Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 393 - Ang Hindi Makasundong Roommate (1)

Chapter 393 - Ang Hindi Makasundong Roommate (1)

Ang bawat silid sa dormitoryo ng Zephyr Academy ay para sa dalawang tao lamang. Pagkatapos ni Fan

Jin samahan si Jun Wu Xie na kumuha ng uniporme, hinatid niya na ito sa kaniyang magiging silid.

Sa loob ng silid, nakaupo ang isang binatilyo sa higaan sa tabi ng bintana, ang kaniyang mukha ay walang

ngiting masisilayan habang binabasa ang hawak niyang aklat. Nang narinig niya ang mga yabag papasok,

tiningnan niya ang mga bagong dating. Nakakunot ang noo niyang tiningnan si Jun Wu Xie at nang nakita

niya si Fan Jin na nakasunod ay umiwas siya ng tingin at bumalik sa pagbabasa ng kaniyang aklat.

"Simula ngayon, dito ka na titira. Ako ay nasa ikapitong palapag, ang pinakadulong silid sa kanan. Kung

may kailangan ka sa akin, doon mo ako mahahanap." Sabi ni Fan Jin ng nakangiti at tinapik ang balikat ni

Jun WU Xie.

Tumango si Jun Wu Xie at umalis na si Fan Jin pagkatapos magpaalam.

Iginala ni Jun Wu Xie ang kanyang mga mata sa palibot ng silid nang hindi umiimik.

Ang dormitoryo ng mga lalaki ay nakahiwalay sa dormitoryo ng mga babae. At ang populasyon ng mga

babae sa buong Zephyr Academy ay 1 sa bawat sampung lalaki.

Ang higaan ni Jun Wu Xie ay nasa kanan. Hindi siya interesado sa mga tao sa paligid niya kung kaya't

hindi na siya nagsalita pa at inayos na lamang ang kaniyang mga gamit.

May mga pang araw-araw na gamit din na isinama si Fan Jin kasabay ng mga damit.

Simula ng pagpasok ni Jun Wu Xie sa silid hanggang sa natapos niyang ayusin ang kaniyang mga gamit,

hindi nagsalita ang kaniyang kasama sa silid. Walang kahit na anong maririnig sa silid kung hindi ang

mga pagpalit ng pahina ng aklat na binabasa nito.

Pagkalipas ng ilang sandali, may pumasok sa silid at bahagyang nabigla pa nang nakita si Jun Wu Xie sa

loob ng silid. Naglakad ito patungo sa nagbabasang binatilyo.

"Yin Yan, ang batang ito ang kasama mo sa silid?" tanong ng bagong dating kay Yin Yan na hindi inaalis

ang tingin sa binabasang aklat.

Umangat ang tingin ni Yin Yan sa bagong dating at bahagyang tumango, batid ang pagkairita sa kaniyang

mukha.

"Mukhang mahihirapan ka nito. Lahat ng baguhan ay karaniwang mahirap pakisamahan. Hindi ko

maintindihan si Headmaster. Dapat inilagay niya muna sa mababang dibisyon ang mga baguhan para

maturuan muna. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit sila nandito." Mapanuyang sabi ng bagong

dating tungo kay Jun Wu Xie.

Walang pag-alinlangang sumagot si Yin Yan sa kasama "Kung manggugulo lamang sila, dapat nilang

malaman kung saan sila lulugar." Ang mga sinabi ni Yin Yan ay nakadirekta sa kay Jun Wu Xie.

"Tama, ang rinig ko si Senior Fan pa ang nagdala sa baguhan dito ngayon. Ano kaya ang iniisip ni Fan

Jin?! Malapit na magsimula ang Spirit Hunt, bakit niya papahirapan ang sarili niya sa pagkuha sa isang

baguhan?"

Naging malisyoso ang tingin ni Yin Yan. Tiningnan niya si Jun Wu Xie na tahimik na nakaupo sa kaniyang

higaan. Tinawag ni Jun Wu Xie ang maliit na itim na pusa. Marahang hinahaplos ng kaniyang mga kamay

ang maliit na itim na pusa na nasa kandungan niya.

Biglang tumayo si Yin Yan at nilapitan si Jun Wu Xie.

Dahan-dahang umangat ang tingin ni Jun Wu Xie sa kaniya, ang mga malamig na mata niya nakatingala

sa malisyosong mata ni Yin Yan.

"Hindi pinapahintulutan ng ZephyrAcademy ang pagtawag sa ring spirit kung hindi naman kailangan.

Bulag ka ba? Hindi mo ba binasa ang patakaran ng Academy?" mapang-uyam na sabi ni Yin Yan.

Walang kahit anong emosyon ang makikita sa mga mata ni Jun Wu Xie.

Nagulat ang kasama ni Yin Yan sa mataas na tono na ginamit ni Yin Yan. Ang kaniyang galit ay batid sa

kaniyang mukha.

Lahat ng mga nakatatandang disipulo ay hindi gusto ang mga bagong disipulo ngunit ang pagtaas ng

boses ngayon ni Yin Yan ay tila nanghahamon.

Malamig na sinabi ni Jun Wu Xie "hindi lalagpas ng tatlong talampakan." Pagkatapos sabihin ito, hindi

niya na tiningnan pa sa Yin Yan.