Natutuwa naman si Jun Xie habang ito ay nakaupo sa balikat ni Rolly. Nasisiyahan siyang hawakan ang makapal na balahibo Rolly ng biglang nagsalubong ang kaniyang kilay. Nakaamoy siya ng dugo na dinadala dito ng hangin!
"Tigil!" Biglang saad ni Jun Wu Xie.
Agad namang tumigil ang grupo.
"Ano 'yon?" Nalukot ang mukha ni Fan Jin, ito ay nag-aalala.
"Nakakaamoy ako ng dugo." Sagot ni Jun Wu Xie. Nakakunot ang noo nito.
"Spirit Beasts?" Umikot si Qiao Chu at suminghot-singhot ngunit wala siyang naamoy na kakaiba.
"Dugo ng tao." Saad ni Jun Wu Xie. Halos wala na ang amoy na iyon at kung hindi sila gagalaw ng papalayo sa direksyon ng hangin, hindi nila maamoy iyon. Dahil sa ang amoy na iyon ay dala ng hangin at hindi iyon ganon katapang, naisip ni Jun Wu Xie na malayo sila sa pinanggalingan noon. Tumingala siya at tinignan ang mga dahong itinatangay ng hangin. Nasa dulo na sila ng mapa, kung sila ay magpapatuloy pa, sila ay lalabas na sa teritoryong minarkahan ng Zephyr Academy.
Sumunod naman sina Qiao Chu sa tinitignan ni Jun Xie. Ang parteng iyon ng gubat ay mas mayayabong ang puno. Mahigit sa sampung metro ang taas ng bawat puno at makakapal ang mga dahon nito kaya naman natatakpan nito ang liwanag.
"Galing ba doon?" Tanong ni Qiao Chu.
Tumango si Jun Wu Xie.
"Puntahan ba natin at tignan?" Nasasabik si Qiao Chu na mayroon na silang gagawin. Ang minarkahan ng Zephyr Academy ay may mga mababang antas lang ng Spirit Beast at wala man lang kahirap-hirap. At dahil sa napakalaking pigura ni Rolly, wala silang nakakasalubong na mga Spirit Beasts. Pag nagpatuloy pa ito, mababaliw na si Qiao Chu dahil sa pagkabagot.
Tumingin si Jun Wu Xie kay Fan Jin. Wala siyang ibang layunin sa Battle Spirits Forest kundi ang kumuha ng kanilang puntirya.
Sandali ng natahimik si Fan Jin bago nagsalita: "Ang lugar na iyan ay patungong center region ng Battle Spirits Forest, hindi lang matataas na antas ng Spirit Beasts ang nagpapagala-gala diyan, kundi baka makaengkwentro niyo rin ang Guardian Grade Spirit Beasts. Sigurado ba kayong gusto niyong magpunta diyan?"
"Guardian Grade Spirit Beasts?" Tanong ni Qiao Chu na nakataas ang isang kilay.
"May sabi-sabing ang mga Guardian Grade Spirit Beasts ay malalakas at kahit na ang purple spirit users ay tumatakbo palayo sa kanila. Hanggang ngayon, wala pang nagtatagumpay na makakuha ng Guardian Grade Spirit Beast." Nang banggitin ni Fan Jin ang Guardian Grade Spirit Beast, hindi niya mapigilang lukuban ng takot.
Wala pang nangangahas na kalabanin ang Guardian Grade Spirit Beast.
Nasabik kanina si Qiao Chu na puntahan iyon, ngunit nang marinig nito ang babala ni Fan Jin, siya ay makikitaan ng silakbo.
Ang ilan sa kanila ay maaaring gumamit ng paraan para pilitin ang spiritual power sa kanilang katawan na abutin ang purple spirit level, ngunit saglit lang iyon at umuubos ito ng kanilang spiritual power. Kung hindi lang para is alba o sagipin ang buhay ng kanilang kasama, hindi nila gagawin iyon.
"Ehem, tingin ko ay tumungo na lang tayo at maghanap sa ibang parte." Praktikal na saad ni Qiao Chu. Kahit na wala siyang ideya kung talaga ngang nakakatakot ang mga Guardian Grade Spirit Beasts gaya ng sabi ni Fan Jin, ayaw niyang ubusin ang kaniyang spiritual power sa lugar na ganito.
Subalit nakatitig pa rin si Jun Xie sa malawak na kagubatan. Nang akmang tatalikod na sana siya, isang lalaking duguan ang lumabas sa mga punong iyon. Ang suot nito ay ang uniporme ng Zephyr Academy!
Tumatakbo ito ng mabilis at ang mukha nito ay punong-puno ng takot, sabay na sumisigaw ng napakalakas. Ilang beses itong nadapa at gagapang patungo sa direksyon nina Fan Jin.
Marahil dahil sa pagkabigla, ngunit nang makita ng disipulo si Fan Jin na nakasuot din ng uniporme ng Zephyr Academy, nagsimula itong umiyak at tumatawag ng saklolo.
"Tulong! Tulong!" Muling nadapa ang bata sa harap ni Fan Jin at hinawakan nito ang laylayan ng damit nito at nagmamakaawang humingi ng tulong.