Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 468 - Sunod-sunod na Sampal - Ikalawang uri (2)

Chapter 468 - Sunod-sunod na Sampal - Ikalawang uri (2)

Gulagulanit ang kasuotan ng disipulo at mayroon itong malaking sugat na saad hanggang buto. Punong-puno ito ng sugat at hindi mo maatim na tignan. Ang mukha nito ay namumutla sa takot. Kung titignan ang ekspresyon sa mukha nito, siguro ay kulang ang takot para ilarawan ang nararamdaman nito.

Ang direksyong pinanggalingan ng disipulo ay nasa labas ng hangganan sa mapa na binigay ng Zephyr Academy. Wala dapat disipulo ng academy ang tumungo doon.

"Anong nangyari?" Tinulungang tumayo ni Fan Jin ang disipulo at napansin na nanginginig ito sa takot. Utal-utal itong nagsalita: "Spirit Beast...iyon ay Spirit Beast...Mayroong malaking Spirit Beast doon! Malaki!" Nanginginig ang disipulo at parang wala sa sarili bago nito napagtantong si Fan Jin ang kaniyang nasa harapan. Nang mapgtanto niya iyon ay bumalik ang kaniyang ulirat at umiyak: "Senior Fan! Tulungan mo ako! Pakiusap iligtas mo ako!"

"Mayroon pa bang taong naroon?" Tanong ni Fan Jin na nag-aalala. Ang center region ng Beast Spirits Forest ay ang lugar na walang nangangahas na puntahan. Anong ginagawa ng mga disipulong iyon doon?

"Oo...ma...marami kami...Senior Fan, pakiusap bilisan niyo at iligtas niyo sila..." Umiiyak ang disipulo sunod-sunod ang pagtulo ng luha nito.

Tahimik lang si Jun Wu Xie habang tinitignan ang nasa paanan ni Fan Jin. Walang kahit na anong bahid ng emosyon ang mababakas sa mga mata nito.

Tumingin naman si Fan Jin kay Jun Xie na parang nanghihingi ng opinyon dito. Hindi niya alam kung anong klase ng Spirit Beasts ang naengkwentro ng mga disipulong iyon. Malaki ang posibilidad na iyon ay isang champion grade Spirit Beast. Kung gayon, malaki rin ang tsansang hindi sila lahat makatakas.

Iligtas o pabayaan?

"Gusto mo bang iligtas sila, Senior Fan?" Biglang tanong ni Jun Wu Xie.

Nagdalawang-isip si Fan Jin ng ilang saglit. "Pare-pareho naman tayong galing sa iisang academy." Ang disipulong nasa harapan ni Fan Jin ay nakakapit pa rin sa damit nito. Kaniyang nararamdaman ang dugong nanuot sa kaniyang damit.

Hindi agad sumagot si Jun Wu Xie bagkus ay tumitig lang sa disipulo, maya-maya ay marahan siyang nagsalita: "Kapag nalagay ka sa ganoong panganib, bakit hindi mo ginamit ang signal flare?"

Bago sila pumasok ssa Battle Spirits Forest, lahat ng disipulo ay binigyan ng dalawang signal flare para kanilang magamit kung may mga emergency na katulad nito.

Tumingala ang disipulo at hindi siya na kapag salita ngg ilang saglit nang makita ang napakalaking Yin Yang Bear. Bumakas ang gulat sa nahihintakutan nitong mata. "Makakapal ang mga sangay at katawan ng puno doon, hindi namin magamit ang signal flare doon." Matapos niyang sabihin iyon inilabas nito ang gamit nang signal flare at pinakita sa grupo.

Sa mga rehiyon kung saan matataas ang mga puno at magkakalapit, hindi magiging epektibong gamitin ang signal flare doon. Ang mga signal flare na binigay ng Zephyr Academy ay epektibo lang sa lugar na minarkahan sa mapa. Mas kaunti ang mga puno at mas mababa kaya hindi nito mahaharangan kapag ginamit dito ang signal flare. Ngunit kapag lumayo pa ang mga disipulo at nagpunta sa center regions ng Battle Spirits Forest, hindi imposibleng mangyayari ang ganitong bagay.

Nagpatuloy si Jun Wu Xie sa pagtitig sa disipulo, huminto sa duguang mukha nito ang kaniyang tingin at sa wakas ay nagsalita ito: ""Kung gayon ay tara na."

Nakahinga ng maluwag si Fan Jin dahil sa sinabing iyon ni Jun Wu Xie. Ngunit sina Qiao Chu naman at mga kasama nito ay nagtinginan lang na para bang sila ay nag-uusap gamit ang isipan lang.

"Ito ang signal flare ko. Ililigtas na namin sila. Paputukin mo iyan pag naroon na kami at ang Gurong inatasan para magbantay ay pupunta sa'yo." Binigay ni Fan Jin ang kaniyang signal flare pati na rin ang gamot na dala niya.

Agad namang Tumango at nagpasalamat ang disipulo.

Related Books

Popular novel hashtag