Ang Zephyr Academy ay nasa bandang hilaga ng Da Du Country nasa gitna ito ng malawak na kapatagan.
May sabi-sabing kapag nasa labas ka daw ng Phoenix Academy ay hindi mo makikita ang dulo nito.
Dahil sa isa ito sa tatlong nangungunang academy, tuwing nagbubukas sila ng Sityembre para sa enrollment, nagkukumpulan ang mga tao sa pintuang daan nito.
May mga pamilyang nakasakay sa karwahe ang dumadating na galing pa sa malalayong lugar. Taon-taon, sa kalagitnaan ng Agosto hanggang unang linggo ng Sityembre, hindi lang sa headquarters nf Zephyr Academy, kundi ang mga hotel at restaurant sa bayan ay puno ng tao.
Hindi mabilang ang dami ng academy sa buong mundo, ngunit tatlo lang ang nangibabaw doon. Isa na doon ang Zephyr Academy.
May mataas na pamantayan ang tatlong institusyong iyon para sa kanilang enrollment. Tumatanggap lang sila ng mga batang ang edad ay nasa labing-apat hanggang labing-anim na taong gulang lamang. Ang hindi pasok sa edad na iyon ay hindi tatanggapin.
Ang Zephyr Academy ay may dalawang pangkat, ang main division at branch division. Sa main division, ang mga natatanggap lang na disipulo dito ay ang mga mayroong elite ring spirits at mga disipulong may namumukod tanging pag-unlad sa kanilang spiritual power. Sinuman ang mayroong sapat lang na talento ay hindi makakapasok.
Sa branch division naman ay hindi gaanong mahigpit ang pamantayan. Kung sinuman ang may kakayahang magbayad ng matrikula ay magkakaroon ng tsansang makapag-aral sa branch division. Kung sino man ang magpakita ng pag-unlad o mangunguna sa branch division, sila ay agad na mapupunta sa main division. At ang mga katamtaman lang ay mananatili sa branch division para tapusin ang isang taong binigay sa kanila para mag-aral. Kung hindi sila makakayang at papuntang main division sas loob ng isang taon na iyon, sila ay patatalsikin palabas ng academy.
Kapag ang mga bata ay papasok sa eskwelahang ito, sila ay inaasahan magbayad ng buong matrikula para sa tatlong taon at kung sila man ay mapapatalsik ng mas maaga dahil sa kakulangan nila sa talento, hindi maibabalik sa kanila ang kanilang binayad.
Sa lahat ng nasa unang taon na naka-enroll sa academy, nasa kulang-kulang sampu lang ang natatanggap sa main division. At ang mga natitirang disipulo ay halos nasa isang libo o mahigit ang bilang at lahat ng iyon ay mapupunta sa branch division.
Sa edad na labing-apat lang nagigising ang ring spirit ng isang tao at nilimitahan ng Zephyr Academy na hanggang labing-anim na taong gulang lang ang maaari nilang tanggapin. Ibig sabihin lang noon, sinuman ang susubok na masusing magsanay sa loob ng dalawang taon para makapasok sa main division, ay hindi magtagumpay dahil masyadong maiksi nag panahong iyon.
Para sa mga bata namang natanggap sa main division, halos lahat sa kanila ay ay naisagad na ang kakayahan ng kanilang kakaibang ring spirit.
Isa sa dahilan kung bakit isa sa Tinitingala ng eskuwelahan ang Zephyr Academy ay dahil sa pambihirang kakayahan ng kanilang mga guro at higit sa lahat ang kanilang di pangkaraniwang paraan para magpalakas, ang Spirit Healer!
Nahahati sa tatlong department ang academy na may tatlong kaniya-kaniyang kakayahan. Ang beast spirit, weapon spirit at ang huli ay ang spirit healers.
Ang beast spirit faculty ay tumatanggap lang ng disipulong may beast ring spirits, ang weapon spirit faculty naman ay para mga disipulong may weapon ring spirits. Wala namang pagtatangi ang spirit healer faculty sa mga uri ng ring spirit ng kanilang mga disipulo. Kumukuha sila ng mga disipulong may kaalaman at marunong magpagaling ng mga spirits.
Ang ring spirits at ang kaluluwa ng kanilang master ay pinag-isa. Kahit na hindi nagdudugo ang mga ring spirit, ang mahabang pakikipaglaban o aksidente ay maaaring magdulot ng trauma o pinsala sa mga ring spirit. Hindi nila iyon ikakamatay ngunit magreresulta iyon sa pagbagsak ng kanilang kakayahan sa pakikipaglaban. Ang grupo ng spirit healers ay narito dahil sa dahilang iyon.
Mabilis ang pag-usbong ng spirit healer at isa ito sa mga hinahangad na trabaho. Tanging ang Zephyr Academy lang ang may kakayahang mangalaga ng spirit healer.
Alam ng lahat na mas hinahabol ang mga spirit healer kaysa sa mga healer na gumagawa ng elixir para sa pagpapagaling!
Marami ang may kayang mag-cultivate ng elixir ngunit bilang lang ang may kaalaman sa pagpapagaling ng ring spirits. Hindi maitatanggi ang pagpapahalag ng mga tao sa kanilang ring spirit.
Para maging spirit healer, hindi kailangan na mayroon kang malakas na spiritual power, sa halip ay dapat ay marunong bumagay ang spiritual power ng tao sa mga ring spirits. Sa madaling salita, ang Spirit Healer ay gagamitin ang ang kaniyang sariling spiritual power para maibalik ang dating lakas ng ring spirit.