Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 459 - Magkakasunod na Sampal – Ang Unang Yugto (6)

Chapter 459 - Magkakasunod na Sampal – Ang Unang Yugto (6)

Nagsimualang manginig si Li Zi Mu dahil sa malamig na titig ni Jun Wu Xie.

'Inasam ni Jun Xie ang matutunan ang Spirit Healing technique? Isa siyang hangal!'

Napagtanto na ngayon ni Li Zi Mu. Nakakatawa ang mga salitang sinabi niya para siya ay palayain. Ang angking

kakayahan ng Spirit Healing na ipinamalas ni Jun Xie ngayon ay hindi mababa sa kakayahan ni Gu Li Sheng. Sa

kakayahang mayroon si Jun Xie, hindi siya nito kailangan pang magmakaawa kay Gu Li Sheng.

Nauubos na ang lakas ni Li Zi Mu. Hawak-hawak sa magkabilang gilid ni Hua Yao at Qiao Chu si Li Zi Mu. Ang kaniyang

mga mata ay puno ng pagsisisi.

Ibnigay niya na lahat ng makakaya niya para lang makamit ang matagal na niyang minimithi samantalang si Jun Xie ay

walang kahirap-hirap na tinaglay ito. Tingin niya sa sarili niya ay isang malaking hangal dahil ang natatanging tao na pilit

niyang sinisira ay higit na mas makapangyarihan pa kaysa sa kaniya. Bakit nga ba siya nahumaling na mapabilang sa Spirit

Healer faculty? Natanggap nga siya ngunit ano ang kabuluhan nito? Isa pa ring siyang walang kwentang basura na hindi

marunong ng Spirit Healing technique.

Ang angkin kapangyarihan na taglay ni Jun Xie na nasaksihan niya ay isang malakas na sampal sa kaniya, dinudurog ang

toreng itinayo niya para sa sarili.

Wala siyang kahit anong natutunan, tinitingala lamang siya ng nakararami dahil sa pagkakatanggap niya sa Spirit Healer

faculty. Kahit sa metikulosong pagtuturo at instruksiyon ni Gu Li Sheng, wala ni kahit ano siyang natutunan.

Habang si Jun Xie na may angking kakayahan na ng Spirit Healing ay pinahirapan ng lahat at pinasakitan dahil lamang sa

isang hindi pagkakaunawaan noong pagpapatala ng mga disipulo sa academy.

Akala ni Li Zi Mu ay higit siyang magaling kaysa sa kay Jun Xie sa lahat ng bagay ngunit kabaliktaran nito ang nangyari.

Malamang iniisip ni Jun Xie na isa siyang malaking hangal.

Si Jun Wu Xie ay dahan-dahang naglalakad palapit kay Li Zi Mu, at walang magawa si Li Zi Mu kung hindi ang manginig

tulad ng mga dahon na dinaanan ng hangin habang ang mukha niya ay naubusan na ng kulay at ang kaniyang mga mata

ay nanlalaki, hindi nkayang umiwas ng tingin kay Jun Xie.

"Huwag… Huwag… kang lalapit sa akin…" ang boses ni Li Zi Mu ay nanginginig nang lukobin siya ng takot. Bigla niyang

nilingon si Fan Jin at sumigaw "Senior Fan! Tulongan mo ako! Gusto akong patayin ni Jun Xie! Papatayin niya ako!

Arrrgghh! Isa akong disipulo ng Spirit Healer faculty! Kung ako ay inyon papatayin, hindi palalampasin ito ng aking

Master!"

Walang nagawa si Li Zi Mu kung hindi ang humingi ng tulong kay Fan Jin.

Magkasalubong ang kilay ni Fan Jin na inangat ang ulo para tingnan si Li Zi Mu.

0

"Kun g tutuosin, si Jun WU Xi ang napili ni Gu Li Sheng sa una pa lamang. At dahil sa kung anong dahilan, hindi maaring

makita si Jun Xie na kabilang sa Spirit Healer faculty. Ikaw ay kinuha lamang ni Gu Li Sheng para matakpan ang kaniyang

mga plano. Kung hindi ka nagkalat ng malisyosong balita na wala namang katotohan, maaaring manatili ka sa Spirit

Healer faculty at hindi sana ito nangyari. Hindi ka dapat naninira ng kapwa para lang maiangat ang iyong sarili."

Kaaawaan niya sana si Li Zi Mu ngunit nang inisip niya ang mga ginawa ni Li Zi Mu, nawalan siya ng rason para

makisimpatiya rito.

Malamig man na tao si Jun Xie pero hindi madaling kumbisihin ito sa mga bagay na napagdesisyonan na niya. Namuhay

siya bilang isang independente.

Kung ito ay nangyari sa ibang disipulo, mas pipiliin ng mga ito ang umalis sa Zephyr Academy.

Ang pag-alis sa Zephyr Academy ay nangangahulugang binibitawan nila ang tiyansa na maging matagumpay. Nang

ikinalat ni Li Zi Mu ang malisyosong kwentong iyon sa buong academy, inisip niya kayang makakasira ito ng kinabukasan

at pangarap ng isang tao?

"A… ano…" si Li Zi Mu ay walang masabi. Hindi niya naisip na ang katotohanan ay magkakaganito!

Related Books

Popular novel hashtag