Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 470 - Sunod-sunod na Sampal - Ikalawang uri (4)

Chapter 470 - Sunod-sunod na Sampal - Ikalawang uri (4)

Tumango naman si Fan Jin at mabilis niyang sinipat ang mga kasamaan nito. Marahil dahil sa sobrang sakit na nadarama ng disipulo kaya mahigpit ang pagkakapit nito sa kaniyang kamay, at nararamdaman niyang masakit iyon.

Ngunit nang binaba ni Fan Jin ang tingin para sipatin ang pinsalang natamo ng bata, tumapang ang tingin sa mga mata ng bata. Ang ibang mga disipulong nakahiga sa lupa ay nagsitalon at inilabas ang kanilang patalim at sumugod kay Fan Jin ng sabay-sabay!

Nakaramdam ng panganib si Fan Jin at lalayo sana ito ngunit mahigpit siyang hawak ng disipulo. Tinignan niya ang disipulo at nakita niyang wala na ang takot sa mga mata nito, bagkus ang itsura nito ay parang papatay.

"Senior Fan, ang araw na ito sa susunod na taon ay magiging anibersaryo ng iyong pagkamatay, kaya naman, payapa ka nang mamamahinga!" Humalakhak ng malakas ang bata. Ang kamay nito ay may suot na gwantes na labas ang mga daliri at iyon ay bahagyang umiilaw dahil sa spirit energy.

Napatigagal si Fan Jin sa gulat. Ang bata ay weapon spirit user at ang gwantes na iyon ay ang kaniyang ring spirit. Natagpuan na lang ni Fan Jin na hawak-hawak siya ng disipulo at hindi na makatakas!

Sa kabilang banda, ang iba pang mga disipulo ay papalapit na sa kaniya para siya ay atakehin! Maya-maya lang ay napansin ng batang humawak kay Fan Jin na siya ay nakahawak sa ere. Nang kaniya iyong mapagtanto, wala na sa kaniyang kamay si Fan Jin at ang daliri sa kaniyang kamay ay malinis na naputol! Pumulandit ang dugo sa kamay na wala nang daliri!

"AARGH!" Isang nakakabinging sigaw ang kumawala sa bata habang hawak nito ang kamay saka natumba sa lupa.

Isang parang kidlat ang nasa tabi ni Jun Wu Xie at nang tumigil iyon, nagpakita ang nakangising mukha ni Fei Yan. Nakahawak ito sa na estatwa nang si Fan Jin.

Bakas ang gulat sa mukha ni Fan Jin, hindi pa rin ito nahihimasmasan sa nangyari.

Ang batang naputulan ng mga daliri ay umuungol pa rin sa sakit na nararamdaman nito. Ang mga disipulong aatake sana kanina kay Fan Jin ay nakatayo at naguguluhan. Ang dalawampung disipulong nakahiga sa lupa kanina, ngayon ay lahat nakatayo. Nakatingin ang mga ito kay Fan Jin na nakatayo sa tabi ni Jun Wu Xie.

"A...anong nangyayari dito?" Tanong ni Fan Jin sa mga kabataang maayos na ang kondisyon. Sa kaniyang nakikita ngayon, parang walang pinsalang natamo ang mga disipulong ito. Ang mga dugo sa katawan nito ay nilagay at kinalat lang doon.

"Malinaw na ito ay isang patibong." Sabi ni Qiao Chu saka tumayo sa tabi ni Fan Jin. Tinapik-tapik niya ang balikat nito. "Akala ko ay napagtanto mo na iyon at nagpapanggap lang. Mukhang hindi mo talaga alam?"

"Anong...hindi ko alam?" Naguguluhan ang isip ni Fan Jin at hindi pa niya tuluyang napagtatanto ang mga nangyayari.

"Hindi talaga kailangan ng tulong ng mga kabataang ito. Ang dahilan kung bakit sila narito ay para patayin ka." Paliwanag ni Qiao Chu sa kaniya.

"Ano!?" Biglang tinakasan ng kulay ang mukha ni Fan Jin nang makita niyang papalapit na sa kanila ang dalawampung disipulo. Lahat ng ring spirits ng mga ito ay natawag na.

"Fan Jin, mangarap kang nakalabas ka ng buhay sa Battle Spirits Forest ngayon. Kung ayaw mong idamay ang mga kasama mo, isuko mo na lang ang sarili mo sa amin." Saad ng lider ng kabataang iyon. Ang mga mata nito ay nanlilisik na nakatitig kay Fan Jin.

Related Books

Popular novel hashtag