Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 372 - Gusto mo pa ba? (4)

Chapter 372 - Gusto mo pa ba? (4)

"Si Little Xie..." Sa wakas ay nakabawi na si Qiao Chu, sapat para makapagsalita ito habang namamangha pa ring nakatingin sa kahon, Hindi maipaliwanag ang kaniyang nararamdaman.

Tumango naman si Hua Yao: "Ang isyu sa headmaster ay maaring naayos sa parehong paraan."

Ang tanging sinabi lang ni Yan Bu Gui ay maayos na ang lahat. Ngunit ang rason sa kabila non ay malinaw na ngayon dahil alam nilang lahat kung gaano kaganid sa pera ang headmaster. Alam nilang nakikinig lang ito sa kung sino ang may pera at tanging ang naaamoy lang nito ay ginto.

At ang sitwasyon sa kanilang harapan ngayon ang nagpatunay na sila ay tama.

Totoo nang inayos ni Jun Wu Xie ang isyu sa headmaster at ginamit nito ang paboritong lenggwahe ng headmaster. Salapi...

"Hindi ko kahit minsan na ang ating junior ay napakayaman pala." Halos hindi na makita ang mga mata ni Fei Yan habang nakangiti itong sinusuri ang mga kahon. Maya-maya ay muli itong nagsalita: "Err...Tingin niyo ba ay sa akin ang kahon na pambabae?"

Tumingala si Qiao Chu kay Fei Yan at Ngumisi ito.

"Tingin ko, oo."

Namutla ang mukha ni Fei Yan.

Ang malambing na mukha ni Fei Yan ay nanlumo. Ang masaya nitong mukha ay agad na nawala.

"Ehem...Ako na gagawa." Matapos mapagtanto ni Hua Yao ang nangyayari dito, inabot niya ang lapis at pinirmahan ng 'Hua Yao' ang mga resibo.

Matapos nilang tanggapin ang resibo, inutusan na ng lalaking taga-Moon Weavers Pavilion ang mga tauhan nito na ipasok na ang mga damit sa loob. At ang malaking lalaki naman ay inutusan na rin ang mga tauhan nito na simula na ang paggawa sa East Wing Building.

Nang lumabas si Yan Bu Gui sa building, nagulat siya sa kaniyang nakita. Mga lalaking nagpupukpok at nagpapanday sa gusali. Halos mabitawan niya ang kaniyang hawak na wine jar dahil doon.

Ibubuka pa lang sana niya ang kaniyang bibig para sigawan ang mga lalaki nang kaniyang biglang maamoy ang mabangong aroma ng wine. Agad na nag ningning ang kaniyang mga mata.

Pinipirmahan ni Hua Yao ang isa pang resibo ng makaramdam siya ng tampal sa kaniyang batok. Galit siyang lumingon ngunit nasalubong ng kaniyang tingin ang kaniyang Master. Kaya naman ay napili niyang tumahimik na lang.

"Saan galing ang mga wine na ito?" Tanong ni Yan Bu Gui na magkasalubong ang kilay. Nang makita niya ang maraming bote ng wine malapit kay Hua Yao, halos maglaway siya.

"Binili ni Little Xie ang mga iyan." Natapos nang pirmahan ni Hua Yao ang mga resibo at ibinalik na sa lalaki.

Sa umagang iyon, sumakit ang kaniyang mga kamay sa pagpirma ng mga resibo at ang kanilang bakuran ay halos puno ng sari-saring gamit.

Nang narinig ni Yan Bu Gui na si Jun Wu Xie ang bumili noon, agad niyang kinuha ang dalawang jar ng wine at tumungo sa kaniyang silid.

Sumasakit naman ang ulo ni Hua Yao sa pagtitig sa sunod-sunod na dumarating sa kanila simula pa kaninang umaga. Pagkain, damit, gamit sa pangaraw-araw at mga gamit sa paglalakbay...

Sa sobrang dami noon ay halos hindi niya na iyon mabilang!

Lahat ito ay mga de-kalidad at hindi mumurahin. Matagal silang mahirap na namuhay at hindi pa rin sila makapaniwala sa mga nangyayari. Kahit na ang mga batang nanunuod sa kanila ay halos mabaliw sa kanilang nakita.

Nasaksihan nilang nagyabang ang mga mayayaman, ngunit hindi pa nila nakitang umabot sa ganito ang mga iyon!

Pagkatapos ng umagangg iyon, ang bawat tao sa Phoenix Academy ay nakilala ang isang sobrang yaman na disipulo na galing East Wing at ang pangalan nito ay Jun Xie!

Walang nakakaalam kung kailan ito napadpad sa East Wing o kung saan ito galing. Bago pa man nito nailantad ang kaniyang mukha, nilunod niya na sa regalo ang East Wing.

Nag-estima ang mga tao sa Phoenix Academy at sa tingin nila ay aabot iyon ng halos isang milyong tael!

Ang halagang iyon ay halos baliwin ang mga tao...

Nawala na ang tawag sa kanilang lugar ng mga pulubi, at ang mga taong tumawag sa kanila noon, ngayon ay puno ng inggit at selos sa East Wing.

Kung ang East Wing na lugar ng mga pulubi ay makakapaglustay ng isang milyong tael, ang kanila palang tinitirhan ay parang kulungan ng baboy kung ikukumpara dito.

Tumungo sa labas ng East Wing ang mga disipulo ng ibang wing ng Phoenix Academy. Ngunit nang kanilang makita ang walang pakialam na paglustay ng pera, agad itong nagsibalik sa kani-kanilang wing at nakabahag ang buntot. Simula noon hindi na nila tinawag na lugar ng mga pulubi ang East Wing. Ngunit binigyan nila ng palayaw si Jun Xie na "bobong maraming pera" dahil sa inggit.

Naisip nila...

Kung marami kang pera, bakit ka pupunta sa East Wing? Alam ng lahat na si Yan Bu Gui ng East Wing ay isa lamang lasinggero na may apat na walang-kwentang disipulo!

Related Books

Popular novel hashtag