Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 41 - Bayang Naulog (Ikalawang Bahagi)

Chapter 41 - Bayang Naulog (Ikalawang Bahagi)

Sa kasamaang-palad, wala sa mga librong nasa Resource Hall ay naaangkop sa kanya.

Sa mundo ng cultivation, ang paggamit at pagsasanay ay nakabase sa klase ng contractual spirit na mayroon ang isang tao.

Ang mga may armas at mga may beast type na uri ay may magkakaibang pamamaraan ng paggamit.

Subalit, ang contractual spirit ni Jun Wu Xie ay wala sa alin man sa dalawang madalas na kategoryang ito! Kaya kahit gaano pa karami ang kanyang binasa, gaano pa kasipag ang kanyang pagaaral, wala siyang mahanap na ni-isang cultivation technique na babagay sa kanya.

Kapag hindi siya nakahanap ng technique, hindi niya maitataas ang antas ng kanyang spiritual energy.

Saan siya maghahanap ng pang-halamang cultivation technique? Naging sakit sa kanyang ulo ang tanong na ito.

Nawalan na siya ng pagasang mahanap ito sa Palasyo ng Lin. May ideyang biglang lumitaw sa kanyang isipan.

Sa mga alaala nitong katawang ito, mayroong lihim na lugar na nakatago sa looban nitong Imperyal na Bayan.

Isa itong underground market na ang pasukan ay nasa liblib na dulo ng bayan. Maraming kakaibang gamit na wala sa bayan ang matatagpuan dito, at mayroon pang mga bagay na hindi makikita kahit saan na binebenta rito.

Ang pinagkaiba lang ay hindi nabibili ng pera ang mga tinda dito. Kailangang silang ipalit sa bagay na kaparehas ang halaga.

Simpleng Barter Trade.

Una nang nakapunta ang dating Wu Xie doon kasama si Mo Xuan Fei. Hindi niya alam na may ganong lugar doon kahit na lumaki siya sa loob ng mga pader ng bayan hanggang nung dinala siya doon. Ayaw niya sa lugar na iyon dahil madilim at malungkot ang kapaligiran doon.

Ngunit, ang lugar nalang na iyon ang naiisip niyang paraan at kailangan niyang pumunta doon sakaling may mahanap siyang angkop na cultivation technique.

Kilala siya sa loob ng Imperyal na Bayan at kailangan niyang pumunta roon ng patago. Naglabas at nagdurog siya ng mga damong-gamot, kinuha ang mga katas, gumawa ng paste na kanyang dinikit sa kanyang mukha, at iniba ang hugis ng kanyang mukha.

Ang tumambad sa kanya sa salamin ay isang maginoong lalaki. Ginawa niyang mas panlalaki ang mga tampok ng kanyang mukha at nagsuot ng puting balabal.

Bago tumuloy sa underground market, hinanda niya ang gagamitin niyang 'pambayad' doon kung saan ang ordinaryong pilak ay walang halaga. Sa mga nakalipas na araw, siya'y nagtrabaho sa parmasya at gumawa ng iba't ibang mga elixir at potion pampagaling kay Jun Xian at Jun Qing. Kumuha siya ng ilan, tinago sa kanyang balabal, at tumakas sa likod ng bahay sa katahimikan ng gabi.

Napakatahimik ng Imperyal na Bayan pag gabi at kahit na unang pagkakataon palang niyang lumabas ng Palasyo ng Lin, nasundan niya ang mga alaala ng kanyang katawan papunta sa pasukan ng underground market.

Tumigil siya sa harapan ng hindi masyadong halatang kainan. Isa itong mapagpakumbabang-tignan na lugar, walang pinagkaiba sa mga gusaling kasama sa kalye. Nakabantay sa counter ang isang weyter na tamad na pinapahinga ang ulo sa taas ng counter, at nang nakita siya ng weyter, hindi siya binati at nanatili ito sa kaniyang orihinal na puwesto.