Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 358 - Pagkadisipulo (2)

Chapter 358 - Pagkadisipulo (2)

Naibuga ni Yan Bu Gui ang wine kay Qiao Chu.

Natigilan si Qiao Chu.

"Ubo, ubo, ubo...Anong sinabi mo?" Tanong ni Yan Bu Gui na nandidilat ang mga mata habang hindi makapaniwalang nakatingin kay Jun Wu Xie.

Anong tinawag nito sa kaniya?

Master!?

Nanginig ang kalamnan ni Yan Bu Gui at nagtayuan ang kaniyang mga balahibo. Tumingin siya sa paligid, hinahanap ng kaniyang mata ang kaniyang walang-awang Panginoon.

"Master." Kalmado ng ulit ni Jun Wu Xie habang nakatitig kay Yan Bu Gui

Nanatiling nakaupo lang si Yan Bu Gui at hindi mapigilang manginig. Namumula ang kaniyang mukha at walang masabi

Marahas namang pinunasan ni Qiao Chu ang kaniyang mukha para alisin ang wine na naibuga sa kaniya. Naguguluhang tumingin ito sa kaniyang Master.

"Master, maaaring bata pa si Little Xie ngunit siya ay magaling! Huwag mo siyang tanggihan ng ganito." Saad ni Qiao Chu. May apat lang na disipulo si Yan Bu Gui at bihira lang na magkaroon siya ng bagong disipulo. Hindi nila alam kung tatanggapin ba ni Yan Bu Gui si Jun Xie o hindi.

Kung ibang tao iyon, hindi mababahala ng ganito si Qiao Chu. Ngunit parang kapatid na ang turing nila kay Jun Xie. Kaya naman gusto niyang magsanay ito sa kanila mismong Master.

Nanginginig si Yan Bu Gui gayong hindi naman malamig.

Tanggapin si Jun Xie bilang disipulo? Pinangangalagaan niyang nakadikit pa rin ang ulo niya sa kaniyang katawan.

Ngunit para tanggihan niya si Jun Xie ay parehong nakakatakot pa rin.

Kung malalaman ng Dark Emperor na tinanggihan ni Yan Bu Gui si Jun Xie na maging disipulo nito, mapapahamak pa rin siya.

At kung tatanggapin niya naman si Jun Xie bilang disipulo...ARGHHHH!!!

Alinman ang piliin ni Yan Bu Gui ay mapapahamak pa rin siya.

Makalipas ng ilang sandaling pagdadalawang-isip, biglang tumayo si Yan Bu Gui. Huminto naman sa pagsasanay si Fei Yan at Rong Ruo at liningon ang kanilang Master.

"Pag-iisipan ko muna." Agad na tumakas sa hardin si Yan Bu Gui. Hindi niya kayang manatili pa doon.

Ang takot sa kaniyang puso ay naging dahilan para hindi siya makapagdesisyon ng mali at ang dugo niya ang maging kabayaran.

Hindi niya tinanggap ngunit hindi niya rin tinanggihan. Nadismaya naman si Qiao Chu sa sitwasyon dahil alam niyang magiging magaling na disipulo si Jun Xie sa kaniyang Master. Bukod sa malamig na personalidad ni Jun Xie, wala na siyang ibang nakikitang mali.

"Little Xie, huwag kang mag-alala. Hayaan mo maunang maisip-isip si Master. Talagang maingat lang si Master na tumanggap at pumili ng disipulo." Nag-iingat si Qiao Chu na matapakan ang ego ni Jun Xie.

Wala namang gaanong reaksyon sa mukha ni Jun Wu Xie, kalmado lang ito at mukha namang hindi apektado. Para sa kaniya, kung sinuman ang magkaroon ng disipulo na katulad ni Qiao Chu at Hua Yao ay talagang may natatanging abilidad, kaya normal lang na maging ganoon ang reaksyon nito.

Tumingin si Rong Ruo kay Jun Wu Xie. Bumuka ang bibig nito para sana magalit ngunit sa huli ay napili nitong manahimik na lang. Hindi alam ng iba ang dahilan ngunit sa kaniya ay magliwanag kung bakit ganon.

Ang lalaking nagdala kay Jun Xie pabalik sa academy ay kinatatakutan maging ni Yan Bu Gui. Ang naging reaksyon ni Yan Bu Gui ay maaaring dahil sa lalaking iyon.

Namuo ang katahimikan sa hardin. Maya-maya ay may narinig silang mga sigaw at bumakas ang pag-aalala sa mga mukha nila Qiao Chu.

"Nandito na naman sila! Kailan ba ito matatapos?" Komento ni Qiao Chu sabay na bumagsak ang mga balikat nito.

Halos wala pang isang segundo nang sabihin iyon ni Qiao Chu, isang grupo ng kabataan ang nakasuot ng uniporme ang nakapasok at sumisigaw.

"Qiao Chu! Ilang araw na ang nakakalipas? Ang batang dinala niyo dito noong nakaraang araw ay nandirito pa din?!" Ang lider ng grupo ay hindi ganoon katangkad at bakas sa mukha nito ang pagkadisgusto. Tumitig ito kay Jun Wu Xie na nakatayo sa tabi ni Qiao Chu. Puno ng panghahamak ang mga mata nito.

Malamig na tinitigan ni Jun Wu Xie ang aroganteng bata at nakita ang parehong nanghahamak na tingin sa iba pang mga kasamahan nito.

"Ehem, ilang araw pa lang naman. Bakit sobrang inip na kayo?" Tanong ni Qiao Chu.

Nanlaki naman ang mga mata ng lider ng grupong iyon dahil sa galit at dinuro nito si Qiao Chu: "Ilang araw!? Alam mo ba kung anong epekto saatin ang magkaroon ng dagdag na tao dito?! Pagkain, damit at mga pangangailangan niyan. Lahat iyon ay kailangan ng dagdag na pera! Laging may utang ang East Wing halos isang taong na! At ngayon ay nagdagdag pa kayo ng isipin at mukhang wala namang pangbayad iyan!"

Related Books

Popular novel hashtag