Napakahina na ng katawan ni Fan Zhuo at hindi niya kakayanin ang malalang paggamot, ngunit ang mga kapighatian sa kanyang katawan ay malala at kung hindi masugpo ng malakas na gamot, ay titigil siya sa paghinga. Ginamit ni Jun Xie ang sarili niyang pamamaraan, ang Devil's Heart Needles, para mapanatili ang bawat hininga nito.
Ang pamamaraang ito ay nilikha mismo ni Jun Wu Xie nang siya'y magkulong ng mahigit isang dekada. Ang paggamit dito ay delikado ngunit ang mga epekto nito ay napakahusay. Ang pamamaraang ito ng paggamit ng kanyang karayom ay pipilit sa life force ng isang tao na sumiklab ng panandalian. Bagaman kaya nitong patagalin ang buhay ng isang tao, pwede lang itong gamitin ng tatlong beses ng isang tao, at bawat gamit nito, umiikli ng isang dekada ang buhay ng taong iyon. Kung gamitin ito ng lampas sa tatlong beses, hindi na maliligtas ang taong iyon kahit na bumaba pa ang mga diyos mula sa langit.
Ang pamamaraang ito ay delikado sa katawan ng tao at iniwasan ni Jun Wu Xie ang paggamit dito, ngunit sa kanyang hinaharap, wala na siyang maisip na iba pang pwede niyang gawin.
Sa ilalim ng labing-pitong karayom na nakakapit sa buhay ni Fan Zhuo, nakatulong ito para madagdagan ang oras ni Jun Xie para gawin ang iba pa niyang pamamaraan para mahila si Fan Zhuo mula sa bingit ng kamatayan.
Isang apdo ng ahas na may lason ang tinulak sa loob ng bibig ni Fan Zhuo. May nakamamatay na lasin ang pdo at kundi dahil sa proteksyon ng Devil's Heart Needles, inatake nanaman ang katawan ni Fan Zhuo at namatay agad siya sa paglunok nito. Ngunit ang lason ay may dala pang ibang epekto na nagdala sa katawan niya sa ganitong lagay. Biglang nanginig ng malakas ang katawan niya at may lumabas na dugo sa mga kilit ng kanyang balat. Sa isang sandali, nabalutan siya ng sarili niyang dugo! Pumulupot ang kanyang katawan na parang pana na sagad ang paghila, at mukhang mapuputol ito ng walang babala.
Nanood si Ah Jing ng may takot nang makita ang pinagdadaanan ni Fan Zhuo at nanikip ang kanyang dibdib. Wala na siyang pakialam sa hawak ng itim na halimaw at sinigaw: "Jun Xie! Mamamatay na ng isan-libong beses! Pinagkatiwalaan ka ng aking amo! Pero Nagawa mo parin ito sa kany! Pag may nangyari sa kanya, babalikan kita kahit na maging multo na ako!"
Namumula ang mga mata ni Ah Jin sa kanyang titig kay Jun Wu Xie, na parang wala na siyang ibang gustong gawin kundi patayin siya ngayon.
Ang pangil ng itim na halimaw ay gumasgas sa leeg ni Ah Jing at may dugong dumaloy sa kanyang leeg, ngunit hindi ito pinansin ni Ah Jing at patuloy lang sa kanyang pagsigaw.
"Tumahimik ka." Malamig na sinabi ni Jun Wu Xie. Hindi na siya pwedeng magambala pa dahil sa sitwasyon ni Fan Zhuo.
Naramdaman ng itim na halimaw ang pagkaabala kay Jun Wu Xie at hinampas ang ulo ni Ah Jing.
Ang sumisigaw na Ah Jing ay nakatulog.
Naging pusa ulit ang itim na halimaw at umakyat sa kama para pagmasdan si Jun Wu Xie sa kanyang ginagawang paggamot, isang mukhang nakalaan lahat ng atensyon sa kanyang ginagawa.
Ang pinakamahirap gamutin na sakit ay ang mga mula pa ng sila'y ipanganak. Kaunti lang ang pamamaraan para magamot ang mga ito. Pinanganak na si Fan Zhuo ng may mahinang katawan at medisina lamang at mga elixir ang nagpanatili dito, at ang mga masasamang epekto nila'y naitanim na sa kanyang mga buto. Ang biglaang atake ay nagpakita na siya ay linason at ang mga matagal nang natanim na masasamang epekto na naipon ay sumabog rin. Sa ilalim ng mga paghihirap na dinanas niya, kahit ang isang normal na tao ay hindi mabubuhay sa paghihirap at ang lagay ni Fan Zhuo ang nagpalala sa sitwasyon.
"Jun Xie! Ano ang ginagawa mo?!" Katatapos lang niya sa kanyang pagsasanay, nagpunta si Dan Jin doon para kumain. Pagpasok niya sa loob ng bakuran sa aserang kawayan, naamoy na niya ang dugo. Nag-alala sa kondisyon ng kanyang kapatid, dumeretso siya sa kwarto at sa kanyang pagbukas ng pinto, nakita niya si Ah Jing na nakahiga, hindi gumagalaw, at dumudugo ang leeg. Ang kanyang mahal na kapatid ay nasa kama, nababalutan ng dugo, at nakabaluktot ang katawan habang nangingisay at nakatitig lang si Jun Xie sa tabi.
Sa pagkakataong iyon, sumabog ang isip ni Fan Jin!