Chapter 425 - Tiwala

Si Senyora Ning at si Gu Li Sheng ay parehas na pinahalagahan si Li Zi Mu at nagselos si Yin Yan dito. At nang makita niya kung gaano nahihirapan si Li Zi Mu, hindi niya mapigilang matuwa.

Basura lang si Li Zi Mu at walang hahantungan.

"Paano nagkaganito?" Tinanong ni Senyora Ning, nakakunot ang mga kilay. Hindi nangyayari ang mga plano niya.

Sa nakaraang dalawang linggo, naging malapit siya kay Li Zi Mu, may balak na gamitin ito. Ngunit ang kakayahan niya ay hindi umabot sa inaasahan niya, at sasayangin lang niya ang kanyang pagsisikap.

"Pagmasdan mo pa siya ng dalawang linggo. Kung walang pagbabago, sabihan mo ako. Balak ko sanang kausapin ang aking ama para ilagay si Li Zi Mu sa ilalim ko, ngunit kung wala siyang silbi, hindi ko kailangan ng basura." Nagreklamo si Senyora Ning. Ang lahat ng senior ay pwedeng kumuha ng dalawang disipulo sa ilalim nila at nauna na si Yin Yan. Naisip niyang kunin si Li Zi Mu bilang pangalawa ngunit mukhang kailangan niya ulit pagisipan.

"Huwag kayong magalala, Senyora Ning. Babantayan ko si Li Zi Mu." Sumagot si Yin Yan ng nakayuko para matago ang kanyang masamang ngiti.

…..

Lumipas ang oras at mga araw, nanatili si Jun Xie sa dampa sa loob ng aserang kawayan ng isang buwan. Sa nakaraang buwan, ang mga sabi sabi sa loobg ng akademya ay hindi humupa, kundi lumala pa, ngunit walang alam si Jun Wu Xie patungkol dito.

pagkatapos ang isang buwan ng pananaliksik, naintindihan na ni Jun Wu Xie kung nasaan ang mga kakulangan ng Spirit Healing kapag nagbagong-anyo na ang spiritual power ng isang tao. Ang Spirit Healing ni Gu Li Sheng ay ang pagpalit lang ng spirit energy para magamot ang mga sugat ng mga ring spirit. Ngunit nakita ni Jun Wu Xie na kahit hindi na baguhin ang spiritual power, pwede na itong gamitin agad para magamot agad ang ring spirit. Bagaman babagal ang paggamot, nawala ang malaking kawalan ng spiritual power sa pamamaraan ni Gu Li Sheng.

Sinubukan ito ni Jun Wu Xie sa Snow Lotus ng ilang beses at nakita na lumalakas ang lifeforce ng Snow Lotus paglipas ng mga araw. Ang mga natuyo nitong talulot ay sumigla ng parang dati, at ramdam ni Jun Wu Xue ang kilala niyang spirit energy galing sa Snow Lotus.

Naniwala siyang pagkatapos ng dalawa pang linggo, babalik na ang dating lakas ng Snow Lotus.

Noong araw na iyon, natapos ni Jun Wu Xie ang paggamot sa Snow Lotus, may bagong ideya na lumitaw sa kanyang isip. Sa nakaraang buwan na nanatili siya sa aserang kawayan, kahit na hindi siya masyadong lumabas mula sa kanyang kwarto, pinagmasdan niyaang kondisyon ni Fan Zhuo. Tulad nga ng sabi-sabi sa labas, malapit nang masira ang katawan ni Fan Zhuo at ang mga elixir na kanyang naiinom ay mas marami pa sa pagkaing kinakain niya. Bagaman napipilit nitong mapanatiling buhay ang kanyang katawan, gamot parin lang ang medisina at mga elixir, at lason parin sa katawan. Ang dami ng elixir na kanyang ginagamit araw-araw ay makakasira rin sa kanyang katawan.

Ang mga negatibong epekto ay hindi agad makikita, ngunit pag tumagal, mawawalan ng kaluluwa ang katawan ni Fan Zhuo.

Lumapit si Jun Wu Xie sa kubo ni Fan Zhuo at tumayo sa harap ng nakasaradong pinto. Kakatok na sana siya nang marinig ang boses ni Ah Jing sa loob.

"Panginoon, ag Jun Xie ba na nasa sabi-sabi sa labas, ang Panginoong Jun na nakikitira dito sa atin? Hindi mo alam, ngunit sinusumpa ng lahat ang mas nakatatandang panginoon dahil sa kanya….."

"Ah Jing, ano ba ang problema mo?" Tinanong agad ni Fan Zhuo.

Sinabi ni Ah Jing ang lahat ng narinig niya tungkol kay Jun Xie mula nang siya ay tanggapin hanggang ngayon, at ang tono ng kanyang boses ay may pagsisisi.

"Bakit magagawa ng iyong kuya ang pagpili at ang pangabuso sa kanyang pangalan? Napakabait niya at pinakamatuwid na tao sa ilalim ng langit. Hindi ko pa nakikitang gumawa ng masasamang bagay ang Panginoong Jun. Kaya pala hindi siya nagpupunta sa akademya. Baka dahil sa mga kontrobersya ay hindi siya makapanatili sa akademya."

Related Books

Popular novel hashtag