Ang I bagay ang iyong spiritual power sa isang ring spirit ay maituturing na mahiwagang ideya at kailanman hindi pa nasusubukan. Isabay pang walang nakakaalam paano kayanin iyon. Kaya naman tanging ang Zephyr Academy lang ang lugar kung saan ka matututong maging spirit healer.
Kahit na isa lang sa isang pamilya ang magtagumpay na maging spirit healer, ang buong pamilya nito ay mamumuhay ng marangya.
Sa lahat ng nag-aasam na mga bata na makapasok sa Zephyr Academy, nasa walo o siyam lang sa kanila ang gustong maging spirit healer.
Sa kasalukuyan, ay mayroong dagat ng tao ang nasa pintuang daan ng Zephyr Academy.
Lahat sila ay parang mababali na ang mga leeg sa kakatingin sa loob. May malilit na grupo doon at mga nagbubulungan. Makikita mo sa mga ito ang ngiti ng nag-aalangan.
Isang maliit na pigura naman ang biglang nagpagitna at nakikpagsiksikan sa mga tao. Tumigil ito sa ilalim ng puno na mas kaunti ang mga tao. Sa ilalim ng punong iyon ay may apat pang pigura na naghihintay sa kaniya.
May hawak na papel si Qiao Chu sa kaniyang kamay, madilim ang anyo sa kaniyang mukha habang ito ay naglalakad palapit sa mga kasamahan nito. "Ito ba ay institusyon para sa pag-aaral o ito bahay-katayan na nangungurakot ng pera? Sila ay kumakatay ng tao ng walang pag-aatubili!"
"Ano iyon?" Tanong ni Fei Yan na nakatingin kay Qiao Chu. Hindi nito maintindihan ang ibig sabihin ng huli.
Pinakita naman ni Qiao Chu ang papel sa kanila at lahat naman sila ay tumutok ang atensyon doon.
Lahat sila ay nagdilim ang ekspresyon sa mukha.
"Ang bayarin para sa tatlong taon...tatlong daaang libo...at hindi kasabay ang bayad sa pagtira at pagkain!? Ito ay...ito ay pagnanakaw!" Patuloy na nakatitig si Fei Yan sa papel at nanlalaaki ang mga mata.
Ang grupo nila ay kailangan pang paghatian ang isang tael, kaya naman ang tatlong daang libong tael ay hindi nila alam saan kukunin...
Kahit pa na ibenta silang lahat, hindi nila mabubuo ang halaga ng iyon.
Sa oras na iyon, lahat sila ay sabay-sabay na lumingon sa pinakamaliit sa kanilang lahat. Nakatingin sila kay Jun Wu Xie, ang tanging may pera sa kanila!
"Little Xie...ang pera..." Halos mangiya-ngiyak na si Qiao Chu.
Para sa kanilang lima, aabot sila ng halos isa't kalahating milyong tael. At para lang iyon makapasok sa accademy. Hindi pa kasama doon ang kanilang tirahan at pagkain. Parang aabot sila ng dalawang milyong tael para sa lahat-lahat.
Nag-angat ng tingin si Jun Wu Xie sa mga umaasang mukhang nakatitig sa kaniya bago siya kalmado ng sumagot: "Hindi kasya."
"..."
Napako sa kanilang kinatatayuan ang apat. Sadyang napakalaking halago noon na kahit ang kanilang MR. Moneybag ay kinulang.
Nang umalis si Jun Wu Xie sa Qi Kingdom, mayroon siyang mahigit isang milyong tael. Ginamit niya ang perang iyon sa Phoenix Academy at walong libong tael na lang ang natitirang sa kaniya. Hindi pa umabot sa kalahati para sa kailangan nilang lahat.
"Napakahayop!? Napakalaking ng halaga ng iyon pero ang dami pa ring tao! Kinuha lang ba nila ang kanilang mga pera sa dagat?" Tumitig si Qiao Chu sa mga tao at nagsimulang magdugo ang kaniyang puso ng maisip ang halaga na mabubuo ng mga taong iyon sa pag-enroll sa academy. Sa mga taong iyon, nasa sampu lang ang porsiyento ng matatanggap sa main division. Ang natitirang siyamnapung porsiyento ay magtatapon lang ng pera.
Tatlong-daang libong tael. Sapat na para sa isang pamilya na mabuhay. Ang isiping itataya iyon ng isang pamilya para sa isang batang walang potensyal ay halos wasakin ang puso ni Qiao Chu.
"Kung hindi ganon kataas ang kanilang matrikula, tingin ko ay kahit na mas malaki pa ng sampung beses ang campus ng Zephyr Academy, wala pa rin silang sapat na espasyo para sa mga disipulong gustong matanggap dito." Malumanay naman na opinyon ni Hua Yao/
Ang tanging lugar na makakapagturo para maging spirit healer. Sapat nang dahilan iyon para makipaglaban ang mga tao sa kanilang pwesto sa academy.
"Pero...wala pa rin tayong sapat na pera..."Bumagsak naman ang mga balikat ni Qiao Chu.
Lumalim ang tingin ni Jun Wu Xie at biglang nagsalita: "Mayroon bang auction housa na malapit dito?"
Naguluhan naman si Qiao sa tanong na iyon ni Jun Wu Xie.
"Little Xie, bakit mo gustong magpunta sa auction house? Wala tayong gamit na maibebenta." Ang pinakamahal na gamit na mayroon sila ay ang kanilang mga damit na galing sa Moon Weavers Pavilion at kahit na ibenta nila ito, hindi pa rin nila mabubuo ang halagang kailangan nila.
"Basta. Sabihin mo lang." Giit ni Jun Wu Xie.