Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 441 - Ang Masarap Na Mamamatay Tao (3)

Chapter 441 - Ang Masarap Na Mamamatay Tao (3)

Nang hapon na iyon, si Fan Zhuo ay nagkaroon ng panibagong relapse. Higit na malakas kaysa mga naunang relapse na kahit si Ah Jing ay nasadlak sa lupa sa sobrang pagkabigla. Magtatawag na sana si Ah Jin ng manggagamot para maagapan si Fan Zhuo, himala na biglang umayos ang pakiramdam ni Fan Zhuo. Pinakalma pa ni Fan Zhuo si Ah Jing.

Sa sumunod na araw, pagkatapos maihatid ang mga pang araw-araw na sangkap ng pagkain sa kusina, pinakiusapan ni Jun Wu Xie si Fan Jin na kumuha ng kaunting piraso ng mga sangkap. Maingat niyang sinuri ngunit wala siyang mahanap na kahina-hinala. 

"Ang gumagawa nito ay masyadong maingat. Walang kahit ano sa pagkain natin araw-araw." Tiningna ni Jun Wu Xie ang labanos na nasa kaniyang pinggan at initsa niya ito kay Fan Jin.

Sinalo ito ni Fan Jin at binalibaliktad upang suriin ng maigi, at pagkatapos kinagatan niya ito at nginuya.

"Mukhang ang gusto ng taong may gawa nito ay magkaroon lamang ng minsanang relapse si Little Zhuo upang pahabain ang oaghihirap nito bago tuluyang kitlin ang buhay nito. Lahat ng ito ay parte ng kaniyang plano." Lumiit ang mga mata ni Fan Jin habang tinitingnan ng maigi ang labanos na tila ito ang taong nanglalason at kinagatan niya ng malaki ang labanos pagkatapos.

"Ang magagawa nalang natin ay maghintay sa susunod niyang mga galaw." Bumuntong hininga si Fan Zhuo, nahahapo sa mga nangyayari.

Habang nag-uusap ang tatlo, nakuha ang atensiyon nila ng mga sigaw sa labas ng maliit na puno ng kawayan.

"Jun Xie! Nakakasuka ka! Pagkatapos mong gumawa ng nakakahiyang kaguluhan, magtatago ka dito?! Umalis ka na ng Zephyr Academy!"

"Jun Xie! Kahit si Fan Jin at Fan Zhuo ay hindi ka maipagtatanggol. Akala mo hindi lalabas ang mga ginawa mong kasalanan! Lahat ng pinag-gagawa mong mapanlinlang at nakakahiya ay alam na ng lahat!"

Hindi na maipinta ang mukha ng magkapatid na Fan dahil sa mga sigaw na naririnig. 

Naglakad palabas ang tatlo.

Pagkalabas nila, nakita nila ang iilang disipulo na nakatayo sa labas at sumisigaw.

Galit na tiningnan ni Fan Zhuo ang mga disipulo.

Ang lugar na ito na puno ng tanim na kawayan ay inilaan ni Fan Qi para lamang sa pagpapagaling ni Fan Zhuo at hindi maaring pumasok ang ibang tao dito. Kahit ang mga guro ay hindi maaring pumasok dito pati na rin ang mga disipulo sa kahit na anong kagawaran. Kaya nakapagtataka dahil nasa loob mismo ng bakuran ang mga disipulo at nagsisisigaw at sinusumpa si Jun Xie!

Ang pangunahing pintuan papuntang bakuran ay nakabukas kaya walang pag-aalinlangang pumasok ang mga disipulong ito.

"Ah Jing!" Sinuri ni Fan Jin ang sitwasyon at alam niya na kuyng paano ito nangyari.

Kung walang may nagbukas ng pintuan galing sa loob, hindi makakapasok ang mga disipulong nangugulo!

Tumatakbo si Ah Jing galing sa kusina, ang malinis niyang mukha ay may kaunting pagkataranta.

"Bakit nakapasok ang mga iyan?! Nakalimutan mo ba ang mahigpit n autos ng Headmaster?!" galit na tiningnan ni Fan Jin si Ah Jing. Maliban sa ang mukha nito na hindi maipinta, walang utos si Fan Zhuo na hindi ginawa ni Ah Jing. Ngunit ang kaganapan ngayong araw ay sumagad sa pasensiya nila!

Gulat ang mababatid sa mukha ni Ah Jing nang makita niya ang mga nakapasok na disipulo at tiningnan ang nakabukas na pintuan bago nagsabing "Nagwawalis ako kanina sa mabatong daanan sa labas nang bigla kong maalala na may naiwan akong niluluto sa kusina. Kaya mabilis akong pumunta ng kusina at marahil nakalimutan kong isara ang pinto. Hindi ko alam kung bakit pumasok ang mga taong ito sa loob."

Pagkatapos sabihin iyon, naglakad si Ah Jing palapit sa mga nakapasok na disipulo at itinaboy ang mga ito palabas ng bakuran. Ang mga disipulong iyon ay hindi tumigil sa pagsigaw habang palabas at itinuturo si Jun Xie.

Walang emosiyon ang mababatid sa mukha ni Jun Wu Xie at nakita niya ang pagsisisi sa mga mata ni Ah Jing habang nagpapaliwanag kay Fan Jin sa nangyari. 

Parang ang taong ito ay may matinding pagkamuhi sa kanya.

"Jun Xie, kung totoo ngang inosente ka,hindi ka magtatago ng ganito dito! Lumabas ka rito at magpakalalaki ka!" walang tigil sa pagsigaw ang mga disipulo habang pinapalabas.

Mas lalong umasim ang mukha ni Fan Jin dahil dito. 

Related Books

Popular novel hashtag