Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 371 - Gusto mo pa ba? (3)

Chapter 371 - Gusto mo pa ba? (3)

Ang apat na disipulo ng East Wing ay wala gaanong reaksyon ngunit hindi ang Phoenix Academy!

Bigla naman silang nakarinig ng ingay sa kung saan at agad naman iyong pinuntahan ng apat na lalaking inaantok pa. Subalit nang marating nila iyon, nagulat sila sa kanilang nakita!

Nakita nila ang sampung mga lalaki na nakasuot ng grey na damit. Ang mga ito ay may dalang hagdan, palakol at mga kahoy at papunta sa kanila sa East Wing ng Phoenix Academy. Sa likod ng mga lalaking iyon ay isa pang grupo na may dalang malalaking kahon na kinakailangan pagtulungan ng dalawang lalaki bawat isa. Nagmadali ang mga ito ng makita sina Qiao Chu na lumabas sa East Wing.

"Nahanap din namin sa wakas. Mangyari lang pong pakipirmahan ang resibo. Para ito sa walong kahon na naglalaman ng kasuotan galing sa Moon Weavers Pavilion. Pitong kahon para sa kasuotan ng lalaki at isa naman para sa babae. Sinabayan na rin namin ng mga sapatos, medyas at mga alahas. Pakitignan na lang po ang mga gamit kung tama para kami ay makaalis na." Nakadamit ng maayos ang lider ng grupo at malapad na nakangiti nang iabot nito ang resibo kay Qiao Chu.

Gulat na gulat si Qiao Chu habang nakatitig sa walong kahon na nasa kaniyang harapan.

Dahil sa atensyong nakuha ng mga taong nasa East Wing, malakas na nagbubulungan ang mga disipulo ng ibang wing. Mas lumakas pa ang bulungan nang sabihin ng lider ng kalalakihan ang kanilang sadya!

Moon Weavers Pavilion!

Isa iyong sikat na clothing chain para sa magagandang damit!

Ang isang simpleng panyo doon ay nagkakahalaga ng mahigit sampung tael!

Tama ba siya ng pagkakarinig?

Ang tirahan ng mga pulubi ay isang bagsakang umorder ng...walong kahon...walo...

Magkano kaya ang lahat ng iyon? Halos natuyo ang mga bibig ng mga nanunuod nang kanilang kalkulahin iyon.

Halos lahat sa kanila ay walang masabi sa kanilang nakita at hindi makapaniwala sa kanilang narinig.

Nanigas naman sa kaniyang kinatatayuan si Qiao Chu. Naiintindihan niya ang bawat salitang lumabas sa bibig ng lalaki nang kaniya iyong paghiwa-hiwalayin. Ngunit nang kaniya iyong pagsama-samahin ay hindi na makuhang maintindihan ng kaniyang utak.

Ni wala nga silang pera pangbayad sa bayarin dito sa Phoenix Academy, paano sila magbabayad sa mga gamit na ito galing sa Moon Weavers Pavilion?

Matapos maghintay ng matagal, nang makita ng lalaki na hindi gumagalaw si Qiao Chu, inabot nito kay Hua Yao ang resibo.

Saglit na natigilan si Hua Yao bago niya tinignan ang resibo at ang mga kahon: "May mali ba dito? Sa pagkakatanda ko ay hindi namin binili ang mga yan. Mas makakabuti sigurong ibalik niyo na lang ang mga iyan."

Walong kahon iyon! Kahit na isa lang ang kunin nila doon ay hindi sila makakapagbayad.

Nakangiti namang sumagot ang lalaki: "Walang mali. Iyon ay Phoenix Academy, East Wing. Bayad na ang lahat ng iyan, kailangan niyo na lang pirmahan ang resibo pagkatapos ay tapos na."

"Bayad na?" Tumingin si Hua Yao kay Rong Ruo.

Ngunit wala ring alam si Rong Ruo.

Ang nakangiting lalaki ay itinuro ang pangalan sa resibo at sinabing:

"Oo, binili ito ng kustomer na nagngangalang Jun Xie."

"JUN XIE!?"

Sabay-sabay at malakas na bulalas ng apat nang kanilang marinig ang pangalan. Gulat na gulat sila sa rebelasyong iyon!

Ang mga bata galing sa ibang wing ay Naguguluhang din. Hindi pa nila naririnig na mayroon disipulo sa East Wing na nagngangalang Jun Xie. Tingin nila ay mayroon mali dito. Ang mga pulubi ng East Wing ay hindi makakayang bumili ng ganito galing sa Moon Weavers Pavilion.

Bago pa man makabawi sa pagkakagulat sina Qiao Chu, isang malaking lalaki ang dumating at may dalang kahoy sa balikat nito. Mayroon ding resibo sa kamay nito.

"Nakakatwa, may isa ring kustomer na nagngangalang Jun Xie ang kumuha samin para tumungo rito sa Phoenix Academy's East Wing para magrenovate. Maaari niyo bang pirmahan ang mga resibong ito para makapagsimula na ang aking mga tauhan?"

"..." Nakanganga lang si Qiao Chu at hindi na gumalaw na parang estatwa. Lumuluwa ang mga mata nito.

Naguguluhan naman ang itsura ni Hua Yao ngunit kumikintab ang mga mata nito.

Nagtinginan si Rong Ruo at Fei Yan. Sa wakas ay napagtanto nila kung sino ang nasa likod ng mga ito.

Related Books

Popular novel hashtag