Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 429 - Sakit o Lason (4)

Chapter 429 - Sakit o Lason (4)

May nahimatay at may dumating. Ang kamay ni Jun Wu Xie na nasa pulso ni Fan Zhuo ay nagpakita ng mga kulay berde na ugat.

"Kung ayaw mo siyang mamatay, sumunod ka sa mga sasabihin ko." Hindi na kaya pang ipaliwanag ni Jun Xie ang mga nangyayari kay Fan Jin. Nagpusta nalang siya, kung sapat ang tiwala sa kanya ni Fan Jin.

"Ikaw….." Tinitigan ni Fan Jin ang walang malay na Ah Jing at tinignan si Fan Zhuo na inaatake parin at nagpakita ng lubhang paghihirap sa kanyang mga mata.

Ang lahat ng kanyang nakikita ay nagbigay sa kanya ng delikadong mga senyas at kahit paano tignan ng sino man ang nasa harap niya, iisipin agad nila na sinasaktan ni Jun Xie si Fan Zhuo.

Ngunit…..

"Sabihin mo lang at gagawin ko." Isang maliit na boses ang nagsabi kay Fan Jin na hindi siya magkakamali pag nakinig siya kay Jun Xie.

"Mainit na tubig, mainit-init na alak." Hindi kayang hatiin ni Jun Xie ang kanyang sarili at hindi siya pwedeng lumayo kay Fan Zhuo noon.

Hindi nagatubili si Fan Jin at agad na ginawa ang mga utos niya.

Ang maliit na itim na pusa ay nanood lang sa mga kilos ni Fan Jin.

[Mas makabuluhan siya, hindi magaabala ang aking amo para tulungan ang kapatid mo.]

Matapos ang ilang sandali, nakuha na ni Fan Jin ang mga hiningi ni Jun Xie at dinala ito sa kwarto. Hindi siya pinansin ni Jun Xie, na nakatuon lahat ng pansin sa paggamot kay Fan Zhuo.

Pinatong ni Fan Jin ang mga gamit sa isang tabi at nakitang sa tahimik ng kwarto, naririnig niya ang pagtibok ng kanyang puso. Yumuko siya para tignan ang sugat ni Ah Jing at nakitang may gasgas lang ito sa leeg niya bago siya mahimatay. Nakita niyang walang peligro sa buhay ni Ah Jing at dinala ito sa ibang kwarto. Bumalik si Fan Jin at tumayo lang doon sa isang kanto ng kama, pinagmamasdan ang paggamot ni Jun Xie sa kanyang kapatid.

Habang pinagmamasdan niya, nagulat siya. Hindi niya pinagisipan ang mga gustong gawin nu Jun Xie, ngunit nang makita ang pagpapainom ni Jun Xie ng maraming elixir kay Fan Zhuo at paglagay ng gamot sa kanyang mga acupressure points, nagulat siya.

"Wu Xie….. ginagamot mo si Zhuo?" Tinanong ni Fan Jin.

"Manahimik ka." Tinignan ni Jun Xie ng malamig si Fan Jin na agad ring tumahimik.

Ilang taon ang lilipas, bawat pagkakataong naaalala ni Fan Jin ang mga pangyayari ngayon, lagi siyang iyak-tawa sa. Sinuko niya ang kapalaran ng kanyang kapatid na may malubhang sakit sa isang binatang nasa labing-apat na taong gulang palang. Mapapaisip parin siya sa hindi makatwiran niyang desisyon.

Ang mga pangingisay ng katawan ni Fan Zhup ay tumigil matapos ang ilang sandali. Ang kanyang mga mata ay nakasarado ng mahigpit at ang kanyang maputlang mukha ay nakabaluktot sa sakit. Ginamit ni Jun Wu Xie ang mainit na tubig na dinala ni Fan Jin para linisin ang dugo, at binuhos naman ang alak sa kanyang lalamunan.

Ilang sandali pa ang lumipas, nangisay nanaman si Fan Zhuo!

"Hawakan mo siya." Umatras si Jun Wu Xie at sinabihan si Fan Jin.

Nagmadali si Fan Jin sa tabi ng kama at ang mga mata niya'y may sakit sa lagay ng kanyang kapatid. Hinawakan niya ang mga balikat ni Fan Zhuo para pigilan ito sa paglikot.

"Pffftt!"

May maitim na likidong lumabas sa bibig ni Fan Zhuo at kumalat ito kay Fan Jin.

Masangsang ang amoy nito at muntik mawalan ng malay si Fan Jin sa biglang atake sa kanyang pang-amoy. Gayun pa man, hinawakan niya ang kanyang kapatid at pinanood ang paglabas nito ng itim na likido.

"Ihiga ng patagilid." Sinabi ni Jun Wu Xie.

Naintindihan ni Fan Jin at agad na tinagilid ang katawan ni Fan Zhuo sa gilid ng kama.

Patuloy lang sa pagsuka si Fan Zhuo ngunit ang mga pangingisay ay unti-unting nawawala at ang paunti ng paunti ang mga lumalabas na dumi sa kanyang bibig. Nang wala nang maisuka si Fan Zhuo, sinabihan ni Jun Xie si Fan Jin: "Pahigain mo na ng maayos."

Nakinig agad si Fan Jin at nakitang mas maayos na ang kutis ng balat ni Fan Zhuo kumpara kanina. Ang berde at lila na kulay sa kanyang mukha ay nawala nang tuluyan.