Ang lahat ay nabigla sa naging desisyon ni Fan Jin. Marahas na singhap at bulungan ang maririnig sa
buong silid.
"Lumalalim na ang gabi, maiging mailibot na ang mga bagong disipulo upang maging pamilyar na sila
dito. Ako na ang bahala sa kaniya." Pagkasabi nito, hindi na pinansin ni Fan Jin ang mga nabiglang
nakakatandang disipulo at marahang tinapik si Jun Wu Xie sa balikat upang sumunod sa kaniya.
Kahit nakalabas na si Fan Jin at Jun Wu Xie sa silid, ang mga nakatatandang disipulo pati na rin ang mga
bagong disipulo ay hindi pa rin makapaniwala sa nangyari.
Isang bagong disipulo ang naglakas loob na tanungin ang kaniyang nakaparehang nakatatandang
disipulo "Senior, may mali po ba kay Senior Fan? Bakit ang inyong mga ekspresyon ay…"
Huminga ng malalim ang nakatatandang disipulo at hinilot ang kaniyang sentido "Siya si Fan Jin, ang
ampong anak na lalaki ng Headmaster! At pang apat siya sa nakaraang Spirit Battle Tournament dito sa
Zephyr Academy! Ano kaya ang ginawa ng batang iyon at napakasuwerte niya at napili siya ni Fan Jin?!"
Hindi isang pangkaraniwan si Fan Jin. Hindi lang sa kadahilanang ampon na anak siya ng Headmaster
kung hindi dahil na rin sa taglay niyang malakas na ring spirit. At hindi lang iyan, ang kaniyang
pagsasanay sa kaniyang spiritual power ay higit sa lahat ng mga disipulo sa Zephy Academy.
"Ano?!" dahil sa nalaman, mas lalong nag-igting ang pagkamuhi ng mga bagong disipulo.
Hindi maipinta ang mukha ng nakatatandang disipulo. Tumalikod na ito at nagsimula nang maglakad
palabas. Wala nang nagawa ang nabiglang bagong disipulo at mabilis na sumunod sa nakatatandang
disipulo.
Ang ibang mga bagong disipulo na nakarinig sa usapan ay mistulang tinamaan ng kidlat sa pagkabigla sa
nalaman. Paulit-ulit nilang naririning ito na parang sirang plaka.
Ang ampong anak na lalaki ng Headmaster… pang-apat sa Spirit Tournament…
Pinagtawanan at kinutya nila si Jun Wu Xie dahil iniiwasan ng lahat ngunit sa huli sila ang naging
katawatawa. Kahit hindi pa nila gaanong alam ang pamamaraan sa Zephyr Academy, hindi na ngayon
kaila sa kanila ang implikasiyon ng pagpili ni Fan Jin sa kay Jun Wu Xie.
Kung pagbabasehan ang distansiyang ibinibigay ng mga nakakatandang disipulo kanina kay Fan Jin, alam
na ng mga bagong disipulo na hindi maikukumpara si Fan Jin sa lahat ng mga nakatatandang disipulo na
naroon sa silid.
Una ay ang kapansing-pansing pagpili ni Gu Li Sheng, at ngayon naman ay ang pag-angkin ni Fan Jin…
Dahil dito, mas umigting ang pagkamuhi ng mga bago disipulo sa swerteng natatanggap ni Jun Xie.
…
Mabilis na nakasunod si Jun Wu Xie kay Fan Jin palabas ng pasilyo hanggang sa nilibot na nila ang buong
Zephyr Academy. Si Fan Jin ay nasa harap at si Jun Wu Xie ay nasa likod nitong nakasunod. Ang dalawa
ay kumukuha ng atensiyon sa lahat ng nakakasalubong nila.
"Ang pangalan mo ba ay Jun Xie?" tanong ni Fan Jin Kay Jun Wu Xie na nakasunod sa likod niya.
"Oo."
"Haha, hindi mo kailangang kabahan. Hindi naman ako mahirap kasama at si Uncle Gu ang nag-utos sa
aking hanapin ka. Hindi siya nagkamali sa pagtukoy sa iyo! Sabi niya, hanapin mo ang pinakamaliit na
bata at mahahanap na kita agad." Masayang nagkukwento si Fan Jin habang naglalakad.
Bumagal ang lakad ni Jun Wu Xie at tiningnan ng mariin ang likod ni Fan Jin.
"Ano yun?" nagtatakang tanong ni Fan Jin sa biglang paghinto ni Jun Wu Xie.
"Wala naman" tahimik na sagot ni Jun Wu Xie at yumuko upang alisin ang kaniyang mga iniisip.
Alam ni Gu Li Sheng na magkakaroon ng hindi magandang reaksiyon mula sa lahat dahil sa pagtanggap
nito kay Jun Wu Xie noong araw ng enrolment kung kaya naman may inutusan itong kuhanin siya. At
dahil dito, alam ni Jun Wu Xie na gusto siyang kuhanin ni Gu Li Sheng para maging kabilang ng Spirit
Healer Faculty.
Ang main division ng Zephyr Academy ay mayroon lamang ng tatlong faculties. Ang Spirit Healer,
Weapon Ring Spirit, at ang Beast Ring Spirit Faculty. Ang ring spirit ni Jun Wu Xie na nakalabas ay ang
beast ring spirit ngunit ang totoong ring spirit niya ay Snow Lotus. At kahit sumali siya sa ibang faculties,
wala rin itong maitutulong sa kaniya.