pagkakataon, galing ka rin sa branch division." Bulalas ni Fei Yan ng nakangiti at itinuro ang jede emblem na nasa dibdib ng disipulo. Nakita niyang ngumiti ang disipulo at marahan tumango.

Hindi na nagsalita pa si Fei Yan, agad na itong humabol sa mga kasamahan.

"Ano nanaman kayang binabalak ni Little Xie ngayon?" Mahinang tanong ni Fei Yan kay Rong Ruo. Si Rong Ruo naman ay tinakpan ang kaniyang bibig. Napangiti naman si Fei Yan dahil doon.

Nang nakita ng disipulo na nakapasok na sina Jun Xie at ang grupo nito sa kagubatan, agad itong tumayo. Nabura ang takot sa mukha nito at tinapon sa makapal na damuhan ang signal flares na binigay sa kaniya ni Fan Jin.

Pagkapasok nila sa kagubatang iyon, lumala ang amoy ng dugo. Hindi na maiguhit ang mukha ni Fan Jin dahil doon.

Kakaiba ang itsura ng paligid kumpara sa mga nadaanan nila sa Battle Spirit Forest. Mas magkakadikit ang mga puno aat mas nahirapan silang gumalaw lalo na si Rolly na may malaking pangangatawan. Walang nagawa si Jun Wu Xie kundi ang bumaba sa likuran nito at sinabi kay Qiao Chu na ibalik si Rolly sa Spirit World.

Sinusundan nila ang amoy ng dugo at mas lalo silang napupunta sa gitna ng kagubatan. Ang mga alulong ng Spirit Beasts ay maririnig sa lahat ng direksyon habang ang mga Makakapal na sanga ay hinaharangan ang sinag ng araw. Kahit na ngayon ay umaga, sa ilalim ng makakapal na dahol ay nagdidilim ang paligid. Marami ring mga baging ang nakakalat sa paligid kaya naman nilabas ni Fan Jin ang dala-dala niyang espada para putulin ang mga iyon.

Matiyaga naman siyang sinundan nina Jun Wu Xie.

Matapos nilang malampasan ang makakapal na baging at mga puno, nakarating sila sa isang tahaw na lugar. Nagkalat ang mga bali-baling sanga ng puno sa lupa. Nakatumba ang mga puno at bahagyang nasisinagan ng liwanag ang lugar. Makikita sa lupa ang bakas ng dugo. Sinundan nila ang pinagmulan ng dugong iyon at nakita nila ang mahigit sa dalawampung disipulo na nakasuot ng uniporme ng Zephyr Academy. Nakahiga ang mga ito sa lupa at dumadaing sa sakit. Puno ang mga katawan nito ng mga sugat at halos naliligo ang mga ito sa sarili nilang dugo.

Biglang bumilis ang pintig ng puso ni Fan Jin at agad na lumapit sa mga iyon.

Akmang susunod sana sina Qiao Chu nang magtaas ng kamay si Jun Wu Xie, pinapahinto sila.

"Antay lang at manood kayo." Malamig na tinignan ni Jun Wu Xie ang mga disipulong nakahandusay sa lupa. Huminga ito ng malalim, halos malasahan niya na ang dugo sa ginawa niyang iyon.

Huminto naman sina Qiao Chu at tumayo sa tabi ni Jun Wu Xie. Pinapanood nila si Fan Jin na mag-isa ng lumapit sa grupo ng mga disipulo.

Unang nilapitan ni Fan Jin ang disipulong hindi na makilala dahil sa puno ng dugo ang mukha nito. Bahagya niya itong tinayo para paupuin.

"Anong klase ng Spirit Beast ang inyong nakita? Anong nangyari dito?" Nag-aalalang tiningnan ni Fan Jin ang bata. Lahat ng mga ito ay sugatan, anong klase ng Spirit Beast ang makakagawa ng ganitong pinsala?

"Hin...Hindi ko alam...Mabilis...ang galaw non, hindi na kami nakagalaw at lahat kami ay inaatake niya. Senior Fan, tulungan mo kami." Saad ng bata habang mahigit na hawak ang kamay ni Fan Jin.

Related Books

Popular novel hashtag