Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 359 - Ako ang may Gawa. Ano Ngayon? (1)

Chapter 359 - Ako ang may Gawa. Ano Ngayon? (1)

Hindi malaki ang Phoenix Academy at ilang dekada na ang lumipas, ito ay maunlad na academy. Ngunit isang malaking sunog ang tumupok sa academy at marami ang mga namatay na guro at estudyante. Ang tinitingalang academy ay nasira sa loob lang ng isang gabi lang. Kahit na marami ang nag-abot ng tulong at nagsibigay ng pera para muling makabangon ang academy, hindi na muling naibalik ang dating pangalan nito.

Ang Phoenix Academy ay may apat na pakpak ngayon at ang bilang ng mga studyante ay nasa isangdaan. Kumpara sa ibang mga academy na may libulibong estudyante, ang Phoenix Academy ay kaawa-awa.

Matapos na muling itayo ang Phoenix Academy, wala itong kahit isang estudyante sa loob ng tatlong taon. Naging dahilan iyon para magsialis ang mga guro at lumipat sa ibang academy. Para maliligtas ang Phoenix Academy, ang headmaster ay nagpasyang babaan ang criteria para sa enrollment.

Nong una ay ang mga talentado lang ang kanilang tinatanggap, ngayon ay tumanggap na sila ng kahit na sino na lang na may kakayahang magbayad ng bayarin sa Phoenix Academy.

May apat na guro lang ang Phoenix Academy sa kasalukuyan at bawat isa sa kanila ay ang nangangasiwa sa apat na pakpak nito. Ang North, East, South at West. Ang headmaster ay ganid sa pera. Kaya naman hanggat kaya ng estudyante ang magbayad, wala siyang pakialam.

Karamihan sa kanilang mga estudyante ay galing sa mga ordinaryong pamilya o di kaya'y mga anak ng mayayaman na walang talento na hindi tinanggap sa matataas na eskwelahan. Kung kaya't piniling pumasok sa Phoenix Academy para magpalipas ng oras.

Isa si Yan Bu Gui sa mga Guro sa Phoenix Academy at siya ang nangangasiwa ng East Wing. Ang bilang ng estudyanteng naka-enroll sa East Wing ay apat. Sila ay si Qiao Chu, Hua Yao, Fei Yan at Rong Ruo. Kung hindi dahil sa kaunting bilang ng mga naka-enroll sa Phoenix Academy, hindi papayagan si Yan Bu Gui na okupahin ang East Wing ng apat lang ang disipulo.

Inokupa nila iyon at bilang kapalit, sila ay magbabayad ng sapat na halaga ng pera.

Ngunit...

Nadako ang tingin ni Jun Wu Xie sa apat na disipulo ng East Wing. Ang unang dalawang beses na nakita niya si Qiao Chu, ito ay nakasuot ng gula-gulanit na damit. Ang damit naman ni Hua Yao ay mas malinis ngunit ang tela nito ay manipis na marahil sa madalas na paglalaba doon.

Base sa mga sigaw at reklamo ng mga agresibong bata, naisip niyang hindi nagbabayad ng kahit magkano sila Hua Yao at mga kasamahan nito. At ang headmaster ay nagpadala ng mga tao dito para ipitin sila sa kanilang bayad.. Tanging si Yan Bu Gui lang ang nakakapagpatahimik dito.

Ngunit ang sitwasyon ngayon ay mukhang hindi kayang mapatigil.

"Nagbigay na ng ultimatum ang headmaster! Kung hindi pa rin kayo magbabayad, kailangan niyo nang magbalot at umalis! Huwag niyong isiping makakaasa pa rin kayo kay Yan Bu Gui para protektahan kayo! Hindi na Natutuwa ang headmaster sa kaniya at baka pati siya ay mapaalis din!" Sigaw ng lider ng mga kabataan sa kanila.

Tahimik lang na nanunuod si Jun Wu Xie sa isang tabi at napansing ang mga spritiual power ng Karamihan sa ito ay nasa pinakamababang red level. Ngunit hinahayaan lang ni Qiao Chu at ng mga kasama nito na pagsalitaan sila ng masama ng mga bata.

Hindi siya sigurado sa kapangyarihan ni Fei Yan at Rong Ruo, ngunit isa lang ang natitiyak niya, nakakapantay ang mga ito kay Hua Yao at Qiao Chu.

Sa kanilang pinagsama-samang lakas, madali lang para sa kanila ang talunin ang mga batang nasa kanilang harapan. Ngunit bakit parang hindi gaanong umiimik ang mga ito?

Hindi iyon maintindihan ni Jun Wu Xie. Para sa kaniya, isa lang ang kaniyang pinapaniwalaan. Hanggat hindi siya kinakalaban ng isang tao, hindi niya ito gagalawin. Subalit kapag ginawa ng kahit na sinuman ang sumalungat sa kaniya, gagantihan niya ito ng sobra.

Maya-maya lang ay sumobra na ang kayabangan at ugali ng grupo ng mga batang ito.

"Para kayong mga asong walang hiya. Wala na nga kayong pangbayad sa utang niyo tapos nagdagdag pa kayo ng palamunin dito. Nagdala pa kayo ng basura, anong akala niyo dito, bahay-ampunan para sa mga pulubi?" Matalas na pananalita ng lider na ang tinutukoy ay si Jun Wu Xie. Hindi ito nagdalawang-isip na pagsalitaan ng masama si Jun Wu Xie nang makita nitong siya ay payat at mukhang walang kalaban-laban.