Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 460 - Magkakasunod na Sampal – Ang Unang Yugto (7)

Chapter 460 - Magkakasunod na Sampal – Ang Unang Yugto (7)

"Ngayon naiintindihan mo na, kung hindi dahil kay Jun Xie hindi ka matatanggap sa Spirit Healer faculty dahil hindi mo

taglay ang mga katangian na hinahanap nila." Saad ni Fan Jin na mariing tinitingnan si Li Zi Mu, ang kaniyang mukha ay

puno ng kalungkutan at pagsisisi.

Ibinuka ni Li Zi Mu ang kaniyang bibig ngunit wala siyang masabi.

Natanggap siya sa Spirit Healer faculty nang dahil kay Jun Xie at malakas pa ang loob niyang magkalat ng kasinungalingan

tungkol kay Jun Xie…

"Para lang kaalaman mo, yung bote na ibinato mo sa jackal kanina ay pagmamay-ari ni Little Xie." Sabi ni Qiao Chu na

may ngiti sa mga labi, hindi mapigilan niyang gatulan pa ang pigurang nasa harap niya.

Yumuko si Li Zi Mu sa kahihiyan.

"Ang hangal na ito ay sadyang magaling pag-apak sa ibang tao para lang maiangat nito ang kaniyang sariling kapakanan."

Sabi ni Fei Yan habang patagildi nito binibigyan ng mapang-uyam na tingin si Li Zi Mu nahalos makaihi na sa kaniyang

salawal sa sobrang takot.

"Patawad… patawarin niyo ako… alam ko na ngayon ang mga pagkakamali ko… parang awa mo na… huwag mo akong

patayin… gagawin ko ang lahat nang ipapagawa mo…" ngayon lamang nakaramdam ng ganitong takot si Li Zi Mu.

Ngunit…

Hindi matatanggap ni Jun Xie ang kaniyang paghingi ng tawad. Malamig niyang tinitigan si Li Zi Mu na tila ba wala nang

buhay ito.

"Tawagin mo ang iyong ring spirit." Utos ni Jun Xie.

"Patawad, patawarin mo ako…" paulit-ulit na usal ni Li Zi Mu.

Nainis si Fei Yan kung kaya naman ay sinuntok niya ito ng malakas sa sikmura!

"Oof!"

Agad na sumuka ng dugo si Li Zi Mu! Ang dugo ay may kung anong nakahalong hindi matukoy na likido galing sa loob ni

katawan nito.

Malakas na lumunok si Qiao Chu. Kahit sa murang edad, si lakas ni Fei Yan ay hindi pangkaraniwan. Hindi pa ni Fei Yan

ibingay ang buong lakas niya sa pagsuntok kay Li Zi Mu pero ang masama na ang naging epekto nito kay Li Zi Mu.

0

"Tama na… tatawagin ko na ang ring spirit ko…" malaki ang nagawang pinsala ng isang suntok na iyon kay Li Zi Mu.

Umiiyak siya sa sakit habang tinatawag niya ang kaniyang ring spirit.

Wala mang kwenta si Li Zi Mu pero ang kaniyang ring spirit ay nabibilang sa magandang antas.

Isang puting lobo na ring spirit ang lumabas. Pagkalabas ng puting lobo, ang mga mata ni Li Zi Mu ay napuno ng

pagkamuhi. Ang puting lobo ay mabilis na inatake si Jun Xie, pinupuntirya ng malaki nitong nguso ang leeg ni Jun Xie!

Sa isang kisap mata, isang puting ilaw galing sa kamay ni Jun Xie ang sumabog sa harap niya. Sinalubong ng puting ilaw

ang atake ng puting lobo.

Nakakaawang umalulong ang puting lobo.

Isang namumula ang mukha na lalaki ang biglang sumulpot. Ito ay mayroon magandang pangangatawan at gwapong

mukha at nakasuot ng puting roba. Ang isang kamay nito ay may hawak na bote ng alak habang ang isa naman ay

nakahawak sa leeg ng puting lobo at itinaas sa ere. Ang magagandang mata nito na halos nakapikit na dahil sa kalasingan

at ang mukha niya ay nagpapakita ng pagkayamot.

"Tsk, pinagtatakahan ko… isang nasa ikalimang antas na puting lobo lamang at malakas ang loob mong umatake sa aking

amo?! Kinakamuhian mo yata ang mabuhay, hindi ba?" Ngumisi ang lasing na Lotus at ang kalahating nakapikit na mga

mata nito ay naging malamig at puno ng pagkasabik sa pagkitil ng buhay. Hinigpitan nito ang pagsakal sa leeg ng puti na

lobo at ang lobo ay pilit na kumakawala, walang kahit na anong tunog ang maririnig mula rito.

Muling nagulantang ang namumutlang si Li Zi Mu nang makita niya ang lalaking nakasuot ng puti na roba na biglang

sumulpot. Huling tumaya siya sa kaniyang puti na lobo, umaasang maisasalba siya nito ngunit hindi niya inakalang ang

kaniyang ring spirit na kabilang sa ikalimang antas ay madaling matatalo ng isang lalaki gamit lamang ang isang kamay

nito!

Ang huli niyang pag-asa ay mabilis na natalo, wala nang nagawa si Li Zi Mu kung hindi ang tumitig sa lasing na lalaking

iyon.

"Suko ka na?" inangat ni Jun Xie ang kaniyang ulo at tinitigan si Li Zi Mu.

"Patawad… hindi na ako uulit…" ang kaniyang puting lobo ay hawak-hawak pa rin sa leeg ng Drunk Lotus.

"Little Black." Malamig na tawag Jun Wu Xie.

"Patayin mo na siya."

Pagkatapos niyang bitawan ang mga salitang iyon, ang maliit na itim na pusa ay tumalon mula sa kaniyang balikat at

nagpalit ng anyo na isang malaking itim na halimaw at sinunggaban ang nahuhumiyaw sa takot na si Li Zi Mu!