Ang akala nila ay tahimik at mapayapa ang pananatiuli nila sa taniman ng mga kawayan. Hindi sumagi sa isip niya na may mga disipulong may lakas ng loob na papasok at sisira sa katahimikan sa loob.
Bigong tinitigan ni Fan Zhuo si Ah Jing dahil sa nagawa nito kanina.
"Ah Jing, kapag nangyari muli ang insidenteng ito, maiging bumalik ka na lamang sa academy." Huminga nang malalim si Fan Zhuo. Matagal na niyang nakasama si Ah Jing at kung tutuusin, halos magkasabay na din silang lumaki. Palaging inuuna ni Ah Jing ang kapakanan ni Fan Zhuo kaysa sa kaniyang sarili. Kahit hindi ito masyadong matalino, ang katapatan nito kay Fan Zhuo ay hindi masusuklian. Ngunit, simula nang gamutin ni Jun Wu Xie si Fan Zhuo, ang kondisyon nito ay bumubuti na. Ngunit hindi pa rin maiwasan ni Ah Jin ang maniwala sa mga sabi-sabi tungkol sa kay Jun Wu Xie.
Blangko ang ekspresiyon ni Ah Jing habang nakatayo nang nakita niyan ang malamig na titig ni Fan Zhuo sa kaniya. Pakiramdam ni Ah Jing ay tinaman siya ng kidlat, kumuyom ang kaniyang mga palad habang inilipat ang mariing tingin kay Jun Wu Xie.
Tinapunan ng tingin ni Jun Wu Xie si Ah Jing, pumitas ng dahon ng kawayan at inilagay sa tapat ng kaniyang mga mata bago naglakad palayo ng walang kahit anong sinasabi.
Ang magkapatid na Fan ay sumunod kay Jun Xie papasok ng kubo at maingat na inobserbahan ni Fan Zhuo si Jun Xie. Ngunit wala siyang napansin na kakaiba at hindi din bakas ang galit dito.
"Little Xie, Ano ang ibig sabihin ng ginawa mo kanina?" napansin ni Fan Zhuo ang paglagay ni Jun Xi eng dahan sa tapatb ng kaniyang mga mata.
"Hindi ko makita ang kagubatan dahil sa mga puno." Nagsalin si Jun Wu Xie ng tsaa at umupop habang dahan-dahang humigop ng tsaa. Nagpalit ng tingin ang magkapatid na Fan at agad nilang naintindihan.
Marahil ay naramdaman ni Jun Xie ang pagkailang ni Ah Jing simula pa lamang noong una at sa insidente ngayon. Marahil ay naisip na rin ni Jun Xie ang iniisip nila ngayon. Walang sinabi si Jun Xie at nagbigay na lamang ng kaunting pahiwatig bilang tugon sa mga naging asal ni Ah Jing ngayong araw.
"Huwag mong didibdibin ang nangyari ngayong araw. Pinapangako ko na hindi na muling mauulit ang nangyari kanina." Marahang umubo si Fan Jin at mangat na binitawan ang mga salita. Kung ibang tao iyon, marahil ay nabigyan niya ito ng litanya. Ngunit dahil sa hindi matibag na katapatan ni Ah Jing kay Fan Zhuo sa ilang taon nitong paglilingkod, hindi niya magawang pagalitan ito ng sobra.
Tinapunan ni Jun Wu Xie ng tingin si Fan Jin ngunit nanatiling tahimik.
Pinapangako na hindi na mauulit?
Umarko ang gilid ng labi ni Jun Xie pero walang init sa ngiti nito.
Dalawang araw makalipas ang insidenteng iyon, gaya ng inaasahan, may mga disipulong nakapasok muli ngunit sa pagkakataong ito, ibang grupo ng disipulo na naman ang pumasok. Ang mga isinisigaw nila ay katulad lang din noong nakaraan.
Sa pagkakataong ito, hindi nagpakita si Ah Jin at hinayaan lang ang mga sigaw.
Wala si Fan Jin at tanging si Fan Zhuo at Jun Wu Xie lamang ang naroon. Tumayo na si Fan Zhuo upang patahimikn at paalisin ang mga nagsisisigaw ngunit pinigilan siya ni Jun Wu Xie.
"Hayaan mo na sila." Saad ni Jun Wu Xie.
"Hindi ka ba nagagalit?" tumitig si Fan Zhuo kay sa walang emosyong mukha ni Jun Wu Xie at hinahangaan niya ang haba ng pasensiya ni Jun Xie.
"Nakikinig ako." Sagot ni Jun Wu Xie.
"Nakikinig saan?"
"Para malaman kung ano ang pakay ng tao sa likod ng lahat ng ito." Nakatitig si Jun Wu Xie sa kaniyang tsaa, nakatuon ang mga mata sa dahon na nakalutang sa gitna ng tasa. Marahang itinulak ng daliri ni Jun Xie ang palutang-lutang na dahon, at ang tsaa ay bahagyang umalon dahil sa ginawa.
Hindi sumagot si Fan Zhuo dahil hindi maintindihan kung ano ang tinutukoy ni Jun Wu Xie.
"Ang araw ng Spirit Hunt ay mabilis na papalapit na." Tiningala ni Jun Wu Xie ang mga bintana, nakatitig sa berdeng mga kawayan sa labas.
"Tama ka." Hindi maintindihan ni Fan Zhuo kung ano ang nasa isip ni Jun Xie.
"Panahon na." Bumalik ang tingin ni Jun Xie sa loob ng silid. Dumating na ang puntong hinhintay niya. Natapos na niyang baguhin ang Spirit Healing technique. At dumating na ang tamang panahon.
"Little Xie?" ang mga mata ni Fan Zhuo ay nanatiling nakatitig kay Jun Xie. Pakiramdam niya may sumapi kay Jun Xie at mukhang iba ang kaniyang kilos sa nakasnanyan nilang asal ni Jun Xie. Ang hindi matitibag na kalmadong si Jun Xie ay tila nagbabago at ang kaniyang mga mata ay nakakapanindig balahibo kung tumitig.