Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 426 - Sakit o Lason (1)

Chapter 426 - Sakit o Lason (1)

Itutuloy na sana ni Ah Jing nang singitan siya ni Fan Zhuo.

"Ah Jing! Ayaw ko nang marinig pa ulit ito. May tiwala ako sa aking kapatid at kay Wu Xie. Ang mga sabi-sabing lumalabas sa mga bibig ng iba ay hindi ko maikukumpara sa mga nakikita ko at naririnig ko. Sa mga panahong tumira dito si Wu Xie, may naabala ba siya? Wag mong sabihing hindi mo alam kung saan galing ang mga tonikong biglaan nalang lumitaw sa kusina." Sinabi ni Fan Zhuo, habang nakatingin kay Ah Jing, ang kanyang mukha'y nagpakita ng madalang na pagkainis.

Hindi man gawain ni Jun Xie na magsalita at hirap siya sa pakikihalubilo, ngunit hindi ibig-sabihin noon ay may binabalak siyang masama.

Matapos lumipat ni Jun Xie sa aserang kawayan, madalas makakita si Ah Jing ng mga magagandang toniko sa kusina na biglaan nalang lumilitaw. Ang mga mamahaling bagay na iyon ay madalas itatago sa kusina at hindi ipapatong na parang gulay lang. Akala ni Ah Jing na ang punong tagapagturo ang naghanda ng mga ito at tinanong ang gwardya na nagpapadala ng mga gamit sa kanila araw-araw. ngunit sinabi ng gwardya na hindi pa niya iyon nakikita.

Sinabi noon ni Ah Jing kay Fan Zhuo ang mga kakaibang pangyayari at agad na nahulaan ng tama ni Fan Zhuo kung sino ang may gawa ng mga ito.

Palihim sigurong iniwan ang mga iyon ni Jun Xie sa kusina. Bagaman lagi siyang may malamig na ekspresyon, mainit ang kanyang puso.

Hindi makahanap ng salita si Ah Jing para sawayin ang dahilan ni Fan Zhuo. Kung hindi niya narinig ang mga sabi-sabing umiikot sa akademya, nagustuhan ni Ah Jing ang Panginoong Jun. Ngunit nang lagi na niyang naririnig ang mga sabi-sabi, marami nang naniwalang totoo ang mga sabi-sabi. At nang marinig niyang nabastos ang amo niya dahil sa kanyang pakikihalubilo kay Hun Xie, sinisi agad ni Ah Jing si Jun Xie.

"Kakalimutan ko na sinabi mo ang mga ito, at ayaw kong marinig ito ni Wu Xie." Sinabi ni Fan Zhuo.

Yumuko lang si Ah Jing at mahinhin na sinabi: "Pero ang nakatatanda niyong kapatid….."

"Kung hindi ito pinapansin ng aking kapatid, hindi ko rin ito papansinin. Pabigat rin ang aking katawan sa iba pag pinaguusapan ito. Kapag pinaniwalaan ang mga sabi-sabi, hindi ba't pinatapon na ako ng aking ama at kapatid sa simula palang?"" Sinabi ni Fan Zhuo.

Tumanggi si Ah Jing nang marinig iyon.

Nagbuntong-hininga si Fan Zhuo at bibigyan na ng utos so Ah Jing nang biglaang nanlamig at pinawisan ang kanyang mukha. Nagkulay berde ang kanyang namumutlang mukha at kumapit siya sa damit niya sa kanyang dibdib bago bumagsak sa mesa.

"Panginoon! Panginoon!" Nagulat si Ah Jing.

May malakas na pagsabog!

Iyong mahigpit na nakasarang pinto ay sinipa pabukas at bago pa matauhan si Ah Jing, nakita niya ang anyo ni Jun Xie na mabilis na nagpunta kay Fan Zhuo, na nawalan ng malay, at dinala agad ito sa kama.

Ang apat na sanga ni Fan Zhuo ay nangingisay habang siya'y nakahiga at ang kanyang bibig ay mahigpit na nakasara. Ang mga labi niya'y nagiging kulay lila at berde. Iiyak na si Ah Jing sa kanyang kinatatayuan, hindi makagalaw.

Kinuha agad ni Jun Xie ang pulso ni Fan Zhuo at nang maramdaman ang pulso sa kanyang mga daliri, kumunot agad ang noo niya.

Sa mga nakaraang araw, nakasalubong niya si Fan Zhuo sa bakuran at kinuha niya ang pulso nito dahil sa mga naisip niya patungkol sa kondisyon nito. Bagaman mahina ang pulso niya noon, hindi ito maitutulad sa pulso niya ngayon na nagwawala. Ang kaguluhan sa kanyang pulso ay mukhang gawa ng kanyang sakit, ngunit kung titignan ng maayos, ang gulong iyon ay gawa ng ibang bagay na gumawa ng lahat ng ito.

Hindi ang sakit ni Fan Zhuo ang dahilan, kundi gawa ng lason!

Naalala bigla ni Jun Wu Xie si Mo Qian Yuan. Kaparehas ng pulso ni Fan Zhuo ang pulso ni Mo Qian Yuan noong simula. Bagaman nalason rin si Mo Qian Yuan, mas maganda ang lagay ng kanyang katawan kumpara kay Fan Zhuo. Ang mahina niyang katawan ay baka hindi kayanin ang pagpapahirap ng lason.