"Tsk, ano bang meron sa angkan ng Qing Yun? Hindi nga sila napag uusapan." Isang boses na puno ng pang-aaba ang nanggaling sa tabi ni Jun Wu Xie, at nang lumingon siya, nakita niya ang gusgusing binata na bumubulong habang ngumunguya sa dahon ng kawayan, ang kaniyang mga kamay ay nasa kanyang batok. Sumama ang loob ng mga taong namamangha kay Bai Yun Xian sa kanya.
Mahinhin ang kaniyang pagsabi ngunit narinig ito ni Jun Wu Xie.
Nang nagkasaslubong ang mga mata ni Jun Wu Xie at ng binata, nginitian siya nito at tumawa lamang. "Hindi ba't sinabi ko na hindi ako interesado sa mga elixir? Malamang hindi rin ako interesado sa angkan ng Qing Yun."
Sinubukang magpaliwanag ng binata ngunit hindi siya pinansin ni Jun Wu Xie at linampasan lang siya.
Tumawa lang siya at wala nang sinabi.
"Ano ang gusto niyong kapalit para dito sa dalawang Spiritual Gems at siyam na Eastern Pearls?" Nang makita ni Mo Xuan Fei ang ngiti ng kanyang sinta, nagdesisyon siyang gumastos para sa kanya.
Nung dinala ni Mo Xuan Fei si Jun Wu Xie sa Bayang Naulog, wala ni isang gintong barya ang nagastos. Naglakad lang sila sa ilang kalye at bumalik na.
Ngayong si Bai Yun Xian na ang kanyang kasama, mas mapagbigay siya.
Tinignan ng matanda si Mo Xuan Fei, bumuga ng usok at sinabing: "Tumatanggap lang ako ng elixir."
Medyo nagulat si Mo Xuan Fei.
Bilang pangalawang prinsipe ng bansa, nakakita na siya ng iba't ibang kayamanan at kaya rin niyang makabili ng malaking parte nila. Gayunman, sa mga tuntunin ng medical advancements at mga elixir, ang estado ng Qi ay hindi kasing-lakas ng mga karatig-bayan nito at ito ang isa sa mga bagay na kung saan sila'y mahina. Lahat ng mga mahahalagang potion at elixir ay nakatago sa hiwalay na kaha na hindi niya pwedeng buksan.
"Bibigyan kita ng jade." Pinilit ni Mo Xuan Fei. Ayaw niyang mapahiya sa harapan ni Bai Yun Xian, at linabas niya ang isang pirasong jade na halos kasing-laki ng kanyang palad. Madalang ang ganitong jade. Determinado si Mo Xuan Fei na mapahanga si Bai Yun Xian.
Sa kasamaang-palad, hindi man lang ito sinulyapan ng matanda at ipinagpatuloy lang ang kaniyang paninigarilyo.
Malinaw na hindi siya interesado. Pag ito ay nangyari sa Imperyal na Bayan, sino ang may lakas ng loob para umalipusta kay Mo Xuan Fei at hindi siya papansinin? Isa siyang marangal na prinsipe at gusto niyang bumili sa'yo. Ibig-sabihin noon ay nakita ka niya at isa iyong malaking karangalan. Pag hindi ka sumunod, babaklasing ng mga guardia ang 'yong pwesto at ika'y dideretso sa kulungan.
Ngunit ito ay ang Bayang Naulog.
Kahit na nasa ilalim siya ng Imperyal na Bayan, Hindi ito pagmamayari ng Kaharian ng Qi. Ito ay binuksan at pinamamahalaan ng isang misteryosong pinanggalingan na mayroong matitipunong mga guardia na naka maskara at nagbabantay ng katahimikan at kaayusan ng palengke. Kakaiba nga itong lugar na nalalayo sa pagkakalilanlan ngunit ang mga guardiang ito'y hindi dapat subukin. Kahit ano pa ang ibenta mo, walang aangal. Subalit, pag may nagnanais ng gulo dahil ayaw tanggapin ang palitan, ilalabas agad ng mga guardia ang taong iyon.
Ang mga nagtangka rin ng mga maduduming paraan ay inimbitahan palabas at ipinagbawal nang bumalik sa Bayang Naulog. Wala silang pasensya sa mga pasaway.
May isang beses na ang anak ng Punong Ministro ay itinapon sa kalye at napahiya ang kanyang buong pamilya. Gayunman, hindi na naglakas-loob ang punong ministro sa Bayang Naulog at nagdusa ng tahimik lamang sa pamamagitan ng pagkukunwari na walang nangyari.
Magmula noon, nanatili sa mga isipan ng mga tao na ang Bayang Naulog ay may makapangyarihang tagapamahala at wala nang nagtangkang manggulo.
Kay Mo Xuan Fei naman, hindi niya kilala ang nasa likod ng Bayang Naulog ngunit alam niyang hindi niya dapat ito kalabanin. Baka mangyari sa kanya ang nangyari sa anak ng Punong Ministro!